Chapter 16

23 1 0
                                    

Pilit kong inalala kung isa nga ba siya sa mga naging babae ko. Pero hindi ko talaga maalala at wala akong matandaan.

“Hindi kita matandaan, kaya umalis na kayo.” Ani ko, ayoko ng gulo baka makapatay lang ako. 

“Sinungalin! Ginahasa mo ang kapatid ko, tapos ngayon nakalimutan mo!” Sigaw nito sa akin. “Papatay*n kita!” Anito, at tinutok sa akin ang baril. 

Napatulala naman ako ng makitang humandusay ang mga taong nakaitim at ang magkapatid sa sahig. 

Napatingin ako sa likod namin at doon nakita ko si boss na tinago na ang baril. May silencer pala ang baril niya kaya wala kaming kamalay malay.

“Boss…” tawag ko rito, mukha kasi kaming nakapatay ng innocent. Hindi namin ito gawain, hindi ito ang sinumpaan namin.

“Boss, bakit mo pinatay? Inosente sila, baka kung ano mangyari sa atin…” kabadong ani ko.

“Pre, nakalimutan mo atang hindi tayo pumapatay ng inosente.” Ani naman ni Arex. Napailing naman ito sa amin.

“Hindi sila inosente, isang trap lang sayo Zefeide ang ginawa nila. Tch.” Natulala naman ako sa sinabi ni boss, paanong trap?

“Eh? Nasaan ang trap, boss?” Tanong ni Meir.

“Here‘s!” Sigaw nito at binato ang isang maliit na hidden cam sa akin.

“Trap lang ang ginawa sayo, para sirain ka.” Ani boss, sh*t bakit hindi ko agad napansin. Ibang klase talaga si boss, kaya bilib na bilib ako sa kaniya. “Napansin ko iyan kanina, kaya pinatay ko na ang dalawa. Gagawin nila iyan, para masira ka. Tch ilan beses na kasi kitang pinagsabihan na tigilan mo ang pagiging babaero mo tch.” Napakamot naman ako sa ulo.

“Boss ‘wag naman biglaan, hindi ko kaya iyon.” Nakatanggap naman ako ng batok sa mga siraulo kong kaibigan.

“Aray naman!”

“Si boss na nagsasabi sayo, sasagot ka pa ng ganiyan! Bahala ka sa buhay mo, oras na mapahamak ka hindi ka namin tutulungan!” Ani Ailden.

“Hindi kami nagkulang ng paalala sayo, bro.” Ani naman ni Shavin.

“Tch mabugok sana itlog mo, para hindi ka na makapang ano pa ng babae tch.” Ani naman ni Meir, grabe ang sama naman nila.

“Oo na, susubukan kong hindi mangbabae! Baka kasi mabulok ang sperm ko ‘pag hindi ko nalabas.” Ani ko pa, kaya sinamaan na naman nila ako ng tingin.

“G*go, gusto mo putulin na namin iyan!”

“Ipakapon na kaya kita Six.” Ani Arex.

“F*ck you! Ano ako aso para ipakapon, suntukin kaya kita.” Pinagtawanan naman nila ako.

“Hindi lang dapat kapon, pati sana ‘yung penis niya ipaputol na rin.” Sinamaan ko ng tingin si Meir. 

“Mga g*go!” 

“Minumura mo ako, Zefeide?” Nangilabot naman ako sa narinig, walanghiya.

“Hindi boss!” 

“Tch.”

“Ipagpatuloy na natin ang inom, tara na dali!” Ani Arex. Napailing naman kami at pumunta na ulit sa vip room. Hinayaan na namin sa mga mibs ang paglinis ng mga dumi.

Kasama ko naman ang babaeng ito, sa loob. Lumayo kami ng kaunti, kakausapin ko lang siya.

“Ano na naman ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kaniya.

“Inaya ako ng kaibigan ko.” Sagot niya.

“Tch, umuwi ka na.” Ani ko, at medyo napalakas ata dahil sumabat na si Arex.

“Huy Six, hindi ganiyan ang pagtrato sa babae.” Anito.

“Whatever, umuwi ka na. Isama mo mga kaibigan mo.” Utos ko pa rito.

“Ayoko nga, ano bang pake mo?”

“Kung ayaw mo, pumunta ka na sa mga kaibigan mo. Nakaka istorbo ka!” Sigaw ko rito. Ewan ko, nakakabuwisit ang babaeng ito.

“Ede wow, makaalis na nga!” Aniya at inirapan ako. Ma attitude ang babaeng iyon, bahala siya sa buhay niya.

“Hoy Six, ginaganyan mo ang babae? Respeto naman!” Ani Meir.

“I don't care.” Kumuha ako ng alak at uminom na. 

“Sira ulo ka talaga, Six.” Ani naman ni Arex.

“Tama na ‘yan, uminom na lang tayo.” Ani Ailden, si Karswel naman mukhang nang babae na naman. Uminom na kami, at nagkuwentuhan.

Mga ilang oras lang ay nakaramdam na ako ng hilo kaya naman humiga na ako sa sofa sa Vip room, inaantok na ako. Gusto ko na matulog.

“Hindi ba kayo uuwe?” Tanong ni Arex.

“Antok na ako…” sagot ko.

“Mamaya na, antok na rin ako.” Ani Meir.

“Matulog muna tayo.”

Pumikit na ako at doon ay lumabas ang imahe ni kuya. Hanggang ngayon, naalala ko pa rin siya. Sobrang sakit pa rin sa akin ng pagkawala niya. Kahit ganito ako, nasasaktan rin ako. Namimiss ko na siya, sobra. Gusto ko na rin sumunod sa kaniya, gusto ko na siyang makasama.

Noong mawala ang kuya ko, sobra akong nanlumo. Sana nandito pa siya, sana may karamay pa ako sa lahat. Kalokohan, kadramahan at lalong lalo na kakampi dahil ang mga magulang namin. Walang ginawa kun‘di ang kontrolin ang buhay namin. Napaka unfair nila ‘di ba? Kung puwede lang mamili ng magulang, ede sana pinili ko na iyong magulang na kahit hindi mayaman basta masaya at malaya. 

__

“Manyak, gumising ka na!” Napabangon ako sa isang sigaw sa akin. 

“Bakit?” Tanong ko sa babaeng gumising sa akin, ano‘ng problema niya.

“Nasa labas ang kaibigan mo, may lakad raw kayo.” Anito, tapos ay naalala ko ang usapan namin kahapon. Pero paano ako nakauwe dito? Hinatid ba ako ni Arex?

“Paano ako nakauwe?” Tanong ko, nalasing yata ako ng husto kagabi. 

“Ako nag uwe sayo dito, lasing ka na kagabi. Pasalamat ka, naalala pa kitang balikan.” Mataray na aniya. Bakit ba ang hilig umikot ng mata nito, akala mo naman kinaganda niya tch.

“Bakit sinabi ko bang, balikan mo ako at iuwe? Tch.” Ani ko at bumangon na.

“Wala ka tala– argh nevermind bwisit ka!” Anito at umalis na ng kuwarto, napakama-attitude ang babaeng ‘yon.

Pumunta na ako sa cr at naligo, pagkatapos ay agad ring lumabas.

“Yow, pre. Ano ready ka na?” Tanong nito.

“Yeah, ako pa ba?”

“Iyang asawa, dalhin mo muna kila Shavin para maturuan magluto ni Yuki.” Anito, mukhang siya na naman ang nagluto.

“Sige pre, idaan na lang natin siya.” 

“Kumain ka muna, nagluto ulit ako.” Natatawang aniya.

“Ibang klase ka talaga, pre! Diyan ako bilib sayo e!” 

Kumain na kami pagkatapos ay nagpahinga saglit, habang hinihintay ang babaeng ‘yon magbihis.

ONE NIGHT (Babaero Series #1. SIXPIRT ZEFEIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon