Chapter 21

31 2 0
                                    

Tahimik lang kami, at ewan ko ang traydor ng mga luha ko. Kusang lumabas, bigla ko kasing naalala na bakit kailangan niya magdala ng babae? At sa condo pa talaga? Naakakainis!

“Makikinig ako sayo…” ani ate Lucy.

“Si Six kasi…” ani ko, para akong batang umiiyak.

“Ano‘ng ginawa sayo?” Tanong nito.

“Nag uwe siya ng babae sa condo…”

“Mahal mo ba siya?” Tanong nito na, hindi ko agad nasagot kasi hindi ko rin alam. Mahal ko na ba siya, kaya ako nasasaktan? Argh, ayokong ma inlove sa babaero! Hindi puwede, pero f*ck mukhang kakainin ko lang ang sinabi ko.

“Hindi ko alam, pero ang sakit lang parang hindi niya ako kayang respetuhin…”

“Ang babaero talagang iyon, ilang beses ko ng sinabi na tama na ang pagpapaiyak sa babae. Tch!” Galit na ani ate Lucy.

Sinabi ko ang lahat sa kaniya, hindi pa ako sure sa nararamdaman ko pero sana hanggat maaga gustong matigil ito. Pero paano? Ikakasal rin kami balang araw.

“Sige na, magpahinga ka diyan. Ako na kakausap kay Sixpirt.” Tumango na lang ako, umalis naman na si ate.

Pinikit ko na ang mga mata ko, napagod na kase ang mata ko kakaiyak kanina.

Mga anong oras rin iyon, naramdaman kong may tumabi sa akin. Hinayaan ko muna siya, hindi ko rin alam kung sino ang tumabi sa akin.

Mga ilang oras ang lumipas, mukhang tulog na tulog na ito. Kaya gagantihan ko siya, bumangon ako at ginising siya at pinaalis.

Pero ang g*go, walang pake alam kaya ayon natulog na lang ulit ako.

Kinabukasan ay nagising akong, tulog na tulog pa ito kaya bumangon na ako at pumunta sa kusina nila para uminom. Nakita ko naman si Ate Lucy na nagluluto. Siya pala ang nagluluto ng sarili niya.

“Lay, gising ka na pala. Ano‘ng kailangan mo?” Tanong nito.

“Nauuhaw po ako, tulungan na po kita…” ani ko. May natutunan naman ako kay Yuki.

“Ikaw ang bahala.” Ngumiti ako rito at tumango bago kumuha ng tubig.

Tinulungan ko si ate Lucy na magluto, pagkatapos ay pinahanda na sa katulong. Ang bait niya kasama at hindi mo mafefeel na hindi ka belong.

“Kumain na kayo!” Sigaw nito, pumunta naman na agad ang dalawa sa mesa. Hindi ko naman tinitignan si Six, dahil naiinis ako ‘pag naalala ko ang ginawa niya tch.

Matapos kumain ay nagpahinga kami sa salas.

“Babae, uuwi na tayo.” Ani Manyak. Tumango na ako, dahil nakakahiya naman kung mag stay pa ako dito.

“Ate Lucy, aalis na po kami.” Ani ko.

“Wait lang, Six mag usap muna tayo.” Tumango naman si manyak at lumayo muna sila.

Ako naman ay nakaupo dito sa salas, nandito rin ang asawa ni Ate Lucy. Nagtitipa lang ito sa laptop niya, napaka seryoso nito. 

Maya maya pa ay bumalik na ang dalawa, tapos ay inaya na ako ni Six na umalis.

Tahimik lang ako sa kotse, ayokong imikin siya. Wala naman kaming pag uusapan, tsaka wala akong karapatan masaktan wala naman kaming nararamdaman sa isat isa. Pambayad utang lang naman ako, kaya malamang ganito ang magiging trato niya sa akin. Wala akong karapatan umangal at masaktan. Tsaka mukhang napipilitan lang rin naman ang lalaking ito sa akin. Alam kong hindi pa siya sawa sa buhay binata niya. Wala naman akong magagawa don.

Pagkauwe sa bahay ay agad akong pumasok sa kuwarto. Ito naman ay nagpaalam na aalis.

Mas nainis naman ako ng makakita ako ng panty ng babae sa kama, talaga nga namang wala siyang respeto tch.

Sa kama talagang ito siya, gumawa ng milagro. Nakakainis!

Agad akong naglinis at pinalitan ang bedsheets. Tapos ay humiga na ako, at kinuha ang cp ko tsaka nagtipa ng update sa story ko.

Pagka update ko ay binaba ko na ang cp ko. Matutulog na muna ako tch.

__

Nagising naman ako, wala pa rin si manyak. Tumayo ako at pumunta sa kusina, tapos ay nag init ng makakain tsaka kumain na.

Pagkatapos ay umupo ako sa salas, at nanood ng tv. Maya maya lang ay dumating na si Six. Naamoy ko agad na amoy alak ito, habang papunta rito sa salas. 

Hindi ko na ito pinansin at nagfocus sa panonood ko. Tumabi ito sa akin at bigla akong niyakap at sinandal ang ulo sa balikat ko.

“I‘m so…sorry… ‘wag ka sana magalit…” Bakit naman siya nag sosorry? Lasing lang siya, kaya ganiyan siya. Tsaka baka hindi ako ang kinakausap niya. Hindi ako umimik, kaya naman mas lalong humigpit ang yakap nito. “Hindi na mauulit…” ani pa nito. At naramdaman kong basa na ang balikat ko. Hala bakit siya umiiyak? “Basta sorry…” ani pa nito at hindi na ito umimik. Nakatulog na pala siya sa balikat ko, bakit kasi lasing na lasing.

Inayos ko na ito sa sofa para makaayos ng tulog. Dahil hindi ko naman siya kayang dalhin sa kuwarto.

Pinatay ko na ang tv at pumunta sa kuwarto. Kumuha ng kumot at kinumutan ito baka kasi lamigin. Tapos ay pumunta na ako sa kuwarto para matulog na rin.

Pero gusto ko na sana matulog pero naalala ko naman ang paghingi niya ng sorry. Totoo kaya iyon? Pero gumaan ang pakiramdam ko do‘n. Marunong rin naman pala siya magsorry.

Hayst makatulog na nga!

__

Kinabukasan ay agad akong bumangon, nag asikaso at lumabas na. Tulog pa sa salas si Six, mukhang ang dami niyang nainom kagabe. 

Papunta na ako sa kusina ng mga magdoorbel kaya naman ay agad akong pumunta sa pintuan at binuksan iyon.

Bumungad naman agad sa akin ang isang babaeng ang kapal ng lipstick. Hindi naman siya ang babaeng dinala dito ni Six noong nakaraang araw.

“Nasaan ang boyfriend ko? Kapatid ka ba niya?” Tanong nito, kaya napataas ang kilay ko. Boyfriend? Ede girlfriend niya ang babaeng ito. Letche ka talaga Sixpirt! Ang dami mong babae!

“Hindi na siya nakatira dito, ako na ang bagong may ari ng condo na ito.” Mataray na ani ko, hindi ko sasabihin baka maglampungan pa ang dalawang ito dito tch.

“Really? Hindi ako naniniwala! Papasukin mo ako!” Aniya at pumasok nga sa loob at nakita nga niya ito sa salas. Kaya naman ay sinamaan ako ng tingin nito.

“Wala pala ha?” Anito at inirapan ako.

“Baby, bumangon ka na diyan. I miss you…”

“Puwede ba? ‘Wag mo siya gisingin!” Mataray na ani ko. “Tsaka umalis ka na nga!” Ani ko pa.

“Sino ka ba? Ano bang pake mo? Ako ang girlfriend kaya manahimik ka!” Sigaw nito sa akin. T*ngina niya! Argh!

ONE NIGHT (Babaero Series #1. SIXPIRT ZEFEIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon