Nineteen

5 0 0
                                    

10.21.21

sa pagitan ng ngayon at bukas
mga gabing luha'y tila wala nang wakas
mga tanong na para bang ilog sa pag-agos
problemang animo'y ulan kung bumuhos
hanggang kailan ko hihintayin ang katapusan?
kailan ang pag-hilom ng mga kaluluwang sugatan?
sapat nga ba ang paghingi ng kapatawaran
kung liwanag ay di ko na masilayan saan man naisin dumaan
paano bibitaw
sa bagay na ibinigay na sa'yo bago ka pa man sikatan ng araw
paano ko pipiliin ang sarili
kung anumang aking gawin koneksyon sa pagkatao'y mananatili
ano nga bang dapat kong gawin?
paano tatakasan ang damdamin?
saan ko dapat bitawan ang mga dalahin
kung duda na akong may handang makinig sa'king mga dalangin
kung binabasa mo ito marahil ay naghahanap ka ng punto
hinahanap ko rin kung nasaan nga ba ang dulo
at kung talagang may katapusan ang kalungkutan sa mundo
hindi ba't wala?
ilang milyong beses man tayong humiling sa mga tala
minsan nga gusto ko nalang magalit kay bathala
dahil sa paulit ulit na tagpo
at mga pangakong paulit ulit na napapako
hanggang kailan ko sasambitin ang salitang "pagod na ako"
hanggang kailan?
hanggang kailan mo sasabihin ang salitang mahal mo ako?

Lover of WordsWhere stories live. Discover now