11.13.20
Sa muling paglalaro ng tadhana
Matagpuan ka kaya sa susunod na kabanata?
Dinggin kaya ng mga bituin
Ang pagsamong, ika'y maging akin
O habang buhay na lamang
akong maghihintaysa pag-ibig
na matagal nang nawalay
Habang buhay na lamang,
katatagpuin ka sa panaginip
kung saan,
pinili mong manatili
Ang mga bagay na sayo'y walang halaga
ako,
ang dapat sanang tayo
tapos na,
hindi ba?
patawad,
kung hanggang ngayon
ibinubulong ko pa rin sa hangin
ang salitang paalam
umaasang,
bukas,
sa paglalarong muli ng tadhana
tangayin ka nito
pabalik sa akin
YOU ARE READING
Lover of Words
PoetryWritten poems, songs, and random lines. Made out of my messy mind.