12.1.21
Patuloy sa paghanap ng kanlungan
sa mundong pagal ay tila walang katapusan
halos mabali ang leeg kakatanaw sa sinag
'di maintindihan kung bakit tila pinagkakait ang liwanag
patas nga ba sa lahat?
o nakatakda talaga akong malunod sa dagat?
may dulo ba sa paghahantay?
o habang buhay hihilumin ng puso bawat latay?
'di ko batid kung bakit
hindi ako nauubusan ng pasakit
galing sa kanila
galing mismo sa'kin
tanong ko'y bakit laging may hikbi
kapalit ng panandaliang ngiti
'di batid kung kaninong pangako ang panghahawakan
saan man lumingon, ako'y kulong nang di ko man lang namalayan
gaano man ka-kinang ang mga tala sa kalawakan
hindi nito mapawi ang nararamdaman
sagot nga ba sa lahat ay kapatawaran?
noon ko lamang ba talaga makakamtan ang kalayaan?
hanggang ngayon ay tanong ko
kung paano ako maging sapat sa nakakaubos na mundo

YOU ARE READING
Lover of Words
ŞiirWritten poems, songs, and random lines. Made out of my messy mind.