4.12.24
sa tagal ng panahon na ginugol sa paghihintay
madalas akong napapa-isip
kung para saan at bakit ako nabubuhay
siguro ay maraming rason,
pamilya? trabaho? kaibigan? pangarap?
pero minsan sa bawat pag-pikit
napapatanong ako kung bakit tila walang para sa akin?
bakit tila nabubuhay ako para sa iba?
sino ba ako?
ano ba talagang gusto ko?
at saan ba talaga ako patungo?
marahil kaya ako naliligaw
at nakikisilong sa mga bahay sa daan tuwing inaabutan ng ulan
tapos sa pagtila ay kakailanganin ko nanamang lumakad palayo
dahil alam kong hindi ko pa nararating ang lugar na matatawag kong tahanan
siguro, doon ako papunta
sa aking tahanan
na hindi ko alam kung nasaan
minsan napapaisip ako
kung may saysay ba ang paglalakbay
marahil para sa kanila
pero ang tanging alam ko lang
hindi ako masaya
nakakapagod mag patuloy dahil "kailangan"
hindi ko din maiwasang mag-inggit sa mga taong lumalaban dahil may tanging dahilan
palagay ko naglalakbay ako sa kawalan
kahit napapaligiran ng mga matang puno ng kaligayahan
aaminin ko, sa gitna ng kahinaan
gusto ko din ng masasandalan
ng magpapatahan
marahil pagod na talaga akong
kayanin lahat mag-isa
at kayanin para sa kanila
YOU ARE READING
Lover of Words
PoetryWritten poems, songs, and random lines. Made out of my messy mind.
