Courtney POV
Nakatayo ako ngayon sa waiting area naghihintay ng jeep para makauwi na ako.Tumingin ako sa wrist watch ko 6:30 p.m na pala.Uhg.Bakit kasi ang tagal dumaan ng jeep.
7:36...
wala parin madilim na rin..
8:03..
8:45..
Sh*t yung totoo?! Sinasadya ba nilang hindi dumaan dito? Tawagan ko na lang kaya si Papa at pasundo ako? No. Hindi pwede nagtatampo pala ako sa kanya kasi ayaw niya akong bilhan ng kotse.Kailangan ko tuloy mag jeep pababa sa village.Napayuko na lang ako at pumunta sa may sulok.
Biglang may tumigil na sasakyan.Sh*t baka kidnapper 'to.Tatakbo ba ako? Kung sumigaw kaya ako ng tulong? Sumilip ako sa may gate kaso parang wala na iyong guard.Napabuntong hininga na lang ako.Nandito naman ako sa sulok baka hindi ako mapansin.
Nagulat ako dahil biglang my lumabas sa passenger seat.Isang babae.. si E-ella.Anong ginagawa niya doon? Sa pagkakaalam ko hindi kotse 'yon ni Austine.May hawak siyang bulaklak.Parang ang saya-saya niya.Niloloko niya ba si Austine? Nagbye bye siya tapos umalis na yung kotse.Napatingin si Ella sa akin.Nagulat pa yata siya.
"Uhmm..H-hi kanina ka pa ba dyan?"Nauutal na tanong ni Ella.Ayy.. Hindi kakadating ko lang malamang. -_-
Mukha namang mabait si Ella.Ewan ko.
"Ah oo.."Sagot ko dito.Tumango naman siya at nilabas ang kanyang cellphone niya parang may tinetext siya.Tinago niya rin sa bag yung bulaklak Hala baka malanta.Choxx.
"Naghihintay ka rin ba ng jeep na masasakyan?"Tanong ko rito.
"Hindi may sundo ako.."Napa Ah nalag ako.Gusto ko lang naman maging friendly sa Girlfriend ng Crush ko.
Tumigil sa harap namin ang isang black na sasakyan.Yung kanina 'to ah.Bumaba yung lalaki tapos may inabot.Parang taga ibang school.
"Ella..Nakalimutan mo oh.."Tapos inabot niya yung panyo ni Ella.Sus para panyo lang. -_-
"S-salamat"Sabi ni Ella doon sa lalaki.Biglang may humila kay Ella.
"Tara na"Cold na sabi ni Austine.
"M-mauna na kami."Tumingin siya sa akin tapos dun sa lalaki.Tapos naglakad na sila.Siguro nasa parking lot yung sasakyan ni Austine.Bale kmi na lang ang natitira nung lalaki dito pero tumakbo siya papasok doon sa kotse niya parang nagmamadali.Tsk. Edi ako na mag-isa.Maglakad na lang kaya ako.Tama maglalakad na lang ako.
Habang naglalakad ako kinakalkal ko yung cellphone ko.Tanga ko talaga.Naiwan ko yata sa locker.Binilisan kong maglakad dahil madilim nakakatakot kaya.Wala pa kong kasama.Si Bestfriend naman eh may sundo yun alangan naman sumabay ako nakakahiya kaya.May hiya pa naman ako kahit papano.
Naalala ko nanaman yung nangyari kanina.Kaya pala naiwan ko kasi dahil sa tao na iyon.Malapit na ako sa may sakayan ng tricycle dito.Magtritricycle na lang ako.Nakakainis kasi bakit walang jeep na dumaan.Nagtitipid pa mandin ako para makabili na ako ng sasakyan.
Malapit na malapit na talaga ako sa sakayan ng tricycle ng may biglang bumusina sa likod ko.Siyempre napatingin naman ako kung sino yun.Si Anderson.Hindi ko siya pinansin at binilisan ko pa ang paglalakad.
*BEEEEEEPPP**Beeeeeeeppppp*
Tumigil na ako sa paglalakad at hinarap ang sasakyan ni Anderson bumukas naman ang bintana sa may shotgun seat.
"Sakay na bilis"Sumakay na nga ako.Wala eh kapag may pinagiipunan ka kailangan talaga magtiis.
"Oh ba't nakangiting aso ka diyan?"Tanong ko sa kanya.
