Lauren's POV
Today is Friday. Nakatulog kame kagabe 12 midnight na. Ang sakit nga sa ulo eh! Pano ba naman, pinainom nila ako, buti na lang di ako nalasing ng sobra. At buti na lang di nila ako type, kase baka ________ na nila ako. Alam nyo na yun. Kung hindi! Eh di kayo na inosente! XD peace ....
Nagising ako ng maaga at nag ayos agad, may pasok kaya ako. Saka hanggang 6pm ang pasok ko ngayon, may remedial kase eh! Diba nga lage akong absent ? Kaylangan kong mag habol ng lectures.
Ako na nag luto ng agahan ko at binilisan ko ang kilos ko. Nag paalam na ako kay yaya elle at kumaripas ng takbo. Sumakay ako ng jeep at nakitang 5:30 pa lang, samantalang 7am pa ang pasok ko. At dahil maaga pa, umuwi muna ako sa bahay para kamustahin si lola at Lauren
Dumating ako sa bahay at nadatnan ang kalat sa labas, kaya nag walis muna ako, ang daming dahon eh!. Pag tapos kong mag linis saka ako pumasok sa bahay na di man lang nilock ni Liam! Yung lalakeng yon talaga! Pano pag nanakawan na kame? Tsk. Humanda sya saken!
"Ate!!!! Bakit ngayon ka lang? Papasok ka ba?" bungad nyang tanong habang nag luluto ng itlog.
"GoodMorning din." sarcastic kong sagot sabay upo sa lababo at pinanood syang mag luto.
"Tsk. Si ate naman eh! Ang layo ng sagot mo sa tanong ko eh!" irita nyang sabe, habang umiiwas sa tumatalsik na mantika.
"Sa susunod kase, goodmorning muna ang sabihin mo. Saka teka ... Bakit di naka lock yung pinto? Ganyan ka ba pag wala ako ha!? Naku! Pag tayo nanakawan!" pag susungit ko, habang naka ngiti sya. Aba loko to ahh! Pinapagalitan na, nakangiti pa !!
"Nakakamiss ka ate! Hahahaha ... Nakakamiss mga sermon mo!" sabe nya with matching tawa. :P
"Tsk. Ewan ko sayo! .... Si lola nasan?" pag iiba ko ng topic.
"Nasa kwarto nya, nag tutupi ata ng damit mo." sagot nya
"Damit ko? At bakit?" pagtataray ko.
"Ewan. Tanungin mo!" sagot nya sabay irap. #bakla.
Agad naman akong bumaba sa lababo at pinuntahan si lola sa kwarto nya. Sinilip ko muna sya bago pumasok.
"Lola..." bati ko sa kanya with a wide smile. Niyakap ko sya ng mahigpit at kiss sa cheeks.
"Oh Apo! Bakit ngayon lang kita nakita ha?" tanong nya with a small smile.
"Don po kase ako natulog sa bahay ng boss ko, gabe na po kase ako natapos eh!" sagot ko sa kanya.
"Mmm.. Yung boss mong pogi? Si .... Luse? Luse ba yon?" natawa na lang ako kay lola.
"Luke po." pag tatama ko, ngumiti naman sya ng nakakaloko.
"Lauren, Apo! ... Boyfriend mo ba yun?" seryoso nyang tanong.
"Lola! Hindi po. Wala po akong boyfriend saka ... Ayaw ko pa po." mariin kong sagot.
"Sabe mo eh! Pero Lauren, .... Kung ako ang tatanungin mo? ... Gusto ko si Luse ... Este ... Si luke para sayo." seryoso nyang sabe.
"Po? Akala ko ho ba, si Xander ang gusto nyo?"
"Pwede. Pero kay Luke pa rin ako. Bakit?" ngumiti si lola saken.
"Bakit po?" tanong ko.
"Kase, nung pumunta sya dito, nag kwentuhan kameng dalawa. Sabe nya saken, iniwan sya ng mama at papa nya. Yung tito nya ang naging tatay nya pero walang nanay na nag alaga sa kanya. Eh ikaw naman, wala ka ring mama at papa, ako ang pumalit sa mama mo at nag alaga sayo pero wala kang papa. .... Naisip ko lang .... Ang kaylangan nyo ay ang isa't isa. Kaw tatayo bilang mama nya at sya ang tatayo bilang papa mo. Sa ganon, parehas mawawala ang pangungulila nyo sa tulong ng isa't isa. Gets?" seryosong sabe ni lola na ikina-froze ko.
BINABASA MO ANG
Risk It All
Teen FictionWhat if your WEAKNESS is the one who help you to be FEARLESS? Luke Anderson. He's the famous vocalist of StarStruck. Hes almost perfect, except one thing. He has no family. Namatay ang dad nya at Iniwan sya ng mom nya. Hanggang ngayong umaasa sya na...