Chapter 13

9 2 0
                                    

Lauren's POV

Okay. Pumayag ako sa gusto ni Luke. Iku-kwento ko ang buhay ko at ganon din ang gagawin nya. Wala naman sigurong masamang mag kwento diba? Saka hindi naman lahat lahat ang iku-kwento ko, syempre meron din dapat privacy kahit konti.
Nandito kame ngayon sa bahay namen, yes, kasama ko si Luke dito sa bahay namen. At kasalukuyang siyang nakikipag kwentuhan kay lola sa sala, habang si Liam tinutulungan akong mag sampay ng mga nilabhan ko. Hahaha :D kahit MVP at Heartthrob ang kapatid ko sa school namen, gumagawa pa rin yan dito sa bahay. Ayos diba? :-)

Nang matapos na kong mag laba, gumawa muna ako ng meryenda namen. Nakakapagod talaga, walang nanay. ;-( walang tutulong sayo sa mga gawaing dapat sila ang gumagawa. Hindi ko rin naman masisi si lola kase matanda na siya at mahina na. Erase! Erase! Dont cry Lauren.

"Meryenda?" alok ko sa kanila na nasa sala. Nilagay ko ang tray na may mga tinapay at juice.
"Ooohh... Salamat Ate." usap ni Liam sabay subo, I just smiled at him.
"Oh iho, kumuha ka, masarap yan." alok ni lola kay Luke.
"Salamat po." hindi naman tumanggi si Luke at kumuha na rin ng tinapay.

Nag kwentuhan muna kame nina Lola at nag tawanan. Nakakatuwang makitang masaya si Luke. Parang nawawala yung rockstar image nya. Nakakahawa pati yung ngiti nya :-) Mga ilang oras na rin kame dito sa sala, mukhang pagod na rin si lola makipag kulitan samen kaya inalalayan ko na siya papunta sa kwarto nya para mag pahinga. Si Liam naman pinag hugas ko ng mga pinag meryendahan namen, kaya naiwan kame ni Luke sa sala.

"Magkwento ka na." paninimula ko.
"Ako una?" tanong nya.
"Oo, bakit?" heto na naman kame sa tanungan.
"Ikaw na mauna." sagot nya. Hmm! Ako na nga muna una.

"Okay, I'll start when I was 7 years old and Liam is 5. So ... masaya ang family namen noon, we have a business before which is very sucessful, na kinaiinggitan ng iba. Then suddenly, may nakaaway ang parents namen na ibang business owners. It was saturday, pupunta kame ni Liam sa workshop non but .... I got fever. Kaya si Liam lang ang pumunta sa workshop non with his nanny. Naiwan ako sa bahay, I was actually in my room .... When I heard my parents fighting. Bumaba ako non at sinilip sila, naka upo lang ako sa hagdan non watching them. Pero ....... sa isang iglap? ..... May pumasok na mga lalaki at pinag babaril sila, I was very near to them ... kaya kitang kita ko kung pano sila namatay. Nung umalis yung mga lalaki, I ran towards my parents na naligo sa sarili nilang dugo. Tumakbo ako non palabas ng bahay para humingi ng tulong ...... but before I reach the gate ... Sumabog na ang bomba sa loob ng bahay namen. Muntik na kong mahagip non. But I survived ...... without my parents.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nahimatay na ko."

Hindi ko namalayan na tumabe na saken si Luke at pinatahan ako sa pag hagulgol ko habang nag ku-kwento.

"Do you want to continue?" tanong nya with concern in his eyes. I just smiled, at tinuloy ...

" .... Nagising ako non, nasa hospital na ko. Nakita ko si Liam sa may upuan ng hospital. He's crying. Tinawag ko siya at sabay kameng umiyak habang mag kayakap. The next thing I knew? Nasa kaibigan kame ng parents namen tumira for almost a months, tapos dumating si lola from states and kinuha nya kame...." I smiled at Luke.

"And?" tanong nya and I chuckled.
"Ayon, dinala nya kame dito. Tahimik na kame at masaya. We moved on already." I sighed.
"What happened to your business?" tanong nya.
"Well, may kinausap si lola dati na kamag anak namen, sila na ang nag patakbo non. At kame namuhay ng tahimik at simple. Nilayo kame ni Lola sa pera at negosyo .... para hindi kame matulad kina mama. Saka nung pinakulong namen yung master mind ng pag murder sa parents namen, binantaan pa nila kame na .... pati kame papatayin nila. Thats why lumayo kame. And look at me and Liam now? .... 18 na ko at 16 na si Liam." I smiled widely at Luke.

Risk It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon