JUNGKOOK'S P.O.V.
Inip na inip na ako sa last subject ko bukod sa Science na nga yung teacher ang hina pa ng boses nakakawalang gana tuloy makinig sakanya gabi paman din nakaka-antok na. Patingin tingin ako sa orasan.
"Ahhh, Nakakabagot! Tssk" kinakausap ko sarili ko habang pinupukpok ang ballpen sa desk.
"Badtrip sana uwian na"
Pagsabi ko nun sakto nag ring ang bell. 6:45 ang uwian namin.
"Ayos!" Sigaw ko habang nag-aayos ng bag.
"Ok Class Dismiss!" Sabi ng teacher ko.
Pati pag-papaalam niya sobrang hina at mahinhin alam niya naman na maingay na nga at uwian.
"Jungkook!" Sigaw ng isa kong tropa.
Siya nga pala si Jin bestfriend ko siya since Elementary kaya malapit na kami sa isat-isa. Lagi ko siyang kaklase ngayon lang hindi pero kahit ganun sabay parin kami umu-uwi Section 2 at ako Section 1, nagpabaya kasi siya. Sa totoo mas matalino pa siya sakin, Masipag lang ako at siya nagtamad-tamad last school year kaya ayun bumagsak. Dati halos naghahabulan kami sa Top niyan halos dikit lang ang laban. E wala e nagpaka-tamad at naadik sa Dota kaya ganun.
"O tol!" Tugon ko habang palabas ng room at nag apir sakanya.
"Grabe tol kanina pa ako dito, Yung Teacher mo nayan kabagot, Kabadtrip!" Sabi niya.
"Oo nga e halos mamatay na ako sa Sobrang Bag--" hindi ko natuloy sinasabi ko kasi dumaan siya.
Kinabahan ako dun. Masungit kasi yun akala mo laging may regla kahit menopause na.
"Bagot!" Pagpa-patuloy ko nang makalampas na siya.
"O tol, bayaan mo aalis naman na daw siya, Mag Retired na mga this Week siguro" sabi niya.
"Talaga? Yeah!!!" Sigaw ko
E paano ba naman kasi ako hindi mapapa-sigaw e mawawala na ang Teacher ko sa Science na bukod sa mahina at mahinhin ang boses masungit pa at mababa magbigay ng Grabe e hindi naman pumapasok.
"Wag ka maingay tol, narinig ko lang yun kanina" bulong niya sakin.
Semi- Tsismoso kasi tong lalaking to. Halos lahat ng hindi ko nalalaman sa nangyayari e alam niya. Galing diba?!
"Ayy, Sorry tol" sabi ko nang patawa
"Ayos lang, Tara na!" Sagot niya.
Magkapit- Bahay lang kasi kami. Ngayon papauwi na kami nakita nanaman namin ang 12 lalaking lagi naming nakikita tuwing uuwi kami. Napaka- misteryoso nila.
"Tol tignan mo nanjan nanaman sila" sabi ko sakanya sabay turo sa 12 na lalaking tila may hinihintay.
"Oo alam ko Tol, wag ka na magturo" sagot niya sabay hampas sa kamay ko.
"Tol, naghihinala na talaga ako jan ano kaya Spy-an natin sila ngayon tutal maaga pa" sabi ko ng pabulong.
"Good Idea Tol, YOU'RE SO SMART" sabi niya sakin.
At nagdesisyon nga kaming Spy-an sila. Tumakbo kasi at nagtago sa malaking batong nandoon sa isang Abandonadong lugar. Nag-stay kami dun for 5mins na nakatitig lang sakanila.
"Tol, tara na ang tagal parang wala lang namang ginawa yang mga yan jan!" Bulong niya sakin.
"Saglit nalang Tol maghinatay ka lang" sabi ko.
Saktong kapag sabi ko ay May biglang Lagusan pababa ang nagbukas.
"Tol, tignan mo dali!" Sabi ko sakanya at turo sa lagusan.
"Ayos yan tol a!" Sabi niya.
Mahilig kasi siya sa mga ganyang bagay. Mahilig siya sa mga kababalaghan. Pareho kami.
"O tol tara dali puntahan natin!" Sabi niya sakin sabay lakad.
"Baliw ka ba?!" Tanong ko tapos hinila ko siya.
"Mamaya malaman nilang nag Spy tayo dito! Gusto mo bang mamatay?!" Tanong ko ulit sakanya. Sabay batok.
"Oo na tol, Mamba-batok pa e!" Sabi niya sabay kamot sa batok.
"Sorry na baliw ka kasi e!" Sabi ko sakanya.
"Ayos lang baliw kasi ako e" sabi niya sabay tawa.
Nagtatawanan kami ng may marinig na malakas na Kalabog.
*Kablag*
"O tol ano yun?" Tanong niya habang nanlalaki ang mata.
"Tol tignan mo sarado na!" Sagot ko at turo ulit.
"Oo nga tol tara na uwi na tayo bukas ulit!" Sabi niya.
Umalis na kami doon. Gabi na din kasi nun. Nag-usap kami at nagplano na laging Tignan at Spy-an ang mga lalaking yun.
"O tol anong plano?" Tanong niya habang naglalakad kami pauwi.
"Ganto yan Tol, lagi natin silang Spy-an at kapag nakakuha tayo ng tamang araw at oras at tiyempo papasok tayo or susunod tayo sakanila" sagot ko
"E tol paano kung mahuli tayo?" Tanong niya ulit.
"Hindi yan akong bahala. Diba gusto mo din naman?" Sagot ko sabay nagbato ng tanong.
"Oo naman Tol, alam mo namang mahilig ako jan sa mga ganyan diba!" Sagot niya sakin.
"So ano pa ngang gagawin natin, tuloy ang plano!" Sabi ko at umapir sakanya.
"Oo tol tuloy na tuloy!" Sagot niya.
Dahil sa kadaldalan namin hindi namin namalayan na malapit na kami sa Bahay.
"O tol dito na ako a!" Sabi niya sabay Apir ulit.
"O sige tol, bukas a!" Sabi ko at umalis na.
Ng makarating ako sa bahay hindi mawala sa Isip ko ang 12 lalaking lagi ko/naming nakikita.
Nagbihis ako at kumain.
Bago ako matulog hindi parin mawala sa isip ko kung ano nga talaga ang ginagawa nila dun. Curious kasi talaga ako.
Bago ako tuluyang matulog e nagsulat muna ako sa Diary ko. Sinusulatan ko yun kapag may mga kababalaghan akong nakikita at naiisip. Tulad kanina hindi mawala sa isip ko. Malakas din ang pakiramdam ko na may iba talagang ginagawa yung mga yun doon e.
Dear Diary,
Ito nanaman ako alam mo naman na siguro kung bakit. Kanina kasi nakita ko nanaman yung 12 na lalaki na laging ko/naming nakikita sa Abandonadong Lugar malapit sa School. Pero kanina bigla akong kinabahan at kinilabutan kasi sa araw araw na pag-uwi namin ngayon ko lang nalaman na may lagusan doon. Gusto kong makapunta doon. Sana matuloy balak namin. O siya matutulog na ako.
~Jungkook.
-
-
-
-
-Itutuloy………
-
-
-
-
-Vote!! Thanksss.
-
-
-
-
-By: Origin_

BINABASA MO ANG
Time: EXO's Fraternity [BS Story]
Hayran KurguRated SPG All Rights Reserved 2015 Written By: Origin_