Two

1.7K 41 0
                                    

CHAPTER TWO

Callisto Bautista's Point of View

Nang makapasok kami sa boarding house, iginiya ko siya sa unit namin.

"Whew. Hanep! Ang linis ah!" bulalas ni Alex pagpasok sa unit namin.

Meron kaming sariling mini-kitchen, lababo, banyo, sala at may kwarto na may tatlong kama. Maluwag ang room kaya walang problema.  Meron ding TV at Refrigerator kaya sulit na sulit ang bayad namin dito.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at iginiya ko siya sa kusina. "Pasensiya na, walang aircon eh. Medyo mainit. Teka lang at kukunin ko ang electric fan."

Then dali-dali akong pumasok sa bedroom. Nadatnan ko doon si Liam. Isa siya sa kakwarto ko. Dalawa sila ni Eric. Mababait naman sila at nirerespeto ako kaya nakagaanan ko agad sila ng loob nung una kaming magkikita. Boardmate ko na silang dalawa since first year ako kaya close na kami niyan.

Parehong Computer Science ang kinukuhang kurso nina Liam at Eric samantalang Secondary Education naman sa amin ni Alex. Kakasimula palang ang first Semester.

"Cali, parang may kasama ka 'ata ah. Sino yon? Bf mo?" tanong ni Liam sa tonong nang-aasar habang sumisilip sa giwang ng pinto. Ganyan 'yan, alaskador!

"Ssh! 'Yang bibig mo nga, baka marinig ka. Hindi ko jowa 'yan, kaklase ko," paliwanag ko. Li ang tawag ko sa kanya. Actually, Liam is shortcut for Lee Amiro pero ang shortcut, shinortcut ko pa. So ayon, I came up calling him Li. Jet Li? Nah Uh!

"Uyy. Destiny!" tudyo niya.

"Destiny 'yang mukha mo. Parehong lalaki, destiny?"

"Lalaki ka?"

"H-hindi. Ah I mean oo pero hello, bading ako."

"Oh 'di destiny kayo."

"Hindi nga! Kahit naman bading ako, lalaki parin ako at hindi pwedeng majuntis."

"Adik! Buntis agad? Pwede sex muna? Masyado ka namang excited," sabi niya at natawa ng malakas. Kinuha ko 'yong unan ko at ibinato sa kanya.

"Manahimik ka!" I shouted at him. "Teka—ano na nga pala pinunta ko rito?"

"Malay ko sa'yo? Na-miss mo siguro ako kaya ka nagpunta rito para makita ako."

"Leche!" kitams? Nagiging bad girl ako 'pag 'yan ang kausap ko. He's the most annoying person I've ever met, yet friends kami? Ewan ko nga e. "Asan 'yong electric fan?"

"Andun oh. Tanga talaga nito," sabi niya at inginuso ang likuran ko. Nang makita ko 'yong punyetang electric fan,  kinuha ko agad para makaalis na ako dito. Baka mamaya, mag-pillow fight na naman kami nitong chaka na'to.

Uy, joke ko lang 'yon ha? Gwapo si Liam. May abs pa! Nom nom nom. Hahaha. Medyo may hawig nga siya kay Enrique Gil eh, lalo na kapag nakangiti.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon