Twenty Four

1.1K 27 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

Callisto Bautista's Point of View

Binantayan ko magdamag si Liam habang natutulog siya. Umuwi na si Alex matapos kaming kumain ng hapunan.

Nagpasalamat ako sa kanya. That guy deserves to be blessed. Sobrang bait eh. Hindi pa kami ganun ka-close pero I can count on him.

I'm thinking, okay na sana na hindi ako magka-boyfriend dahil binigyan naman na ako ng tatlong poging kaibigan. Pero wala eh, maganda lola niyo eh. Haha!

Nakatulog si Eric bandang alas dies ng gabi pero ako, hindi ako makatulog kahit mag-aala una na. Kilig na kilig parin ako hanggang ngayon. Sana lagi nalang lasing si Liam para honest siya lagi sa nararamdaman niya sa'kin.

Ganito pala kasaya ang magmahal at mahalin. Heaven!

I reminisce that moment when he thought I really am Karla and he pushed me away worrying that Cali will get mad at the sight of them, I really can't get over it.

Kung mag-isa lang sana ako sa kwarto ngayon, malamang patag na patag na 'yong sahig sa kakagulong ko.

Ngayon lang ako kinilig ng ganito talaga. Mas matindi pa ito sa pagkakilig ko kina P'Bank at P'Golf, promise!

Nung bata ako, especially noong mga panahong naglalandi na ako, hindi boyfriend ang una kong pinangarap kundi magkaroon ng pagawaan ng marshmallows.

Weird, 'no? I guess I really am obsessed with that junkfood until now.

Pero sadyang mabait si Lord dahil binigyan niya ako ng sobrang makakapagpasaya sa akin. Sobra pa dun sa saya at satisfaction na nararamdaman ko kapag nakakakain ako ng marshmallows.

Napangiti ako nang umungol si Liam. Dahil mainit ay medyo oily ang mukha niya habang tulog. Pero ang pogi naman talaga ng bebe ko.

Pinunasan ko ng panyo ang mukha niya at hindi man lang siya nagising.

Pero tumagilid siya at dumagan sa'kin. Tapos ay isiniksik niya ang mukha niya sa may leeg ko. 'Yong kamay niya ay iniyakap niya sa'kin. I tried my very best para hindi sumigaw dahil sa sobrang kiliti. Tiniis ko nalang.

Ramdam ko 'yong mainit na hininga niya. Nagsimula na akong pagpawisan dahil sa init, kaya inabot ko ang pamaypay sa study table.

"Cali-" mahinang ungol ni Liam. Mahina iyon, barely audible pero dahil malapit ang bibig niya sa tenga ko ay narinig ko siya.

Hindi ako nagsalita. Hindi ako gumalaw. Itinigil ko rin ang pagpapaypay.

"Cali," ungol niya ulit. "'Wag mo akong iiwan please. Cali-"

My body stiffened when he moved his head pataas hanggang sa magkapantay na ang mga mukha namin. And I'm more shocked nang mapansin kong nakadilat na siya.

"Liam-" paanas kong sabi. Hindi siya nagsalita. Nakatunghay lamang siya sa'kin at tinititigan ako. Ang dalawang braso niya ay nakaunat at nakatukod sa magkabilaang side ng ulo ko.

"O-okay ka na?" tanong ko. But still, nanatili siyang tahimik at nakatitig sa'kin. "Hoy!"

Unti-unting bumaba ang mukha niya and I assumed na hahalikan niya ako kaya mabilis kong ipinaling ang mukha ko pakanan. Pero pinilit niya akong iharap sa kanya and the moment na nagpantay ang mga mukha namin ay mabilis na bumaba ang mukha niya.

He kissed me! And that made my knees feel jelly. Naging abnormal din ang tibok ng puso ko. Grabe ang epekto sa'kin ng lalaking ito.

Banayad ang paghalik niya, nakakadala. At namalayan ko nalang na nakapulupot na ang mga kamay ko sa batok niya, returning his kisses.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon