CHAPTER FIVE
Callisto Bautista's Point of View
Nagising ako bandang alas singko na nang umaga. Pagkagising ko, bumangon agad ako at gaya ng nakagawian, nagsaing ako ng kanin bago nagpakulo ng tubig. Mahilig kasi sa kape sina Eric at Liam and they always whine kapag walang mainit na tubig sa thermos.
Tulog pa ang dalawang iyon sa ganitong oras. Alas siyete kung magising ang mga ito. Palibhasa walang maaagang pasok.
Naghilamos na ako pagkatapos kong makapagsaing ng kanin. Nagwalis narin ako sa buong unit namin para hindi ako mainip habang hinihintay kong kumulo ang kanin at tubig.
Pagkatapos ko namang magwalis ay saktong kumukulo na ang kanin at tubig. Pinatay ko muna ang apoy ng dalawa at isinalin sa thermos ang mainit na tubig. Pagkatapos, kumuha ako ng tatlong noodles sa kabinet. Kumuha narin ako ng hotdog sa ref.
Lahat ng mga ulam na nasa loob nun ay kina Eric at Liam pero libre akong kumuha doon dahil ako naman ang gumagawa halos lahat ng gawain dito sa loob ng unit namin. Kumbaga, ito na 'yong parang sahod ko kung nagtatrabaho ko, libreng pagkain.
Malapit nang mag alas sais nang matapos ako sa pagluluto.
Maya-maya lang ay gising na ang dalawang mokong. Gusto kong matapos na ang mga ginagawa ko nang makaligo na ako. Gusto ko nang maligo nang sa gayon ay hindi ko makasabay kumain si Liam. Nahihiya ako sa kanya dahil sa pagsampal ko sa kanya kagabi. Nakakainis naman kasi talaga ang kakulitan niya eh.
"Good morning Cali!"
Muntik ko nang mahulog ang hotdog na ipit-ipit ko gamit ang tong dahil sa gulat.
Lee Amiro Sabrosa's Point of View
Alas sais na ng umaga ng magising ako. Gaya ng nakagawian, nag-stretching muna ako pagkabangon. Wala na si Cali sa kama niya. Most of the nights ay magkatabi kaming matulog sa kama niya pero kagabi ay natulog muna ako sa kama ko. Ba, malay ko kung saksakin niya ako habang nahihimbing ako?
Meron akong naamoy na hotdog na niluluto. Yeah, alam kong si Cali ang nagluluto.
"Tsk! Sipag talaga," nasabi ko sa sarili. Inayos ko muna ang higaan dahil kapag hindi ko ginawa iyon, si Cali na naman ang gagawa para sa akin. Eh, nahihiya na ako sa kanya eh.
Then all of a sudden, bigla akong napahawak sa labi ko. Tapos ay napailing ako.
Damn! Bakit ba hindi ko makalimutan 'yon?
Pagkatapos kong ayusin ang kama ko ay lumabas na ako at tumungo sa kusina.
Tama nga ang hinala ko. Si Cali nga ang nagluluto. Eh sino pa bang iba?
"Good morning Cali!" malakas ang boses na bati ko sa kanya. Kasalukuyan siyang nakaharap sa piniprito niyang hotdog. Muntik na akong natawa nung muntik niyang mabitawan ang hotdog na ipit-ipit niya gamit ang tong.
Ngumisi nalang ako dahil sa reaction niya. Aakto nalang akong parang walang nangyari para walang awkwardness o animosity sa pagitan namin.
"May mainit na tubig na ba?" tanong ko nang inilalapag na niya ang nakaplatong mga lutong hotdog sa lamesa.
"Andu'n na sa thermos," sagot niya. Hindi man lang siya lumingon sa'kin.
"Ah sige. Salamat," sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Very Forbidden Love (Book 1 Published)
RomanceSeryoso ka - Makulit siya Mahinhin ka - Pasaway siya Bakla ka - Straight siya Magkakasundo kaya kayo?