Ten

1.1K 22 0
                                    

CHAPTER TEN

Callisto Bautista's Point of View

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang minamasahe ako ni Liam. Hindi ko alam kung masyado ba akong nasarapan ako sa masahe niya o dahil sobrang pagod ako sa pag-iisip at pagsusulat kanina.

Nagising ako na may nakadantay na braso sa aking baywang. Patay na ang ilaw sa kwarto namin kaya naman medyo madilim. Pero nang maka-adjust na ang aking mga mata ay naaninag kong si Liam ang may-ari ng brasong iyon.

Magkatabi kami ngayon sa kama niya.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakadantay ng braso niya sa aking baywang at iniayos siya sa paghiga. Umungol siya kaya kinabahan ako baka nagising ito. Bumangon ako at bumaba sa kama niya para sana pupunta sa kama ko nang marinig kong nagsalita siya habang tulog.

"Karla-" parang nangungulila ang boses niya kahit tulog.

Karla? Sino si Karla? Tatalikod na sana ako pero muli siyang nagsalita.

"Mahal na mahal kita, Karla."

Parang may kumurot sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng pinong sakit. Kung bakit ay 'di ko alam. 'Di ko naman siguro crush si Liam.

Hinintay kong muli siyang magsalita pero naging payapa na ang paghinga niya kaya naman humiga na ako sa kama ko at itinuloy ang pagtulog ko.Who are you, Karla? tanong ko sa aking isipan. Hanggang sa muli akong nakatulog.

Amoy ng pinipiritong itlog at hotdog ang gumising sa akin kinaumagahan. Napabalikwas ako ng bangon at agad tiningnan ang oras sa cellphone ko. 7:46! Oh my gosh, I am so late!

"Naku! Seven forty-six na! Late na ako!" sigaw ko habang tarantang kinukuha ang tuwalya ko sa cabinet. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at dumiretso sa banyo.

Hindi ko pinansin si Eric na nagluluto sa kusina.

Dahil sa pagkataranta ko ay mabilis kong binuksan ang pintuan ng banyo pero napatulala nalang ako dahil may naliligo pala sa loob! 'Di ko na namalayan nang mahulog ang hawak kong tuwalya.

Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa bagay na iyon.

Kasalukuyang naliligo si Liam sa banyo at kung gaano ako kagulat ay ganun din siya, parang hindi alam ang gagawin, kung ano ang unang tatakpan. Kung ang mukha ba niya o 'yong putotoy niya.

Sa huli ay ang putotoy niya ang tinakpan niya.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Bahagya rin akong pangnganga. Hindi ako makapagsalita habang nakatitig ako sa kanya. At ang masama, hindi sa mukha niya ako nakatitig kundi 'yong tinatakpan niya ng palad niya.

"Hey! Stop staring!" sabi niya.

Saka lamang ako parang natauhan. Napalunok muna ako bago nagsalita.

"So-sorry. Pasensiya na, sorry. La-lalabas na ako," hinging-paumanhin ko at nagmadali na akong lumabas. Hindi ko na naalalang kunin pa ang tuwalya ko.

Pagkarating ko sa kusina ay nilapita ko si Eric saka hinampas ang balikat niya.

"Aray, ano ba?" reklamo niya.

Napakalakas ng kabog ng dibdib ko at hiyang-hiya ako kay Liam. Parang gusto kong magbigti na dahil sa kahihiyan.

Just kidding!

"Eric-"

"Oh? Ano?"

"Eric-" sabi ko ulit. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil naiiyak na ako.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon