Nineteen

1K 21 4
                                    

CHAPTER NINETEEN

Callisto Bautista's Point of View

"Kelan daw ulit yong Foundation Day?"

Oh yes! Nakabalik na pala kami dito sa Adamson. Tapos na rin kaming mag-enroll nina Eric at Liam para sa second semester.

Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama ko dito sa boarding house dahil sa napagod akong pumila kanina sa Admin. Building.

"I heard, sa December one to four, why?" sagot ko kay Liam.

Nakaupo naman siya sa gitna ng kama niya while busy with his laptop. Nanunuod na naman ng PopcORN yan, I swear!

Lumingon naman siya nung sumagot ako.

"Saang sport ka sasali?" tanong niya.

"Wala."

"Good," parang wala sa sariling sabi niya then glanced back at his laptop.

"Anong good?"

"Wala. Naisip ko lang na mas magandang wala kang sasalihang sport para free kang manuod ng basketball. Our department is competing with the Criminoly Department. Nuod ka ha?" sabi niya na hindi parin siya lumilingon sa'kin.

Teka, ano bang tinititigan nito sa laptop nito?

I slowly rose up and tiptoed papalapit sa kanya pero bago pa man ako makahakbang ay lumingon na siya at agad isinara ang laptop niya. Nahalata kong nagbablush siya. Hahaha! Sabi sa inyo, nanunuod ng PopcORN yan eh!

"Straight ba yong pinapanuod mo?" tanong ko.

Itinuloy ko nang lumapit sa kama niya at umupo. Naging uneasy naman siya. Bakit kaya?

"Ha? D-di ako a-ako nanunuod 'no!" he's stammering! Ganyan yan kapag nabubukong nanunuod ng kalaswaan. "Teka—Lumipat ka nga dun sa kama mo. Ang init!"

"Talagang maiinitan ka kung puro kalaswaan ang pinapanuod mo, ungas! Nae-els ka na ano?" tudyo ko sa kanya.

Yes men! Ganito kami mag-usap ng lalaking ito kung Alam-Niyo-Na ang pag-uusapan. Nagsimula ito sa San Mariano.

"I'm not watching porn, okay? So shut up! May hinahanap lang ako sa google."

"Ah okay," I answered then walk back to my bed. Bigla-biglang nawalan ako ng ganang makipag-usap. Ito na naman ako sa pagiging autistic ko.

Pagkahiga ko sa kama ay agad kong kinuha yong cellphone ko. I-text ko nga si Alex. Kumusta na kaya 'yon? Magto-two weeks nadin pala kaming hindi nagkikita. Nakakatawang isipin na nawala agad yong amor ko sa lalaking iyon. Hindi gaya nung unang Makita ko siya, muntik na akong mag-split sa harapan niya.

Me: Hey Lex. Musta?

I waited for a reply then after a minute or two, nag-buzz yong phone ko.

Alex: Oh hi! Am fyn. Kmusta nman vcation nyo? Dba ksama mong umuwi cna Liam at Eric?

Me: Oo. Enjoy nman kahit papano. Makulit ung dalawa pero nakasundo nman nila sina tatay at nanay. Si Liam nga, close na close kay Ollong.

Alex: Hus Ollong?

Me: Baby brother ko. Colossus, actuali :))

Alex: Astig! Parang x-men haha

Then bla bla bla. Kung anu-ano nang napag-usapan namin sa text.

Na-experience niyo naman na sigurong humagikgik habang nakikipagtext, 'di ba? Ganun ho ako ngayon. Nakakatuwa kasi si Alex, may sense of humor din pala ang lalaking 'yon.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon