CHAPTER NINE
Callisto Bautista's Point of View
"Sige na naman oh! Please?"
"Arrrgh! Nakakainis ka Liam, promise, nakakainis ka! Pupunta nga ako kina Alex. Kawawa 'yong tao, wala daw kasama sa bahay nila."
"Sige na. Ngayon lang naman 'to eh. 'Di ko kasi alam kung paano 'to. Ipapasa na namin 'to bukas. Sige na Cali, pleaaase?"
Nakakainis ang Liam na 'to! Kung kelan may pupuntahan ako saka magpapatulong! Grrrr! Ang nakakainis pa, kung kelan nakabihis na ako saka siya magsasabi.
Nagpapatulong siyang gumawa ng kung anong project na related ang grammar at English. Medyo mahina kasi siya doon. Kung Math, ako naman ang nagpapaturo sa kanya.
"Hmmmm."
"Sige na-" paglalambing niya. Pati boses niya ay pinalambing pa at dumikit-dikit pa sa akin.
"Ew ka Liam, lumayo ka nga!
"Ah basta, tutulungan mo ako sa project ko. Kung hindi, ipapalipat kita ng unit!" sabi niya at umupo sa kama ko saka humalukipkip. Namaywang ako at nanggalaiti ang mga ngipin. Gumalaw-galaw din ang mga kilay ko.
"A-ba. Ang mokong na 'to, porke't madatung ka ah."
"Um-oo kana kasi! Sige na oh. Please ulit?"
"Ayoko. Pupunta na ako. Pwede naman nating gawin mamayang gabi 'yan."
"Busy na ako mamayang gabi. Gagawa pa ako ng presentations ko. Tapos may mga applications pa akong gagawin. Basta madami, nai-stress na nga ako eh," sabi niya at pabagsak na humiga sa kama ko.
Naawa naman ako sa kanya kasi alam kong nakaka-stress talaga ang course niya.
"Aarrrggh! Nakakaloka ka, Liam promise! Nakakaloka ka!" pagmamaktol ko.
"Ganita nalang, kapag natapos natin 'to ng maaga, sasamahan kita kina Alex," sabi niya kaya tumaas ang isang kilay ko.
"Well?"
"Um-oo ka na. Ililibre pa kita ng pamasahe," sabi niya.
Saglit akong napaisip. Siguro naman, madali lang ang project niya kung magtutulungan kami.
"Okay, fine!" sabi ko.
"Yes!" sabi niya at mabilis na bumangon saka ako niyakap.
"Shut up!" sabi ko at pinilit siyang tinulak palayo.
Pagkatapos naming maghapunan ay ibinigay na ni Liam ang gagawin kong project niya.
"Ha? Bakit ganito? Ang hirap naman!" reklamo ko nang ipinaliwanag ni Liam kung ano ang gagawin ko. Sabi niya, mag-isip daw ako ng isang novel or story na nabasa ko at isa-summarize ko daw. Minimum of one hundred paragraphs! Gosh, summary pa ba 'yon?
"'Yong Percy Jackson and the Lightning Thief sana kaso wala akong printed book nun eh, eBook lang 'yong nasa akin. Pwede ba na iyon ang ipapasa mo?" tanong ko kay Liam. At aba, nakahilata lang sa kama at nakikinig ng sounds sa laptop niya. Pisti tu ah!
Parang hindi niya ako narinig dahil nakasalpak sa mga tenga niya ang headset.
"Hoyy!" sigaw ko.
"Ay, bakit?"
"Gago! Ang sabi ko, may alam na ako na story kaso ang problema, wala akong hardcopy nun. eBook kasi 'yong binasa ko," sabi ko.
"Ah. Okay lang 'yan. Hanap tayo sa National Bookstore."
"Ah oo, mayaman ka nga pala no? Sorry ha, nakalimutan ko."
"Bibilhan pa kita ng dalawang books 'pag maganda ang gagawin mo. Libre ko sayo 'yon," sabi niya kaya napangiti ako. Mukhang wala sa ulirat ang mokong, biglang naging mabait.
BINABASA MO ANG
A Very Forbidden Love (Book 1 Published)
RomanceSeryoso ka - Makulit siya Mahinhin ka - Pasaway siya Bakla ka - Straight siya Magkakasundo kaya kayo?