CHAPTER TWENTY THREE
Lee Amiro Sabrosa's Point of View
Pang-ilang dial ko na ng number ni Mahal pero cannot be reached parin siya. Nakapatay na siguro ang cellphone niya. Naiinis 'yon sa'kin dahil sa kakatawa ko kanina.
"Kuya!!"
Nagulat ako nang may sumigaw kaya agad akong lumingon sa may pintuan. At mas nagulat ako nang makita ko ang kapatid ko—na buhat ni Cali?
Bumaba sa kanya ang kapatid ko at tumakbo palapit sa'kin. Agad siyang yumakap sa'kin at nagpabuhat. Itinayo ko naman siya habang buhat ko at tumingin muli kay Cali. Nagtataka parin ako kung bakit kasama niya ang kapatid ko.
"Your mom is here," mahinang sabi niya and true enough, pumasok si mommy. Mas lalo akong nagulat.
"Mommy, anong ginagawa niyo rito?" tanong ko.
"Liam!" si Cali. Tumingin siya sa'kin and his eyes are telling me not to speak that way. 'Di ko alam kung paano ko iyon nabasa sa mga mata niya.
"Sorry po. Pero ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko.
Ayoko sanang kausapin si Momny pero I don't want to disappoint Cali. Baka sabihin niyang wala akong respeto sa magulang ko. Baka mas lalo pa siyang mainis sa'kin.
Dahil sa sinabi ko ay napangiti si mommy. Napansin ko ring medyo namasa ang mga mata niya. Tumingin siya kay Cali, tapos ay sa akin.
"We came here to see you, anak. Nami-miss ka na namin. Hindi ka kasi umuwi nung sem break," sabi niya.
"Totoo 'yon kuya! Miss kana namin!" segunda naman ni Livor. Miss ko na rin naman ang kapatid ko pero hindi si mommy. Ako, mami-miss niya? Mahirap paniwalaan 'yon. Kasama naman niya ang kapatid ko. Bakit pa niya ako mami-miss?
"Pasok po muna ako sa kwarto, Tita. Miss din daw po kayo ng anak niyo. 'Di ba, Liam?" tumingin siya sa'kin his tell me to say yes.
So I did. "O-opo. Miss ko din po kayo," gusto ko sanang bawiin. Pero weird, parang gumaan ang dibdib ko.
Tumango si Cali at dumiretso na sa kwarto. Sinundan ko pa siya ng tingin. Nang makapasok na siya sa kwarto ay tumahimik ulit ang paligid.
"Nagtatampo ka parin ba sa akin, anak?" tanong ni mommy kay tumingin ako sa kanya.
Hindi ako sumagot.
Naglakad siya pagkatapos ay umupo sa sofa. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Deep down, alam kong totoong nami-miss ko din siya pero oo, nagtatampo parin ako sa kanya dahil sa pagpayag niya na maghiwalay sila ni daddy, na pinalitan na niya si daddy.
"He's cute," sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Pero 'di parin ako nagsasalita. "I met him sa bayan. Actually, your brother met him first."
"Sino, si Cali?" tanong ko.
Tumango siya saka ngumiti. "Kumain kami sa isang siomai house ng kapatid mo. Iniwan ko muna siya saglit dahil nag-cr ako. Pagbalik ko, magkausap na sila ni Cali. He's nice, your brother likes him."
Bumilis ang tibok ng puso ko. Si Cali, nakilala ang nanay at kapatid ko? Na-nagustuhan kaya siya ni mommy?
Bumuka ang bibig ko para tanungin sana kung anong impression niya kay Cali, kung nagustuhan niya ang boyfriend ko.
Shit, I'm saying it! I'm saying it! Did I say boyfriend ko? Medyo unusual sakin pero ang ganda sa pakiramdam.
Nakaramdam ako ng pangangalay kaya ibinaba ko muna si Livor. Pero agad siyang tumakbo papasok sa kwarto namin nina Cali kaya naiwan kaming dalawa ni mommy sa sala.
BINABASA MO ANG
A Very Forbidden Love (Book 1 Published)
RomanceSeryoso ka - Makulit siya Mahinhin ka - Pasaway siya Bakla ka - Straight siya Magkakasundo kaya kayo?