CHAPTER FOURTEEN
Callisto Bautista's Point of View
Hindi ko maiwasang mapangiti nang makaakyat si Liam nang walang kahirap-hirap. Halatang gustong-gusto niyang umakyat. At ang nakakatuwa pa, hindi siya nagmumukhang city boy ngayon.
Nakailang hulog ng nang mangga si Liam nang bigla itong napasigaw.
"Aray!!" malakas na sigaw niya kaya tiningala ko siya. Base sa tono ng sigaw niya ay parang may kumagat sa kanya. Bigla akong nag-alala dahil baka kinagat na siya ng ahas. Naku, 'wag naman sana!
"Aray! Aray!" muli niyang sigaw. Nang makita ko siya ay panay ang kamot at pagpag niya sa lahat ng parte ng katawan. Sa likod, sa harap, sa may paa, sa kili-kili at pati sa ulo niya.
"Ang daming langgam!!" sigaw niya. Dahil doon ay biglang naglaho ang nararamdaman kong pag-aalala at bigla akong napatawa.
Kung gaano siya kabilis umakyat kanina ay siyang bagal naman niyang bumaba. Lalo tuloy dumadami ang kumakagat na langgam sa kanya. Alam ko kung anong klase ng langgam ang kumakagat sa kanya.
Ang tawag namin sa mga langgam na iyon ay abuos o ubuos. Kulay pula ang mga ito at malalaki. Pero hindi kagaya ng ibang langgam, hind nagtatagal ang sakit ng kagat ng mga ito makati nga lang.
Nang makababa siya ay agad siyang tumakbo palapit sa akin na panay ang pagpag sa damit at suot na pantalon.
Tawa parin ako ng tawa nang makalapit siya.
"Tanggalin mo 'yong mga nasa likod ko," natatarantang sabi niya at agad hinubad ang suot na long sleeve.
Natatawa man ay tinanggal ko ang mga langgam na ang iba ay kagat kagat pa ang balat ni Liam. May mga pantal narin ng kagat ng mga langgam sa dibdib at likod niya. Pinagpag ko narin ang mga paakyat na langgam sa pantalon niya habang siya naman ay abala sa pagtanggal ng iba sa buhok niya.
"Aw-" paimpit na daing niya. Alam kong masakit na talaga 'yon. High pitch eh.
Nang tingnan ko ang mukha niya ay kagat niya ang pang-ibabang labi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Tang-ina, may kumagat kay junior!" sagot niya at mabilis na binuksan ang zipper ng pantalon at agad pinasok ang kamay sa loob ng briefs niya.
At dahil nakatitig ako sa bandang iyon, hindi ko inaasahang malilihis ang suot niyang briefs at tatambad sa akin ang-
"Oh my God!" bulalas ko.
Dahil sa naging reaksyon ko ay umangat ang tingin niya. Salubong ang kilay niya at kagat parin ang ibabang labi pero nang ma-realize niya kung saan nakapako ang mga mata ko ay mabilis niyang tinakpan ng dalawang palad ang sariling bukol.
Napalunok ako at sure akong matunog iyon.
Bumalik kami sa kubo na walang umiimik sa amin. May nakuhang pitong bunga ng mangga si Liam at 'yon ang dala namin pagbalik.
"Nakita mo na naman for the second time?" iyon ang unang namutawi sa bibig ni Liam matapos ang halos isang oras na walang umiimik sa amin. Kumakain na kami ng lunch.
Tiningnan siya ni Eric bago sumubo ng pagkain na kinakamay niya. Sa malinis na dahon ng saging kami kumakain at makikita ko namang ine-enjoy nila iyon. Magkatabi sila ni Liam sa kabilang side samantalang mag-isa ako sa harapan nila.
Muli akong lumunok hindi dahil sa kumakain ako pero pakiramdam ko ay biglang natuyo ang lalamunan ko.
"Uy hindi ah! Wala akong nakita," tanggi ko.
BINABASA MO ANG
A Very Forbidden Love (Book 1 Published)
RomanceSeryoso ka - Makulit siya Mahinhin ka - Pasaway siya Bakla ka - Straight siya Magkakasundo kaya kayo?