"Jessica?? Jessica...anak?? JESSICAAAAAAAAAAA!!
"Ma, teka! Opo.. Opo."
Gising na, may pasok ka pa!" Sigaw ni mama saakin.
ETO NA PO!!" Sagot ko naman.
Kasi naman tinatawag na ako ni Mother nature.
Ay. Ako nga pala si Jessica Mae Bernardo,
Sica or Mae ang nickname ko
14 taong gulang,
may ulo,
buhok,
dawalang mata,
isang ilong,
may bibig,
may nunal ako sa gilid ng labi ko pero hindi halata, share lang
dalawa ang kamay at paa
at marami pang iba..
Late na ako para sabihin pa sainyo lahat.
Kasi unang araw na naman ng klase, medyo tinatamad pa ako pumasok!
Kaasar naman tong ribbon sa uniform ko ang laki! hayaan na nga..
"Ugghh. I dont wanna go to School." binubulong ko sa sarili ko habang kumakain.
Maya-maya ay nag tooth brush na ako ng mabilis baka mahuli na talaga ako, kailangan ko pa mag commute.
After 30 mins nakarating na ako..
eto na, ang bago 'kong School dito sa Quezon City. Ang pangalan pala ng School na to ay Kirin Academy.
Napakaraming studyante, wala akong kilala talaga. (natural, kaya nga transferee eh) HAHA.
Na-OOP ako.
sana kasi di na lang kami lumipat.
Sana kasama ko pa ang best friend ko ngayong 1st first day. :C *end of drama*
Lumapit ako sa listahan ng mga pangalan.
Mag hahanap pa ako dito siyempre ng pangalan ko.
*hanap,
*hanap,
*hanap,
*hanap.
"AYUUUUUUN! I found it." Napasigaw ako.
Maraming napatingin..
pero may isang lalaki na ang tagal kung makatingin saakin,
/ Kuya, ngayon ka lang nakakita ng maganda?! / sa isip ko lang sinabi to.
kaya iniwasan ko na din ang tingin niya.
"Hay nako, napahiya pa ako dun ah.. Kabago-bago ko dito."
*kinakausap ko sarili ko habang papunta sa classroom*
1st floor lang naman eh.
Haaaay sa wakas nandito na din ako.
Pinili 'kong umupo sa likod para astig.
Wala akong makausap, bored na bored na ako..
Gusto ko itext ang bestfriend ko. Kaso bawal. How sad.. :C
Habang nakatulala may biglang kumausap sakin.
"Hmm. hello miss, are you my classmate?"
/ Aba ang eng-eng naman nito?! Natural kaya nga ako nandito eh /