Alice POV
Grabe ang nangyari samin ni Mike nung gabing iyon, ni hindi ko inaasahan ang mga pangyayaring yon. Lahat nang sinabi sakin ni mike ay parang nagpalakas at nagpatibay pa nang tiwala ko sa kanya. Ni hindi man lang ako makapag salita dahil sa mga naririnig ko. Mahal na mahal ko si mike sa kabila nang lahat nang napagdaanan namin. Ngayon ko na napatunayan na kahit pala ilang beses ka nang sinaktan ng mahal mo, kapag ang mahal mo ay bumalik sayo at pinaramdam sayo na mahal ka rin nya ay mawawala din ang mga sakit na ibinigay nya sayo.
Magkahalong pagod at saya yung naramdaman ko nung mga oras na yun. Akala ko hindi namin magagawa yung task na binigay samin nang professor namin, pero Thank God kasi natapos namin yun at bonus pa yung nangyari samin kagabi.
Nang nahatid na ko ni Mike sa dorm ko, agad na syang umalis dahil nga sa pagod. Nang makapasok na ko sa dorm hindi napansin ni ate nila na hindi ako umuwi kagabi, kasi kung napansin nya yun eh magtatanong yun kung saan ako natulog. Pagkapasok ko sa kwarto, agad akong dumapa sa kama at inalala yung mga nangyari kagabi, grabe hanggang ngayon kinikilig parin ako. Kaya nung hindi ko na mapigilan yung kilig ko, napatili nalang ako.
“Alice! Bakit ka sumigaw? May nangyari ba sayo dyan?” tanong ni ate nila
Nasa tapat nang kwarto ko ngayon si ate nila at tinanong ako kung anong nangyari sakin, siguro nagulat sya nang sumigaw ako kanina. Kaya sabi ko may lumipad lang na ipis kaya napatili ako, sabi naman nya wag daw ako masyadong maingay kasi nakakagulat daw tsaka kung ano daw yung isipin nang mga nakatira din sa dorm na to. Humingi naman ako nang pasensya kaya ok na. Bigla naman nag Ring yung phone ko kaya hinanap ko yun at sinagot.
“Ay, sino kaya tong tumatawag? Hindi naman naka save yung number dito sa cellphone ko, masagot nga at baka si mike to, hello?” sabi ko
"Uhm..Hello?"
"Sino to?" tanong ko
"Hi Alice! Si David to!." sabi ni david
"Oh david! Ikaw pala yan! kaw naman oh.. nagpalit ka na pala ng number mo.. oh sya bakit ka pala napatawag?" tanong ko
Si david, yung bestfriend ko sa probinsya, sya lang lagi ang nakakasama ko noon pag may problema akong mabigat. Sya lang lagi yung nagpapasaya sakin nun kapag nag tampo ako kay papa at sya lang ang kasama ko sa mga kalokohan ko. Medyo nakakamis nga tong lalaki na to eh, mabuti nga’t napatawag to. Pero…bakit?
"Ah... ahhmm.. alice.. kasi nag desisyon yung magulang ko na dyan na rin sa maynila ako mag aral.. Eh nalaman nila na nasa maynila ka kaya sabi nila na magpatulong nalang ako sa pag hahanap ng dorm na matutuluyan ko" sabi nya
"Ah.. alam mo david dito sa tinutulyan ko meron pa ditong kwarto na pede mong tuluyan.. kung gusto mo dito nalang. Bigay ko nalang sayo yung address nang dorm na to para pag punta mo dito ay dumiresto ka na agad, sasabihan ko nalang si ate nila para alam nya.”
“Oh sige ba, salamat ah!”
"Oh sya.. kelan ka nga pala pupunta dito. At san school ka naman papasok.?" Tanong ko
“Baka bukas, dun din sa pinapasukan mo, sa crossford academy”
Nice, dun rin pala sya mag aaral sa crossford. Sabagay scholar din naman sya kaya hindi na ko mag tataka kung bakit sya doon mag aaral.
“Ah sige, teka alam mo ba kung saan papunta sa crossford academy?” tanong ko
“Oo, alam ko na. Gusto mo puntahan pa kita doon eh.” Sabi nya
“Oh sige ah.. tawagan mo nalang ako bukas mga after luch.”
“Oh sige, kita nalang bukas!”
BINABASA MO ANG
Her Boyfriend's Trip [COMPLETE]
Teen FictionAlice is a typical girl who's willing to do anything for her love, mike.But what happens if one day alice see mike cheating on her? Is she avoid and leave mike or that would be the reason why she will love MIke more?