Chapter 10 - The Groom

669 11 2
                                    

Alice POV

Hinayaan ko nalang si jane na samahan si david para mag enroll, tutal naman ay parang naging komportable agad silang dalawa sa isa’t isa. Medyo natatawa nga ako kay jane kasi parang first time ko lang syang nakitang ganon mag panic. Grabe, ganon pala sya kapag nakakakita nang pogi, pero marami nang pogi sa school ah? Eh bakit hindi sya ganun? Well sabagay malay ko naman kung hindi nya type yung mga yun, pero si david sure na sure, type nya yun. Yun pa…

Nakauwi na ko at kinausap ako sandal ni ate nila, nag pasalamat sya kasi dito ko raw nirekomenda na tumira si david. Sabi ko walang anuman at umakyat na ko sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay agad kong pinatong yung gamit ko sa table ko. at umupo sa kama. Binuksan ko na rin yung TV para hindi boring, maya maya naman ay biglang tumunog yung cellphone ko at nakita ko na tumatawag pala si mike, agad ko naman itong sinagot. 

"hello hon. nakauwi na ko. ikaw ? nasan ka na?"

"hon dito parin ako sa school.. kakatapos lang namin mag practice.. nag papahinga nalang ako..tapos uuwi nadin ako.. ikaw kumain ka na ba? wag ka mag papagutom ah"

"sige hon. ikaw din ah.. uwi ka na.. tapos kain ka na rin ah.. oh sige na hon may gagawin pa ako eh.. bye! i love you!"

"oh sige hon.. uwi nadin ako.. i love you too hon.."

  

Siguro isa na ko sa pinaka maswerteng babae dito sa mundo dahil naging boyfriend ko si mike, syempre nung una ay parang nag sisisi ako kung bakit ko sya sinagot dahil niloko nya ako dati. Pero ngayon at binigyan ko sya nang pagkakaton ay nakita ko yung pagbabago sa kanya, lagi nya saking sinasabi na mahal na mahal nya ako at hindi na daw nya ako iiwan. At ganon din naman ako, mahal na mahal ko si mike kaya kasi sino pa o ano ay walang magagawa  para mapag hiwalay kaming dalawa.

Mahal ko si mike, period.

*******

Mike’s POV

Nakakapagod, grabe tong araw na to. Practice dito, practice doon. Well ginusto ko naman to kaya ayos lang sakin, tinawagan ko na si alice para malaman kung nakauwi na sya, mabuti nalang ay nakauwi na sya dahil panatag na yung loob ko. Sayang nga lang at hindi na naman ako nakasabay sa kanya sa pag uwi, medyo nami miss ko na tuloy sya. Pagkatapos nang usapan namin iyon ay inilagay ko na sa bag ko yung cellphone ko, pero bigla itong tumunog. Akala ko si alice pero hindi… si dad.

"Ahm.. Hello dad? Napatawag kayo?"

"Mike.. Umuwi ka na , Kausapin ka namin ng Mommy mo"

 "Oh sige dad.. "

  

Medyo kinabahan ako sa sinabi ni dad, para kasing may kakaiba sa tono nang pananalita nila sakin. Wala naman akong matandaan na may ginawa akong mali sa kanila? Wala naman akong matandaan  na may ginawa na naman akong gulo para tawagan nila ako. Ano kaya meron at ganon nalang yung tono nang pananalita ni dad?

Nagpahinga muna kami pagkatapos mag laro tapos pumunta na kami sa CR nang mga ka teammates ko para maligo at makauwi na. Pagkatapos namin maligo ay nag ayos na ko at pumunta na sa parking lot. Nilagay ko sa loob nang sasakyan ko yung mga gamit ko at sumakay na. Habang nasa byahe ako ay iisa lang ang iniisip ko, ano kaya yung sasabihin sakin nila dad at parang napaka importante. Hindi naman sila mag yayaya na mag usap kung hindi naman importante, mga business minded kasi sila kaya every second mahalaga sa kanila.

Her Boyfriend's Trip [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon