Chapter 4 - The Revelation

555 13 0
                                    

Alice POV

Para kaming bata ni jane, ang ingay naming sa looby. Sinita na nga kami nang isang professor dun kasi ang ingay namin. Tapos, bago kami pumasok sa laboratory, kinopya nya muna yung gawa ko. Tapos nun, meron na syang assignment na ipapasa. Hanggang natapos ang tatlong oras na discussion at activity, nag si uwian na yung mga kaklase ko, pati si jane nauna na rin. Ako naman, pumunta na ko sa meeting place namin ni mike.

Pag dating ko dun, pumunta muna ako sac r para mag ayos. As usual, naka palda ako and simpleng damit lang. Ibang iba ako sa mga babaeng nakaka salamuha ko sa school. Well, ganun talaga ako eh. Kaya hindi ako nag iisip na mas higit pa sa iba, kuntento na ko sa kung anong meron ako. Pinagpapasalamat ko nalang yung mga bagay na meron ako at natatanggap ko pa.

Pag labas ko nang cr, hinanap ko si mike sa cafeteria, pero hindi parin sya dumadating. Kaya umupo na muna ako para hintayin sya. Pero ilang oras na yung nakakalipas, hindi parin sya dumadating. Nag aalala na ko sa kanya. Baka kung napano na yun.

Habang nag aabang ako sa kanya, may umupo sa likuran kong dalawang babae na estudyante din sa Crossford academy. May napag usapan sila tungkol sa nakita nung isang babae.

“Kawawa naman yung basketball player, ang gwapo pa naman nun. Kaso napasama yung pagbagsak nya sa sahig, kaya yung iba tinulungan na syang dalhin sa clinic kasi halos hindi daw sya makakilos.” Sabi nung girl

“Talaga? Nako kawawa naman, crush ko pa naman sya. Diba varsity yun? ” sabi nung isa

“Obvious ba?  Ay nako, gutom na ko.Kaya kumain na tayo.” Aya nung isa

“nako, hindi kaya si mike na yun? Ang sabi nya sakin kanina nung tumawag ako, may practice daw sila ng basketball ulit bago sya pumunta dito. Nako, wait nga, matawagan nga” 

 Nilabas ko yung cellphone ko sa bag ko tapos dinayal ko agad yung number ni mike, sa sobrang taranta ko, iba yung natawagan kong number. Pero nung pangalawang beses na pagtawag ko, tama na. Pero walang sumasagot. Nako, mas malaki yung chance nab aka si mike nga yon. Hindi na ko nag dalawang isip na umalis dun sa cafeteria at bumalik nang school.

Kakaiba yung pakiramdam ko, parang hindi ako mapakali na ewan. Kinakabahan ako, sana hindi si mike yun at walang nangyari sa kanyang masama. Nagmadali na kong pumunta nang school, pero nung pagbalik ko sa school. Nagtanong tanong ako kung sino yung na aksidente, ang sabi nila hindi daw si mike yun.

“Hay, akala ko si mike na. Kung hindi si mike, eh nasan yun?” tanong ko sa sarili ko 

 HInanap ko sya sa campus, pero hindi ko parin sya makita. Pero merong isang lugar na hindi ko pa napupuntahan, at bihira lang ang mga estudyante na pumunta dun sa lugar na yun. Tabi nang lumang library yun at dun ako laging tumatambay, mas nakakapag aral kasi ako nang maayos kapag walang istorbo.

Nag desisyon akong pumunta doon sa lugar na yun, dahan dahan lang ang paglalakad ko, syempre hinahanap ko si mike. Tingin ako kung saan san, hanggang sa nakalapit na ko paliko nang library. Pero bago pa ko lumiko, may naritinig akong dalawang taong nag uusap. Medyo pamilyar yung boses nya.

“Si  mike.” Sabi ko

Pero meron pa syang kausap, nang sumilip ako nang onti para makita kung sino yung kausap nya. Nagulat ako sa nakita ko..

… nakita kong may kasama syang babae at bigla syang hinalikan nito. 

 Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon, parang naparalisado ako dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, parang gusto kong sumigaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang isang panaginip na gusto ko nang gumising at ayoko nang bumalik pa sa bangungot na to.

Her Boyfriend's Trip [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon