Chapter 21 - The Steps

269 5 2
                                    

Mike’s POV

Hindi naging biro para sa akin ang sabihin sa papa ni Alice na gusto ko nang pakasalan ang anak niya. Dumaan pa ako sa isang pagsubok na nakaka lasing. Pero worth it dahil ngayon pumayag na siya at wala ng magiging problema sa side ni Alice. Ngayon naman , ang pamilya ko ang haharapin ko. Tingin ko naman na papayag sila dahil alam nila kung paano ako nagbago noong nakilala ko si Alice. Pero syempre, hindi ko ‘din alam kung ano pa ang desisyon nila.

Pagkauwing pagkauwi namin ni david galing sa probinsya, nag plano na agad kami para sa proposal. Sinikreto namin to para walang makaalam. Syempre, dating gawi. si jane ang bahala kay alice para medyo libangin na wala kaming ginagawang surprise para sa kanya. pero meron.. kaya lang ang hirap mag isip kaya pinagpaliban ko muna yun.

Pagkauwi pa lang namin ni David sa manila ay nagplano na kami sa mga gagawin namin para sa proposal. Pero hindi kami makapag isip ng maayos, kaya sinabi sa akin ni David na sabihin ko muna sa pamilya ko ang plano ko.

First Step for proposal: MAGPAALAM SA MAGULANG

Pumunta ako kila mommy, medyo matagal tagal na ‘rin akong hindi nakakadalaw sa kanila since nung nagkaroon ako ng condo sa makati, and ang reason ko ‘non kaya ako pumunta ay para mag paalam na mag papakasal na ako. Syempre before ako pumunta ay tumawag muna ako para mag paalam na pupunta ako, tapos bumili ako ng pasalubong para naman pakunswelo.

Pagdating ko sa bahay namin ay kumatok agad ako sa gate dala dala ‘yung pasalubong ko.

"Mom? Dad?" Sabi ko habang nakatayo sa gate. Nakita ko naman na lumabas agad si mama para salubungin ako.

 "Oh MIke! nako anak. namiss ka namin nang Daddy mo. Tagal mo na hindi dumadalaw," sabi sa akin ni mommy habang pumapasok kami sa bahay

Pagkapasok namin sa bahay ay nakita ko si dad sa sala at nanonood ng basketball. Wala parin pagbabago sa bahay, ganoon parin. Medyo na miss kong tumira dito, pero kailangan kong mamuhay ng sarili para matuto ako.

"Oh anak ikaw pala ‘yan! Kamusta ka na?" tanong sa akin ni papa at saka niyakap ako

"May pasalubong po ako, ito po Cassava Cake," sabi ko sabay upo sa sofa

"Salamat anak, yaya pakihiwa mo naman ‘tong cassava cake at bigyan mo kami, nang makapag miryenda man lang kami. At pagkatapos kumuha ka na ‘rin hah?" sabi ni dad sa katulong namin

Inabot ko sa katulong namin ‘yung cake at dinala sa kusina. Maya maya ay binigay na sa amin ‘yung cake at kumain na.

"Uhm., Anak, kamusta na ‘nga pala kayo ni Alice? Balita ko kinasal na ang kaibigan niyo ah? si David ba ‘yun at Jane?" Tanong sa akin ni mama sabay kain ng cake

“Opo, kinasal na ‘nga po sila. Kami naman po ni Alice, maayos naman. Ah, Mom? Dad? Mayroon pala akong sasabihin sa inyo,” sabi ko

"Ano yun anak?" tanong sa akin ni Mom

Uminom na muna ako ng tubig bago sumagot, medyo kinakabahan kasi ako.

 "uhm, Dad, Mom. Gusto ko na pong pakasalan si Alice," Sabi ko sa kanila, hindi agad sila nakasagot at nagtinginan lang.

Napansin ko na napapangiti si Dad, at si Mom naman ay parang naging masaya noong sinabi ko ‘yun.

"Kelan ka ba mag po propose? aba anak gusto ko enggrande ang proposal mo huh? para naman maipakita mo na gustong gusto mo nang pakasalan si alice at handa ka nang makasama sya panghabang buhay!".

“Kailan ka ba mag po-propose? Aba, gusto ko enggrande ang proposal mo kay Alice. Para naman maipakita mo sa kaniya na gustong gusto mo talaga siyang pakasalan,” sabi sa akin ni Dad

Her Boyfriend's Trip [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon