Alice POV
“Anong hindi? Hindi pede yun! Hala!”
Pinilit parin ni mike na buksan yung pinto, sumigaw pa nga sya baka kasi may nangti trip lang samin, pero wala talaga. Sumigaw pa kami para humingi nang tulong, pero mallapit na kaming mapaos, wala paring nakarinig samin. Sabi ko nga kanina, nasa dulo na nang campus tong Cr, at bihira lang ang gumagamit nito.
“Hon, nasan yung cellphone mo? Tawagan mo sila james!” sabi ko
“te-teka, wala ata sakin ung cellphone ko. Alam ko iniwan ko sa sasakyan yun eh,”sabi nya
“hala.. eh pano yan… dito lang tayo?” tanong ko
“errhh… eh wala eh, walang nakakarinig satin. Siguro naman mamaya yung janitor mapadpad dito, hintayin nalang natin sya. Ngayon, magpahinga muna tayo.” Sabi nya sakin
“oh sige..” sagot ko
Meron naman akong narinig na kumaluskos, tapos nakita ko may daga! Malaking daga at dumaan sa harap ko. Napasigaw ako at napayakap ako kay mike, takot na takot ako sa daga simula pa nang bata ako, kaya kahit makakita lang ako sisigaw na agad ako.
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!" Sigaw ko
“Ano yun? Bakit ka sumigaw?” tanong nya sakin
“M-may daga eh..” sabi ko
“Sus, daga lang pala. Wag ka nang matakot, dito lang ako.” Sabi nya sakin.
Mas lalo nya akong niyakap nang mahigpit, ramdam na ramdam ko sa kanya kung pano nya ako alagaan. Ramdam ko na hindi nya ako pababayaan, habang nakayakap sya sakin, sinabi nya na umupo nalang kami at para makapag pahinga pa lalo, at nung umupo na kami, kinausap ko sya.
"alice.." tawag nya sakin
Nilingon ko sya, at sabay hinalikan nya ako. Sa halik na yun, pinaramdam nya sakin kung gaano nya ako kamahal at kung gaano nya ako kailangan sa buhay nya. Pakiramdam ko nga, kung mag yayaya sya sakin na mag pakasal na. Agad akong papayag dahil ayoko nang mawala sya sakin, hindi ko alam kung bakit. Pero baka sya na… sya na yung lalaki na hinihintay ko. At masasabi ko sa sarili ko na handa na ako.
"mahal na mahal kita alice, siguro binigyan tayo ng pag kakataon para makapag usap ng ganito, yung walang istorbo. Alice.. " --Sabay hawak sa muka ko ni Mike..
"Bakit Mike?" Habang nakatitig ako sa mga mata ni Mike.
"Alice.. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo. Inaamin ko Alice, sa umpisa totoo ang narinig mo, pero nung habang tumatagal tayo ay nararamdaman ko na minamahal na kita. Lalo na yung pagkatapos ng nangyari dun sa school, alam kong nasaktan kita. Pero nung mga oras na yon na iniwan mo na ko, na naramdaman ko na hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Alice, Ikaw ang Buhay ko. Mahal na Mahal Kita." Sabi nya sakin
BINABASA MO ANG
Her Boyfriend's Trip [COMPLETE]
Teen FictionAlice is a typical girl who's willing to do anything for her love, mike.But what happens if one day alice see mike cheating on her? Is she avoid and leave mike or that would be the reason why she will love MIke more?