Alice POV
Kakauwi ko lang galing school, hindi parin pumasok si mike. Hindi ko rin alam kung nasaan si james para itanong kung nasaann ba si mike. Kagabi, tinawagan niya ako at alam ko na lasing siya, halata sa pananalita niya. Pero hindi ko alam kung bakit siya uminom kagabi, ni wala naman siyang nasabi sa akin na mag iinuman sila ng mga kaibigan niya. At ang nakakabahala pa ay hindi sa akin nakikipag kita si mike. Nasaan ba siya?
Habang nagpapahinga ako sa kwarto ko ay biglang may kumatok sa pintuan ko. Hindi ko alam kung sino, kaya ka agad ko itong binuksan.
“H-hi po, sino po sila?,” tanong ko
Pero namukaan ko ‘yung kumakatok kanina sa pintuan ko, isang babae at halatang mayaman dahil sa suot niya. Siya ‘yung nakita ko dati sa school noong pumunta ako sa guidance, siya ‘yung mama ni mike. Hindi ko pa nakilala sa personal ang mama ni mike dahil hindi kami makapunta sa kanila at hindi pa ako napapakilala ni mike sa kanila.
“Hindi mo ko kilala?,” tanong nito sa akin
Bigla akong kinabahan, iba ‘yung presensya niya. Parang hindi ako komportable na kaharap siya.
“U-uhm… kayo po ‘yung mama ni mike, hindi po ba?,” tanong ko dito
“Oo, ako nga. So, ikaw pala si Alice,” sabi nito sa akin
“O-po, uhm, tara po, pasok,” nauutal kong aya sa kaniya
"No thanks, may sasabihin lang naman ako sayo, sandali lang ito," sabi niya
"A-ano po ‘yung sasabihin nyo sa’kin?," kinakabahan kong tanong
"Nagkasundo kami ng daddy ni mike na ipakakasal namin si mike kay mich. Si mich ay anak ng isa sa pinakamayamang business man dito sa pilipinas. Kaya ang gusto ko hiwalayan mo si mike sa lalong madaling panahon," utos niya sa akin
“A-ano po?,” gulat kong tanong
“Bingi ka ba? At hindi mo narinig kung anong sinabi ko?,” tanong niya sa akin
“Hindi po, pero hindi po pwedeng mangyari iyon,” sabi ko
“Anong hindi? Hmm, wala ng imposible ngayon Alice. Sa tingin mo mahal ka ni mike?,” tanong niya sa akin
Mas lalong kumabog ang dibdib ko noong marinig ko ‘yung tanong na iyon. Ano ba ito? Bakit nangyayari ito?
“M-mahal po ako ni Mike,” sagot ko dito
“Eh bakit hindi ka man lang ipakilala sa amin ni Mike? Does it mean, kinakahiya ka niya?” tanong niya sa akin
Grabe, ang sakit noon.
“H-Hindi po, alam kong mahal ako ni Mike at hindi niya ako kinakahiya,” sagot ko dito
“Eh ‘di iyon! Wala na akong pakielam sa kung ano man ang meron sa inyo ni mike, ang gusto ko hiwalayan mo na siya! Oh ayan, inulit ko na huh! Tsaka alam ko na ‘yung mga gusto niyo sa aming mayayaman, pera lang naman ang habol niyo diba? Alam kong sinusutsutan mo lang anak ko! Kaya hindi ko na patatagalin ang pag hihirap mo, ito,” sabay tapon niya sa akin ng cheque
“Mawalang galang na po, pero hindi ko po kailangan ng pera, ang kailangan ko po si Mike, hindi niyo pwedeng gawin ito sa amin!, mahal ko si mike!,” sagot ko dito
"Lecheng Pagmamahal yan.. Wala akong pakielam, alice gawin mo ang gusto ko at wala tayong magiging problema. Kung hindi, baka hindi mo magustuhan kung anong gagawin ko, NAIINTINDIHAN MO BA?!" sigaw niya sa akin
"O-opo,” sagot ko dito
Wala na akong magagawa kung hindi sumunod na lang, gusto ko man lumaban pero hindi ko pa alam kung anong pwedeng gawin sa akin ng pamilya ni Mike. Mahal na mahal ko si mike pero, siguro kailangan ko ng taupusin ito.
BINABASA MO ANG
Her Boyfriend's Trip [COMPLETE]
Teen FictionAlice is a typical girl who's willing to do anything for her love, mike.But what happens if one day alice see mike cheating on her? Is she avoid and leave mike or that would be the reason why she will love MIke more?