Chapter 24 - Amnesia

286 6 2
                                    

Mike’s POV

Dumating na ang araw ng operasyon ni Alice. Lahat kami ay nandoon noong araw na’yun. Maagang pumunta sila Tita at sila Jane para samahan kaming dalawa. Gusto naming suportahan at palakasin ang loob ni Alice. Noong dumating na sila sa kwarto ay sumaya si Alice dahil nalaman niya na nandito lang kami para sumuporta sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako na ewan dahil sa operasyon ni Alice. Pero may tiwala ako sa kaniya na tutuparin niya ‘yung pangako niya sa akin. Alam kong malalampasan niya ‘yung sakit niya, alam ko ‘yun dahil nangako siya sa akin.

Aaminin ko, nasasaktan ako sa mga nakikita ko, sa mga paghihirap ni Alice sa sakit nya. Sobrang sakit sa akin kasi parang unti - unti akong pinapatay kapag nakikita ko siyang nahihirapan. Parang pansamantala lang ang binigay sa amin ng Diyos, pero alam ko na magsasama kami ni Alice pang habang buhay. Hindi ko siya iiwan kahit ano pa ang mangyari.

Kung pede lang na pigilan ko ang oras at pahabain pa ang mga araw na kasama ko si Alice, gagawin ko.Dahil hindi ko alam kung bukas, makalawa kunin na siya sa akin.

“Alice, kaya mo ‘yan. Nandito lang kami para sa’yo, go girl!” sabi ni Jane habang naluluha

“Oo, kaya ko ‘to, ako pa,” mahinang sabi ni Alice

“Alice, anak. Nandito lang kami ng Papa mo, mahal na mahal ka namin,” sabi ni tita

“Ma, Pa, mahal na mahal ko kayo,” sabi ni Alice

“Ayan si Tita Alice oh? Kiss mo baby,” Sabi ni Jane at itinabi ‘yung anak nila kay Alice

Kitang kita ko kung gaano kasaya si Alice noong nakita niya ‘yung baby nila Jane. Hinalikan niya ito at hinawakan, inisip ko na sana gumaling si Alice at magkaroon kami ng anak. Dahil nararamdaman ko na masaya siya kapag nagkaroon na kami ng masayang pamilya.

“Mike, anong oras nga pala ang operasyon ni Alice?” tanong ni tito

“Mga 11 AM po. May pupunta ditong mga nurse para dalhin si Alice sa Operating Room,” sabi ko

Nag usap usap pa kami at pinasaya namin si Alice. Pinalakas namin ‘yung loob niya para hindi siya matakot sa operasyon. Lahat ginawa ko para makita lang siyang masaya.

Hanggang sa dumating na ‘yung mga Nurse na susundo kay Alice

“Sir, kukunin lang po namin ‘yung pasyente,” paalam sa akin ng nurse

“Miss, pwedeng sandali lang, kakausapin ko lang ‘yung asawa ko,” sabi ko

“Sige po, mag hihintay na lang po kami sa labas,” sabi niya

Kinausap na nila si Alice sa huling pag kakataon bago siya operahan. Lumabas na ‘rin sila at kaming dalawa lang ni Alice ang natira sa kwarto.

“Alice,” tawag ko sa kaniya habang katabi niya ako

“Bakit?” tanong niya sa akin

“Gusto ko gumaling ka ah,” sabi ko

“Oo, gagaling ako Mike. ‘Wag kang mag alala, hindi kita iiwan. Gusto ko pang bumuo tayo ng masayang pamilya,” sabi niya

“Gusto ko ‘rin. Alam kong malalagpasan mo ‘yung operasyon na gagawin sa’yo,” sabi ko

“Oo Mike, malalagpasan ko ‘to. At alam kong malalagpasan ‘din natin ‘tong dalawa, mahal na mahal kita,” sabi niya sa akin

“Mahal na mahal din kita,” sagot ko

Tinawag ko na ‘yung mga nurse para sunduin si Alice at dalhin sa O.R. Habang dinadala si Alice sa O.R ay sinamahan ko siya at hinawakan ang kamay niya. Hanggang sa siya na ‘rin ‘yung bumitaw dahil papasok na sila sa Operating Room.

Her Boyfriend's Trip [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon