Mich POV
Mga Walang hiya! Ang kakapal ng mga muka nila na ipahiya ako sa harap ng maraming tao!? Hindi na sila natakot sa kung anong pwede at kaya kong gawin?! Walang hiya ka Mike, sinagad mo na ako. Lahat ng pambabastos, pag papahiya ibabalik ko sa inyo!
Ngayon, iniwan mo ko sa harapan ng altar, naka upo at umiiyak, pinag titinginan ng tao, at kung ano ano pang sinasabi nila, walang pwedeng gumawa sa akin nito. Mag hihiganti ako, tandaan mo ‘yan Mike! Hindi lang ito ang dadanasin mo, sobra sobra pang sakit at hirap ang mararamdaman mo! Mag hintay ka lang!
“Mich, anak. Hayaan mo na si Mike, baka hindi talaga kayo para sa isa’t-isa,” sabi ni mommy
“No Mommy, NO!! Makikita ng Mike na ‘yan kung sino talaga ako! Humanda siya!,” sagot ko
Bigla naman lumapit ang mama ni Mike, grabe ang pa plastic!
“Mr and Ms. Reyes, Humihingi ho ako ng dispensa sa nangyari. Patawarin niyo ho sana si Mike at kami, dahil naging pabaya kami sa kasal na ito,” sabi niya
“Naiintindihan ko Mrs. Cruz, Minsan talaga ay napaka pusok nang mga kabataan, Siguro nga’y nabigla lang si Mike sa desisyon niya kaya siya pumayag na magpakasal. Don’t worry Mr. Reyes, Tutulungan parin namin kayong maisalba ang kompanya nyo. Dahil sa tagal na rin naming magkaibigan ng asawa mo ay tinulungan niya rin ako ‘nung mga oras na babagsak na ang kompanya namin,” sabi ni Dad
“Salamat, Maraming Salamat talaga Mr. Reyes,” sagot nito
Sige, magtulungan lang kayo. Matuwa kayo at hindi na babagsak ang Kompanya niyo, pero ang anak niyo lahat ang magbabayad ng lahat ng ito! Siya, pati narin ang babaeng iyon ang babagsak! Maghintay lang sila!
Matapos ang lahat, ay umuwi na kami ng pamilya ko, halos hindi ako mapakali sa sasakyan dahil iniisip ko ang mga nangyari kanina. Lahat ng tao doon, pinag titinginan nila ako, halos ayoko ng magpakita sa kanila dahil sa kahihiyan, mag sisisi ka Mike.
Pagdating namin sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto para hubarin itong wedding dress na suot ko, sumunod naman si Mama para kausapin ako.
“Walang hiya ka Mike, Tandaan mo, ito na ang huling pananakit at pagpapahiya niyo sa’kin ni Alice, humanda kayo, HUMANDA KAYO!,” sigaw ko
“Anak tama na,” sabi ni mommy
“Tama na?! Bakit mommy TAMA BANG IWAN AKO SA KASAL KO?!,” sagot ko dito
“Mali, Pero anak Intindihin mo na lang si Mike,” sabi ni mom
“Intindihin?! Ako na lang ba palagi ang iintindi sa kanila?! Ayos lang sana kung natuloy ang kasal kahit hindi ako mahal ni Mike dahil kapag naging asawa ko na siya ay pwede niya akong mahalin kapag nakalimutan na niya si Alice, pero hindi! Iniwan niya ako doon sa kasal at Nag mukhang Tanga! Hindi pwede na hanggang dito na lang, makikita nila kung sino talaga ako!,” sabi ko
Hindi na nakasagot si Mom at lumabas na siya sa kwarto ko, ngayon sisimulan ko na ang pag pa plano kung paano ko sila paghihigantihan!
****
Mike’s POV
Masaya na ako.
Ngayon, hindi ko napakasalan si Mich, hindi ko talaga siya kayang mahalin. Alam ko rin na naiintindihan ako ni Papa kaya alam kong magiging maayos ang lahat. Akala ko iniwan na ako ni Alice, akala ko tapos na ang lahat talaga sa amin at hindi na kami mag kikita pa. Pero heto, kasama ko siya ngayon. Ngayon, alam na namin kung gaano talaga namin kamahal ang isa’t isa.
Ngayon hindi pa namin alam kung saan kami pupunta ngayon, pero gagawin ko lahat para hindi na kami mag hiwalay pa ni Alice. Nandito kami malapit sa Bus Station, sa isang convenient store. Kumain lang at nagpahinga.
BINABASA MO ANG
Her Boyfriend's Trip [COMPLETE]
Teen FictionAlice is a typical girl who's willing to do anything for her love, mike.But what happens if one day alice see mike cheating on her? Is she avoid and leave mike or that would be the reason why she will love MIke more?