CHAPTER 20

48 2 0
                                    

Grabe ang pagod ko kagabi.

Hindi naman kasi sinabi ka'gad sa'kin ni Clyde na 'yong dating binilhan pala namin ng mga street food ang punta namin kagabi.

Nakalimutan ko tuloy na may exam pala kami kinabukasan.

Sinabi ni Clyde na nakapagreview naman na kami ng malala no'ng weekend kaya mag chill nalang daw muna kami...

Kung sa bagay, totoo naman 'yon.

Sobrang nabusog din naman ako kaya ayos lang.

Marami na naman akong mga natutunang mga bagong street food. Pero dahil sa pag aalala ni Clyde na baka magloko ang tiyan ko, mayro'n pa rin akong mga hindi nakain.

Sa susunod, iyon namang mga 'yon ang tatargetin ko.

Mahirap na rin, baka magkatotoon 'yong sinabi ni Clyde. Exam pa naman ngayon.

Kaninang umaga lang nag sink in sa'kin na ngayon na pala 'yong unang araw ko ng midterm exam sa AU.

Nitong mga nakaraan ay kampante pa ako. Pero ngayon, medyo nakakaramdam ako ng kaba. Pero hindi alam ko na hindi 'to dahil sa pagsasagot.

Para 'to kay Clyde.

Kagabi ko pa iniisip kung ano ang puwedeng mangyari sa kaniya kung may makakita sa kaniya na gumagamit ng red note na 'yon.

Ewan ko ba, kahit na sa tingin ko ay ang saya ko kagabi, hindi ko pa rin mapigilan na hindi makapag isip ng gano'n. Lalo na no'ng pauwi na kami.

Imbis na magreview pag uwi ko, ayon ang pinagtuunan ng pansin ng isip ko.

Kahit naman pigilan ko ang isip ko, wala akong magagawa.

Nabanggit sa akin ni Clyde kagabi na hindi siya makakapunta rito sa condo dahil kailangan niyang makipagkita sa mga kaibigan niya.

Hindi ko na tinanong kung bakit dahil sa palagay ko, hindi ko naman magugustuhan ang sagot na maririnig ko.

Buti nalang at hindi na rin siya nag abala na sabihin sa'kin ang dahilan.

***

Nang makarating ako sa AU, agad kong nakita si Louisa kasama na si Krisha.

Buti nalang talaga at tinotoo niya 'yong sinabi niya na papasok na siya ngayong araw.

"Good morning!" Bati ko sa kanilang dalawa.

"Good morning," bati naman sa'kin pabalik ni Louisa.

Mukha siyang hindi mapakali sa bench na inuupuan niya kaya naman kumunot ang noo ko.

Nang tumingin ako kay krisha ay nginitian niya lang ako at nag make face sabay turo kay Louisa na nasa tabi niya.

Anong problema ng isang 'to?

"Balisa. Hindi alam kung ano ang isasagot mamaya sa exam," sabi ni Krisha nang mapansin na nakakunot pa rin ang noo ko. Hindi alam kung anong nangyayari.

Agad akong tumawa.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Hindi ka ba nagreview?" Tanong ko sa kaniya habang ginugulo ang buhok niya.

"Ikaw! Bakit ngayon ka lang pumasok?" Turo ko naman kay Krisha.

Agad siyang nagulat sa pagturo ko sa kaniya.

"Puro lesson nalang naman ang ginagawa ng mga prof. Kapag malapit na ang exam. Hindi na sila nagpapaquiz," aniya habang nagkikibit balikat.

"Ang sabihin mo, nakipagk-"

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now