CHAPTER 49

15 1 0
                                    

Halos dalawang linggo na ang nakalipas. Nakaalis na sila tita at Mommy pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nakita ko sa grand opening ng resto ko.

Eventhough I am stopping myself in being curious, I still want to know why he's there.

Buti na nga lang at nagkayayaan kaming mag bar mamaya. Atleast kahit papaano, matatanggal na uli sa isipan ko ang gano'ng mga ideya.

BAR PLANS:
Louisa: Bar house tayo later. @Mitch don't be late. Kami talaga ang pupunta diyan sa kumpaniya mo at susugod dahil hindi ka binibigyan ng bar time.

Ang daming nag funny react sa chat na iyon ni Louisa sa group chat namin. Hindi na talaga nila kinaya ang magchat ng paisa isa tuwing may lakad kami kaya gumawa na ng group chat.

Si Mitch lang naman ang palaging napapaspecial mention sa group chat namin dahil palagi nalang late o hindi kaya hindi puwede kasi marami pa raw pinapagawa.

BAR PLANS:
Anthony: Puwede ba mag sama ng bebe?

BAR PLANS:
Mitch: Manahimik ka wala kang girlfriend.

BAR PLANS:
Anthony: Practice lang, e. :(

Dahil din sa ginawa nilang group chat na ito, wala ng katigilan sa pag tunog ang cellphone ko kapag mag oonline ako. Ang dami nilang batuhan na mga pangaasar sa isa't isa. Akala mo hindi nagkikita kita.

BAR PLANS:
Louisa: @Daphne gusto kong makita na suot mo 'yong binigay ko sa'yong damit, ha. I'll sue you if you didn't wear it.

I rolled my eyes. Gusto ko namang mag suot ng mga gano'ng damit pero sa tuwing inaasar ako nila Louisa parang nahihiya na tuloy ako.

BAR PLANS:
Daphne: okey madame.

Kahit na mamayang gabi pa naman ang labas namin papuntang bar, nag ayos at hinanap ko na ang damit na iyon. Ang alam ko'y dress ang damit na iyon and if that's the case, this will gonna be my first time wearing dress at the bar. Siguro'y kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa ganito. I want to experience new in me.

Nahanap ko na iyong binigay ni Louisa. Nasa box pa rin iyon dahil hindi ko naman akalain na gagamitin ko siya ngayon. Isa iyong champagne satin cowl neck.

Ang ganda ng dress. Pero... Sa tingin ko'y hindi siya babagay sa katawan ko.

Sinubukan ko siyang suotin. Extra small ang size kaya naman fit ma fit sa'kin. Buti nalang at alam na alam ni Louisa na extra small talaga ako.

"Pwede na," sabi ko sa sarili habang umiikot sa salamin.

I sigh. Hindi ko alam kung magiging komportable ako sa isang 'to pero hindi ko naman puwedeng palagi nalang talikuran ang mga bagay na hindi ko kayang gawin.

Ang nude satchel bag naman ang gamit ko para ipartner sa dress na suot ko. Nabili ko ang bag na ito noong pumunta kami ng paris. Bagay naman sila kaya ayon na ang gagamitin ko.

Dumagdag pa sa outfit ko ang kitten hill shoe ko na nude rin ang kulay.

Hindi nag tagal, umalis na ako sa condo at nag drive na papunta sa bar house.

As usual, Anthony is the first one I saw in our usual spot. Siya talaga ang palaging nauuna rito dahil sabi nila Mitch, naghahanap daw ito ng mabibingwit. Maayos naman si Anthony. His humor is the one that making him handsome. Halos sumakit na ang tiyan ng mga babaeng nakukuha niya dahil sa kakatawa sa mga walang kwenta niyang kwento. Siya rin ang dahilan kung bakit maingay sa group chat namin. Palagi silang nagsasagutan ni Mitch kahit na maliit na bagay lang.

"Whoo! Ikaw ba 'yan, Daph?" Pangunang bati niya sa'kin.

Alam kong ganito ang magiging reaksyon nila dahil sa kakaibang pananamit ko ngayon pero hindi ko pa rin maiwasan ang sarili kong mag ikot ng mata dahil ang OA nila masiyado.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now