CHAPTER 50

21 1 0
                                    

"sayaw na tayo sa gitna, Lou!" Rinig kong pagyayaya ng kung sino sa amin.

Familiar ang boses ng babaeng iyon pero hindi ko na matandaan kung sino kaya naman pinilit kong imulat ng kaunti ang mata ko para makita kung sino iyon.

Si Zoe pala. Iyong isa sa mga naging kakclose na rin namin noong madalas na kaming pumunta rito sa bar.

I heard Louisa chuckled and agreed. She hold me on my shoulder and tries to lift my face up. "Tara sa gitna tayo." Pagyayaya niya sa'kin. Hindi ko na makayanan na maibuka ang bunganga ko. Napaka hina talaga ng tolerance ko sa alak!

Bago pa ako makahindi kay Louisa, hinawakan na niya ang baywang ko at itinayo ako.

Kahit na di hamak na mas matangkad ako kaysa kay Louisa, hindi ko maitatanggi ang lakas niya. Dahil na rin siguro sa kapayatan ko kaya niya ako nakayang maitayo.

Sinubukan kong pigilan siya at magmatigas sa paglalakad pero sa huli, nawalan na ako ng lakas at kontrol sa sarili ko kaya hinayaan ko nalang na anurin ako ni Louisa papunta sa gitna kung saan napakaraming tao.

"L-Loui.." pag tawag ko sa kaniya. Pero dahil siguro sa ingay ng paligid at hina ng boses ko, hindi niya iyon naririnig.

Medyo hindi na rin maayos ang tayo at lakad ni Louisa pero mangha ako na kaya niya pa ring makapagsalita at makitalon sa rami ng tao.

Hawak lang ni Louisa ang braso ko habang tumatalon talon siya sa tabi ko. Ipinikit ko naman ang mata ko dahil hindi ko na talaga kinakaya ang hilo galing sa ilaw ng paligid tapos dinagdagan pa ng alak na nainom ko.

Para akong lantang gulay na na nakatayo ro'n. Naramdaman ko lang na may kakaibang kamay na humawak sa baywang ko kaya naman medyo nagulat ako ro'n.

Maliit ang kamay ni Louisa kaya alam ko na hindi kaniya iyon.

"Sige. Sa'yo muna siya. Pero ibabalik mo rin kapag tapos na ako sa pageenjoy dito." Rinig kong sabi ni Louisa na nasa tabi ko.

Agad na naalarma ang sarili ko kaya naman agad kong iminulat ang mata ko kahit na hindi ko iyon kaya.

I pursed my lips and I am shock when the first thing I saw when I opened my eyes were Louisa walking away from me.

Agad akong tumingin sa likuran para tignan kung sino ang taong iyon pero malabo ang paningin ko kaya hindi ko talaga malaman kung sino siya.

"S-sino ka?" Taka kong tanong. Napapikit na naman ang mga mata ko at sa pagkakataong ito, hindi ko napigilan ang sarili ko sa paghawak sa sarili kong sentido dahil hindi ko na talaga makaya ang hilo at sakit ng ulo. "Pase-pasensya ka na. Ibalik mo nalang ako sa ka-kaibigan ko."

Nauutal ang boses ko at gaya nga ng nangyari kanina, alam kong mahina na ang mga iyon at wala ng maibubuga kaya hindi ko alam kung naiintindihan ba ako ng lalaking nasa harap ko.

Matangkad ang isang 'to at may piercing sa gilid ng bibig. Iyon lang ang nakikita ko sa kaniya pero alam kong hindi ko siya kilala.

Inilapit niya ang bibig niya sa aking tainga kaya naman inilayo ko kaagad ang mukha ko sa kaniya. Pero bago pa ako tuluyang makalayo, huminto na siya sa gilid ng mukha ko. "Do you want to get out of this bar?" Bulong niya sa'kin.

Umiling ako at nagpumiglas sa pag hawak niya. I know that I don't have strength anymore but I don't want to be with him. Hindi ko siya kilala.

"I'll take care of you." Muli niyang bulong sa'kin kaya naman mabilis uli akong umiling. "I'll pay you. Name your price."

When I heard his last statement, doon na nabuhayan ang buong pagkatao ko. Sinabayan pa ng paghimas niya sa hita ko.

Sa pagkakataong ito, kinuha ko ang buong lakas ko at ginawa ko ang lahat para lang mailayo siya sa akin.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now