CHAPTER 47

16 1 0
                                    

Noella:
I'm on my way, ate.

Pag gising ko ngayong umaga, text galing sa kapatid ko ang agad na bumugad sa'kin.

She'll gonna be here. Buti nalang at mabilis na natapos ang renovation ng condo kong ito kaya mabilis din akong nakalipat.

Umalis na ako sa dating condo na tinitirahan ko. Lumipat ako ngayon dito sa lugar na malapit sa resto ko. Sa tingin ko'y mas makakabuti ito para hindi na ako babyahe pa ng matagal.

Si Noella naman ang papalipatin ko sa dati kong condo na iyon. Mas makakabuti iyon sa kaniya dahil sa Adams niya gustong mag college.

Me:
Okey.. text me when you're already here. I'll just prepare some breakfast.

Medyo napatanghali ang gising ko ngayon dahil may mga inasikaso ako tungkol sa farm namin kagabi. Mas lumalago kasi ang mga iyon kaya mas naooverwhelmed si tita. Hindi raw talaga siya sanay na mag hawak ng farm naming iyon.

Dinagdagan pa ang mga trabaho ko ng resto. Inasikaso ko ang grand opening na mangyayari next week. Medyo kinakabahan ako pero base sa takbo ng resto ngayon palang, naniniwala ako na maganda ang magiging lagay namin.

Habang nagluluto ako ng magiging agahan namin ni Noella, napansin ko si Bella at Rocky na naglalaro sa isang gilid.

Ngayon ko lang uli sila napansin ng ganito. Napansin ko ang ilang pagbabago sa kanila. Lalo na sa pangangatawan nila.

Si Bella na dating masikip ang pangangatawan, kita ko na ang lawlaw sa ilang bahagi nito. Maaring dahil sa ilang beses na panganganak niya pero siguro'y dahil na rin sa katandaan niya.

Si Rocky naman na dating mabait at malambing, nagiging mainitin na ang ulo ngayon.

Ilang taon na rin ang nakalipas. Akala ko'y ako lang ang nagbabago. Pati rin pala sila.

Habang nagluluto ako ay napagplanuhan kong dalhin na rin silang dalawa sa vet. Ipinapacheck up ko naman sila pero halos matagal na rin ang huling check up na ginawa ko. Since pupunta naman kami ni Noella sa mall mamaya para mamili ng mga kakailanganin niya sa darating na pasukan.

Dumarami na nga talaga ang responsibilidad ko. Parang gusto ko tuloy bumalik sa AU at problimahin nalang kung ano ang isasagot sa mangyayaring quiz o recitation. Tama nga sila na ibang iba ang mundo pag tapos ng pag-aaral. Wala ng magsasabi sa'yo kung tama o mali ang desisyon na gagawin mo. Walang formula para makuha ang mga tama at walang remedial kapag bumagsak ka.

Ilang minuto pag tapos kong makapag ayos at makapagluto, nakatanggap na ako ng mensahe mula kay Noella na nasa baba na siya kaya sinundo ko na siya doon at dinala rito sa loob.

"Hay nako ate, always check mommy. Sometimes don't think if she's still okey," sabi ni Noella habang papasok kami ng elevator. Kinamusta ko kasi siya at si tita.

"Yah. Like what she always said. She's overwhelmed." Pagtango tango kong sabi.

"Wala kasing may alam na gano'ng klase pala ang nakukuha natin do'n sa farm na 'yon."

Oo. Kahit ako no'ng una ay nagulat na malaking pera pala ang nagagawa ng farm naming iyon. Si Daddy lang ang palaging nagmamanage no'n kaya wala talaga kaming kaalam alam. Ngayong nawala lang siya tsaka kami napilitan na aralin kung paano patakbuhin ang isang iyon.

"Yah. I think she will be used with it after a while. She just need to adjust."

Tumango siya. "Nga pala ate, sabi ng ilang mga friends ko mas maganda raw sa AU. Totoo ba 'yon?"

"Well, when I'm in AU, a lot of students there also saying that Adams is better. So I don't know how to answer that. Maybe just do your best in field you want to be in. Kahit na saan ka mapadpad basta may pagsisikap ka, I know you'll be good."

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now