Kabanata 54

5 1 0
                                    

Akala ko'y dahil sa mga sinabi ko, lalayo at titigil na si Clyde sa pag punta sa resto. Pero nag kamali ako.

Simula noong araw na iyon, halos araw-araw na siyang napunta sa resto. Walang araw na hindi siya dumadaan para kumain ng umagahan o tanghalian. Minsan naman, kapag hindi siya nakapunta ng umaga, gabi siya pumupunta para mag hapunan.

Pero, hindi gaya noon, hindi niya ako pinapansin ngayon. Hindi siya lumalapit o gumagawa ng paraan para makalapit sa akin kaya naman medyo nanibago ako ro'n.

"Para kang tanga. Noong lumalapit pinapalayo mo. Ngayon namang hindi na lumalapit, naninibago ka?" Tanong ko sa sarili habang nandito ako sa loob ng kusina.

Ngayong araw na ito, buong araw siyang nandito sa resto. Kanina'y may kasama siyang matandang lalaki na parang seryosong nag uusap pero lumipas na ang ilang oras, hindi pa rin siya umaalis.

Mamaya maya ay magsasara na kami pero andito pa rin siya. Hindi ko alam kung aware ba siya sa oras ng pag sara ng resto.

"Ma'am. Papalapitin ko na ba si Don kay sir Clyde? Ilang minuto nalang po magsasara na tayo." Tanong ni Carla.

I sigh and looked at Clyde. He's busy typing something in his loptop.

CEO siya pero hindi niya kayang manatili sa office niya? Buryong buryo ba talaga siya sa apat na sulok ng office niya dahil wala siyang nalalandi?

"Sige. Pasabihan mo siya kay Don." Utos ko.

Nag simula na rin akong mag ayos sa sarili ko dahil handa na akong umalis. Pero napahinto ako ng makarinig ako ng tawag mula sa cellphone ko.

Si Paul iyon kaya naman sinagot ko rin iyon kaagad.

"Hello." I greeted.

"Are you free tonight?" Tanong niya.

Nag taka ako ro'n. Bihira lang siyang mag tanong kung puwede ba akong lumabas. Alam kong maraming ginagawa itong si Paul sa buhay niya. Minsan nga'y nahihiya na rin ako sa kaniya kapag namimilit magyaya si Louisa, e. Hindi kasi makakatanggi ang isang 'to kapag alam na mag babar tapos kasama ako. Iisipin niya palagi na mauuto ako nila Louisa.

I smirked. "Why? Mukhang maluwag ka ngayon, ah."

I heard him chuckled. "I just noticed that my day is a bit stressful. I want to unwind."

"Wow. The workaholic Stanly Paul Bonavita gusto mag unwind?"

"Just for this night, Daph."

"Okey.. mag memessage ako sa Group chat. Where's the location?"

"Tayong dalawa lang."

My brow creased. "Hindi kasama sila Louisa?"

Nakakalabas naman kami ni Paul ng kami lang dalawa pero kapag mga importanteng lakad lang iyon, dahil kapag mga unwind na lakaran, kasama talaga namin ang tatlo.

"I just want to be peaceful this night. Siguro'y nabibingi na ako sa boses nila kaya next time nalang sila," sabi ni Paul habang nagpapakawala ng mga mahihinang tawa.

Tumawa rin ako ro'n. Sa bagay, nakakabingi naman na talaga ang bar tapos dinagdagdan pa ng mga kaibigan ko. "Yah. I understand you. So, where?"

"I'll pick you up. Are you in your condo? Resto?"

"Resto."

"Okey.. I'll be there in 3 minutes I think. Bye, see you."

Naputol na ang tawag ni Paul. Nag simula ko ng kunin ang mga gamit ko.

Lumabas ako para tignan kung ready na bang isara ang resto at nakita kong wala na rin si Clyde ro'n.

Hay.. buti naman.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now