CHAPTER 46

19 1 0
                                    


"Hindi ko akalain na plano mo palang bumuo ng ganito! Grabe edi sana nakiosyoso ako," Louisa said pouting.

Today is the soft opening of DAPHilipino Dishes. Hindi ko akalain na after five months, may sarili na akong resto.

"Congrats, Daph!!" Si Mitch.

Agad namang pumasok si Anthony dahil excited na raw siya. Libre ko kasi sila ngayon.

Hindi pa dumarating si Paul kasi may kailangan pa siyang asikasuhin pero maya maya lang daw ay nandito na siya.

Ngayong nasa labas kami ng Resto ko, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang tinititigan ang labas nito.

Ginusto kong mangyari ito noon pa man pero hindi ko naman akalain na matutupad ang simpleng pangarap kong iyon.

The resto is named DAPHilipino Dishes. Inilagay ko talaga ang pangalan ko sa unahan nito para mas matatak sa isip ng mga tao ang pangalan ko.

Nude ang theme ng resto ko. Malinis kasi tignan kapag gano'n tsaka parang ang gaan sa mata. Malinis din ang glass wall nito at ang interior design ay napakaganda. Si Paul kasi ang nag suggest ng interior designer sa'kin. Kaibigan niyan daw iyon na talagang batikan sa pag gawa ng mga shops.

May mga couches na kulay brown at mga single chairs na kulay puti. Ang mga mesa naman ay kulay skintone gaya ng sahig dahil para sa'kin, malinis tignan ang gano'ng kulay. Ang mga pader ay kulay puti pero may halo rin itong brown. Ang ilaw sa paligid ay kulay dilaw na siyang nagbibigay ng romantic ambiance sa lugar. There are photographs hanging on the wall. Mga minimalist lang na painting ang mga iyon. Samantalang ang counter ay brown para terno ito sa kulay ng couches.

May mga halaman din sa paligid na siyang nagbibigay buhay sa lugar. Mayro'n din akong nilagay na body mirror sa gilid ng resto na napapaligiran ng mga halaman.

"Grabe! Ito ang sinasabi kong Instagramable na lugar!" Kumento ni Louisa.

Marami nga ang nagsasabi na bagay na bagay ang lugar na ito sa mga taong mahilig kumuha ng pictures. Iyon din ang sinadya kong gawin dahil alam kong maraming mga tao lalo na kabataan ang mahilig sa gano'n. Nilagyan ko rin ng mga wooden chair sa labas ng resto para sa mga gustong sa labas umupo.

"I'm really proud of you!" Sabi ni Mitch na nasa tabi ko. "Mag apply na kaya ako rito?"

Kaunti pa lang ang mga tauhan ko sa resto na ito dahil kakasimula ko palang. Pero nagplaplano na ako sa pag dagdag ng tao pag tapos ng grand opening.

"Huwag na baka maubos ang mga pag kain." Si Louisa.

Tumawa si Anthony na siya ring nasa lamesa namin.

"Sobra ka! Baka pag nag trabaho ako rito, ako na ang puntahan ng mga tao."

Umubo ng bahagya si Louisa. "Ng mga pulis kamo."

"Asset ako rito!"

"Your ass."

Nag patuloy sila sa pagtatalo habang ako naman nagdisisyon na pumunta na muna sa counter para tanungin kung ano na ang nangyayari.

Medyo dumarami na rin kasi ang napasok. Effective pala ang suggest ni Paul na gumawa ako ng social media accounts para sa retso ko dahil lahat ng tao nasa media na.

Buti nalang talaga maalam si Paul sa mga ganito dahil halos hasa na siya dahil sa kumpanya nila.

Nanatili ako sa counter at tumulong kila Carla at Sunny para sa pag hahain ng mga orders. At ng masiguro kong maayos na sila ro'n, dumiretso naman ako sa kusina para kamustahin si Rolly. Siya ang naging kusinero ko. Siya 'yong dating nagbibigay sa'kin ng cheesecake. At ngayon, gusto niya lang na magpart time sa akin dahil nabuntis daw ang girlfriend niya. Agad ko naman siyang tinulungan at tinanggap dahil alam ko kung ga'no kahirap bumuhay ng pamilya.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now