CHAPTER 11

2.2K 97 7
                                    

EMERSYN SOLACE



“Emersyn...”

Napatigil ako sa paglalakad sa parking lot nang makita si Asher na nakatayo sa kan'yang kotse. Nagsimulang manginig ako sa kinatatayuan ko nang makita s'ya.

May sugat-sugat ito sa kan'yang mukha na nasa tingin ko ay si Russ ang gumawa. Hindi ko akalain na ganito kalala ang ginawa ni Russ sa pagbugbog kay Asher. Medyo naawa naman ako sa kan'ya pero sa ngayon hindi ko muna paiiralin ang kabutihan ko.

Lalapit na sana s'ya sa 'kin nang sinenyasan ko s'yang 'wag kumapit.

“U-Umalis ka na, Asher! Hindi ka pa ba nadadala? Huh! Muntik mo na akong gahasain!” mangiyak-ngiyak kong sigaw sa kan'ya.

Gusto kong tumakbo pero mismo ang mga paa ko ay ayaw makisama. Ito ang pinoproblema ko palagi kapag natatakot na ako, hindi ko ito maigagalaw kaagad kung gusto ko.

Nasasaktan s'yang nakatingin habang nakatayo lamang 'di kalayuan sa 'kin. “P-Patawarin mo na ako, Emersyn... Nagsisisi na ako,” pagsusumamo n'yang sambit sa 'kin at huli na ang lahat dahil nakalapit na s'ya sa 'kin.

Taranta naman ako sa kinatatayuan ko at pilit s'yang tinutulak kahit 'di man lang s'ya natinag sa aking pagtulak.

“Layuan mo ako!” sigaw ko at nangingig na umatras ng dalawang hakbang.

Parang na paralyze yata ang paa ko dahil hindi ko ulit mahakbang dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

Pumatak ang luha sa kan'yang mata. “G-Gusto ko lang mag-sorry, Emersyn. M-May sasabihin lang ako, please?”

Unti-unting pumatak ang luha  ko sa mga mata. “'D-Di ko alam kung mapapatawad pa ba kita sa ginawa mo. Akala ko hindi mo ako sasaktan! Pero mas dobleng sakit ang binigay mo sa 'kin!” hinihingal kong sigaw sa kan'ya at marahas na pinunas ang luha ko at napatingala. “U-Umalis ka na, please. Hindi na ako magde-demanda basta lumayo ka lang sa 'kin!”

Umiling-iling naman s'ya sa 'kin na tila hindi s'ya sang-ayon sa sinabi ko. “W-Wag naman ganito, babe please i love you—”

“Kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan at pagsasamantalahan! Akala ko kakaiba ka, Asher!”

Frustrated s'yang napahilamos sa kan'yang mukha. “Delikado ang lalaking iyon, Emersyn.” Biglang sumeryoso ang kan'yang tingin sa 'kin na nagbigay kilabot sa aking sistema. “Nakilala ko na ang lalaking iyon kaya sigurado akong delikado s'yang tao. Lumayo ka sa kan'ya, Emersyn.”

'Di naman ako makapaniwalang nakatingin sa kan'ya. Siguro ginagawa lamang n'ya itong dahilan para layuan ko si Russ. Alam ko na sobra ang pagkakaselos nito kaya nga n'ya ako sinampal kagabi dahil binanggit ko ang pangalan ni Reyan.

'Di makapaniwalang umiling ako rito. “Sa tingin mo maniniwala na ako sa 'yo? Kung sino man sa inyong dalawa ang mas delikado 'yon ay walang iba kundi ikaw,” mapait kong sambit.

Tila bumagsak ang kan'yang balikat sa sinabi ko. Ngayon lamang s'ya nakarinig ng ganito kasakit na pananalita galing sa 'kin. Hindi ko naman s'ya gaganituhin kung wala s'yang ginawang masama sa 'kin.

Magsasalita sana s'ya nang biglang sumulpot si Russ sa gilid ko. Gulat naman akong napatingala sa kan'ya nang hinapit ako nito papalapit dito.

Bakas ang kaseryosohan at talim ng tingin ni Russ habang nakatitig kay Asher at gano'n din si Asher.

Napatingin bigla sa 'kin si Asher. “Lumayo ka sa kan'ya, Emersyn. Magsisisi ka kung sasama ka pa sa lalaking iyan,” seryoso nitong sambit at ibinalik ang tingin kay Russ.

The Psycho Nerd (Nerd Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon