EMERSYN SOLACENakaupo ako sa mahaba kong sofa habang nag-aabang sa susunod na gagawin ni Russ. Ipapakita kasi raw ang nasa loob ng jacket.
Bigla ko tuloy naisip na baka kong anong ipakita n'ya. Sana naman hindi gano'n 'no. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi sa isipang ipapakita n'ya ang kan'yang abs.
Madali lang ako magkagusto sa isang lalaki pero 'di naman lahat umaabot sa sobra, bali paghanga lang ba. At isa na roon si Russ.
Paanong hindi ako magkagusto sa kan'ya? Mas dinaig nga n'ya pa si Asher kung mag-alaga, eh halos hindi na n'ya ako iwan. Hindi naman sa kinukumpara ko sila pero kasi naramdaman ko lang na gano'n.
Kahit may pagkaseryoso s'ya at minsan 'di ko maintindihan ang ugali n'ya ay nagustuhan ko pa rin s'ya. At nagpahulog naman si ako.
Nakatalikod s'ya sa 'kin habang dahan-dahang inalis ang jacket nito. Nagtaka naman ako na walang makitang kakaiba.
“Asan ang ipapakita mo, Russ?” tanong ko. Bago pa man ako makapagsalita ay hinubad na nito ang kan'yang t-shirt na kulay puti at do'n lamang ako naistatwa nang makita ang likuran bahagi ng kan'yang katawan.
“This is what I am talking about, Syn...” bakas sa boses n'ya ang pagkalungkot nang sabihin iyon.
Nakatitig pa rin ako sa likuran n'ya saka ako unti-unting lumapit sa kan'yang kinaroroonan.
Nakayuko s'ya habang hawak-hawak ang kanyang t-shirt. Alam kong labag sa loob n'ya na ipakita ito sa 'kin pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit n'ya pa ipinakita. Pwede naman s'ya tumanggi na ipakita ito sa 'kin.
Wala sa sariling hinawakan ko ang kan'yang likuran. Pinalandas ko ang aking mga daliri sa likuran n'ya na may nagdadamihang peklat. Di ko alam kung saan n'ya ito kinuha.
“Saan ito galing?” mahina kong tanong. Hinawakan ko ang makapal na peklat banda sa itaas ng kan'yang balikat.
Napasinghap naman ako nang hawakan n'ya ang kamay ko na nasa likuran n'ya habang nakatalikod pa rin ito. Bigla s'yang humarap sa 'kin at tuluyan na nga n'yang nahawakan ang dalawa kong kamay.
Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Bigla lamang kasi kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung kaba ba o iba na ito.
“Gawa iyan ng Tatay ko,” sagot n'ya.
Napaangat ako ng tingin. Tatanungin ko na sana kung bakit ginawa ito ng kan'yang Tatay pero napaurong lamang ang dila ko. Baka kasi masyadong personal ang tanong ko.
“B-Bakit mo ito pinakita sa 'kin? Kung hindi mo pa naman kayang ipakita—”
Pinutol n'ya ang sasabihin ko at nagsalita ito, “Dahil gusto ko malaman mo ang buong pagkatao ko. Tama si Asher, delikado akong tao.”
Hindi naman ako masyadong nagulat. Oo naramdaman ko naman na may pagkadelikado s'ya pero pilit ko lamang na sinasawalang-bahala. Ramdam ko naman na hindi n'ya magagawa akong saktan tulad ni Asher.
'Yon nga lang kung bakit s'ya naging delikado. Paano?
“Hindi naman importante sa 'kin iyan, eh...”
Napaangat s'ya ng tingin sa 'kin at bakas sa kan'yang mata ang pagkagulat sa sinabi ko. Kalaunan ay napalitan ito ng saya at kinang.
“K-Kahit may pagkabaliw ako?” tanong n'ya na ikinatawa ko ng mahina.
“Baliw saan?”
Mariin s'yang nakatitig pagkatapos sa 'kin. “I have this Antisocial Personality Disorder, Syn. I'm a psycho...”
BINABASA MO ANG
The Psycho Nerd (Nerd Boys Series #2)
Romance(COMPLETED) (NERD BOYS SERIES #2) Emersyn Solace Dela Vego is a student who supports herself financially while she pursues her education as she is childless. She was unaware of whether her parent was still living or had passed away because she had n...