CHAPTER 07

2.3K 101 9
                                    

EMERSYN SOLACE


“Emersyn?”

Napaangat ako ng tingin nang may tumawag sa 'kin. Napangiti naman ako nang makitang si Reyan lang pala ang tumawag.

“Tapos ka na sa project? Tulungan mo naman ako rito, oh,” aya ko sa kan'ya na ikinangiti n'ya.

Umupo s'ya sa tabi ko at kinuha ang folder mula sa kamay ko. “Mamaya na ang deadline nito, ah. Bakit ngayon ka pa lang gumagawa?”

Napasimangot ako rito. “Alam mo naman na may tarbaho ako sa gabi. Gagawin ko na sana iyan pagkatapos ng tarbaho ko pero pagod na kasi ako.”

Tumango naman s'ya. “Tulungan na lang kita.” Alok n'ya na ikinangiti ko.

Tinapik-tapik ko tuloy ang balikat n'ya dahil sa tuwa. “Dahil d'yan, ililibre kita.”

Natatawang umiling s'ya bilang pagtanggi. “Naku, Syn! Wag na, ayos naman sa 'kin na magtulungan tayo. Do'n pa lang ay bawing-bawi ka na sa utang mo.”

Isa rin s'ya sa kaibigan ko rito sa university. Di nga lang kami masyadong nagkikita dahil isa s'yang Senior High. Nakilala ko s'ya sa bar na pinapasukan ko, dati s'yang Bartender na nakasama rin namin.

Nakaginhawa tuloy ako dahil tinulungan n'ya ako sa project na ngayon na ang deadline. Wala na talaga akong oras sa mga assignment minsan kaya dito ko na lang sinasagutan.

Habang nagku-kuwentuhan kami ay biglang may sumigaw mula sa likurang bahagi ng library dahilan para mapatingin kaming lahat dito.

Dahil sa taka ko ay nakipagkumpulan din ako sa mga estudyante para makita kung ano ang ikinasigaw ng babae basi sa boses nito.

“Anong nangyayari?” tanong ni Reyan sa gilid ko na pala.

“Titignan ko pa,” sagot ko bago ako tumingkayad para makita ang pinagkakaguluhan nila.

“Ang baho!” turan ng lalaking estudyante.

Ang ilan naman ay sumang-ayon at bahagyang nakatakip pa sa ilong nila na parang may nababauhan.

Agad akong sumiksik sa mga estudyanteng nakaharang sa paningin ko. Ang iba ay nagreklamo pero hindi ko na ito inabalang pagtuunan ng pansin dahil sa usyuso ko.

Napatakip ako sa bibig at ilong nang makitang patay na aso ang nasa nakahiga sa sahig. Paanong napunta ang aso rito?

“Move, students! Magsibalikan na kayo sa ginagawa niyo!”

Saglit pa akong napatulala sa kawawang aso. Sino naman ang taong pumatay rito? Pinatay nga ba?

Gulat akong napabaling ng tingin kay Asher nang hawakan ako nito sa braso. Di ko alam na na dito pala s'ya.

Ngumiti s'ya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. Do'n ko lang napansin na nagsialisan na pala ang mga estudyante at ang ilang guro ay abala sa pagbuhat ng patay na aso. Napasunod tuloy ang tingin ko rito.

Hinawakan ni Asher ang baba ko at pinaharap sa kan'ya dahilan para mapatingala ako rito.

“Who is that guy?” tanong n'ya habang nakatingin kay Reyan na abala sa nakikipag-usap sa kaklase nito sa gilid lang namin.

“K-Kaibigan ko...” sagot ko. Bigla na lang umiba ang mukha nito. Inis s'yang nakatingin kay Reyan pero di nagtagal ay binaba n'ya ang paningin sa 'kin.

“Just friends, okay?”

Sa puntong ito ay alam kong nagseselos s'ya pero kasi may kakaiba sa sinambit n'ya. Wala sa sariling tumango ako rito na ikinangiti n'ya.

Walang paki s'yang humalik sa 'kin dito sa loob ng library. Mahinang tinulak ko ang kan'yang dibdib papalayo sa 'kin.

Taka naman s'yang tumingin sa 'kin. Namumula pa ang labi nito sa halik. “Why?”

Namumulang inilibot ko ang paningin sa library. May nakakita sa 'min! Wala talagang pinipiling lugar itong si Asher.

“Nasa library tayo, Asher...”

Napataas ang kilay n'ya sa sinabi ko. “So what? Wala silang magagawa kung gusto kong halikan ka dito mismo.”

Hinampas ko naman ito sa braso na ikinatawa n'ya. Pinanlakihan ko tuloy s'ya ng mata at kalaunan ay hindi ko rin napigilang 'di ma pangiti.

Habang nasa kalagitnaan kaming kumakain ng tanghalian dito sa canteen ay 'di ko mapigilang 'di mapatitig kay Asher.

Hindi dahil sa naga-gwapuhan ako, kundi dahil hinahanap ko kung saan ko s'ya nagustuhan.

Dati ay pakiramdam ko mahal na mahal ko s'ya. Sino ba hindi mai-inlove sa gwapo na nga, gentleman pa. Tabi na lang natin ang pagiging manyak n'ya minsan. No'ng una 'di pa ako sanay sa ugali n'ya pero kalaunan unti-unti ko na naiintindihan.

Ngayon na mag-iisang taon na kami ay hinahanap ko pa rin kung anong dahilan kung bakit ko s'ya minahal. Alam kong walang rason pagdating sa pagmamahal pero kasi di'ba dapat nararamdaman iyon? Pero kasi iba na ngayon.

Wala akong kakaibang nararamdaman sa kan'ya ngayon kundi saya lamang kapag magkasama kami. 'Yon lang at wala nang iba. Tungkol naman sa halik ay wala na sa 'kin, parang normal na lang. 'Yon 'bang parang spark?

“Grabe ka na makatitig sa 'kin, babe.”

Napakurap-kurap naman ako nang magsalita si Asher. Napaiwas ako ng tingin at tinuon ulit ang atensiyon sa pagkain.

Rinig ko ang mahina n'yang tawa. Lumapit s'ya sa 'king inuupuan at inakbayan ako sa gilid.

“Bumalik ka na sa kinauupuan mo, Asher,” mahina kong bulong sa kan'ya at saka inangat ang tingin sa mga estudyanteng busy sa kaka-kuwento sa kasama nila.

“I am more comfortable with you, babe. Dito lang ako,” tugon n'ya at mabilis na hinalikan ako sa pisngi.

Hindi ko na ito inabala at pinagpatuloy lamang ang kinakain ko. Inaya ko naman s'yang kumain pero sabi n'ya busog la s'ya. Hinayaan ko na lang tuloy s'yang nakaakbay sa 'kin at hinahalik-halikan ako sa pisngi.

Ilang puri ang naririnig ko mula sa kan'ya na ikinahiya ko. Maganda pa ako sa lagay na 'to?

Hindi ako mahilig sa girl stuff katulad ng mga babae. Hindi rin ako mahilig magmake-up kaya paniguradong kitang-kita na ang eye bags ko dahil sa kakapuyat sa gabi.

“You look pale, babe.” Hinawakan ni Asher ang kamay kong maputla at pati ang pisngi ko. “Ain't you taking vitamins or eating vegetables?” tanong n'ya habang hinihimas-himas ang pisngi ko.

Hinawakan ko naman ang kamay n'ya na nasa pisngi ko at inalis. “Bibili ako mamaya. Araw-araw kasi akong nagpupuyat dahil sa tarbaho ko.”

Lumambot ang paningin n'ya sa 'kin. “I'll go with you later. Bibili rin ako ng mga vegetables and fruits para may makain ka palagi. Feeling ko ay hindi kita pinapakain gayong girlfriend kita.”

Ngumiti ako sa kan'ya at hinawakan ng mahigpit ang kamay n'ya. “Wag 'kang mag-isip na pabaya 'kang boyfriend. Ako lang talaga ang pabaya sa katawan ko.”

Binasa n'ya ang kan'yang labi gamit ang dila nito. “Ipangako mo sa 'kin na aalagaan mo palagi ang sarili mo. I can't be always by your side.”

Tumango ako sa sinabi n'ya. “Okay, promise ko 'yan.” Ngumiti ako sa kan'ya para hindi na s'ya mag-alala sa 'kin.




The Psycho Nerd (Nerd Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon