Dedicated to:
kyutbabydaneEMERSYN SOLACE
Kanina pa ako naghihintay rito banda sa kan'yang motor. Nakasandig habang umiinom ng gatas, mukhang lulubo ang tiyan ko nito sa dami ng gatas na ininom ko.
Ilang minuto akong nakasandig at hindi maiwasang 'di mapalutang ang aking isipan. Pakiramdam ko wala akong kamuwang-muwang sa mundo, kahit mga kakilala ko ay hindi ko alam kung sino ba sila o ano ba talaga ang tunay nilang pagkatao.
Alam ko na dapat magtiwala ako kay Russ dahil bukod sa wala naman s'yang ginagawang masama sa 'kin ay pinaramdam naman n'yang mahalaga ako sa kan'ya. Hindi s'ya gagawa ng isang bagay na ikakagalit o ikakagalit ko.
Gulong-gulo na ako at mas lalong natatakot sa kalagayan nila Polace at Sabrina. Malala ang kanilang kondisyon kaya hindi dapat ako mapanatag, may kasalanan nga raw ako kahit hindi ko alam kung saan banda. Siguro dahil sa 'kin nagkaganito ang lahat?
“K-Kanina ka pa dito?” Hinihingal na kumapit si Russ sa kan'yang motor habang hinahabol ang kan'yang hininga.
Napabalik ako sa ulirat nang makita s'ya ngayon. Napatitig ng matagal at sinusuri kung may mali ba sa kan'ya pero wala naman akong nakita. Napabuga ako ng hininga sa kawalan.
Umayos s'ya ng tayo nang makitang wala akong imik. Hinawakan ako sa beywang at saka ako hinalikan sa pisngi pero hindi ko man lang magawang maging masaya.
Inalis n'ya ang kan'yang labi sa 'king pisngi na bahagyang nakalapat. Tinignan n'ya ako sa mata at nagtataka kung bakit wala man lang akong reaction.
Umiwas ako ng tingin at tumikhim. “Uwi na tayo,” mahina kong sambit at umalis sa pagkakahawak n'ya sa beywang ko. Hinihintay na mauna s'yang sumakay sa motor.
Hindi s'ya sumakay at hinapit ulit ako sa beywang. Malambing n'ya akong niyakap. “May masakit ba sa 'yo? May problema ka ba? Hindi ka umiimik, eh.”
Napatikom ang bibig ko sa narinig. Hindi ko kayang iwasan s'ya kaya ang tanging magagawa ko lang ay tumahimik at mag-obserba sa kan'yang galaw. May duda ako na dinatnan s'ya ng kan'yang sakit at baka nga sa panahon na dinadamdam n'ya ito ay may ginawa s'yang masama kila Polace at Sabrina.
“Wala lang 'to.” Ngumiti ako ng tipid para hindi na s'ya magtanong pa. “Tara na at umuwi na tayo, gusto ko nang kumain.”
Nagkabuhol-buhol ang isip ko nang makitang seryoso n'ya akong tinitigan na para 'bang hinahalungkat n'ya ang buong pagkatao ko. Umiwas na lang ako ng tingin at humawak sa kan'yang motor. Medyo hindi lang talaga ako sanay sa gan'yang tingin n'ya.
“Sabihin mo sa 'kin, Emersyn may problema ka ba?” seryoso n'yang tanong at pilit akong pinapaharap sa kan'ya.
Wala akong nagawa kundi salubungin ang kan'yang mapanganib na mata. Kahit good boy at nerd ang tingin ko sa kan'ya ay hindi ko maiwasang 'di kabahan sa kan'yang nanganganib na mata.
“Wala nga.” Pilit ko sa kan'ya at umiwas ulit ng tingin.
Napapikit na lang ako nang hawakan n'ya ang aking baba saka pinaharap sa kan'ya. Gusto n'yang makita ang mata ko kung nagsisinungaling lang ba talaga ako, alam ko ang gusto n'yang mangyari.
Malamlam na ang kan'yang mukhang nakatingin sa 'kin. Nalilito na rin sa sitwasyon namin. “May problema ba tayo? Pakiramdam ko kasi iniiwasan mo ako.”
Napalunok ako ng sariling laway at hindi nakasagot. Mauulit na naman ba ang problema namin? Naayos na namin no'ng nakaraan ang mali kong akala tapos ngayon ay balik na naman kami sa umpisa?
Gusto kong tanungin sa kan'ya kung may kinalaman ba s'ya sa incident na nangyari kay Polace at Sabrina pero hindi dapat dito pag-usapan.
“Sa apartment mo na lang tayo mag-usap, Russ.” Inalis ko ang kan'yang kamay sa 'king baba at hinila s'yang sumakay na sa motor nang makaalis na kami.
“At ngayon Russ na lang ang tawag mo sa 'kin,” mapakla n'yang sambit at binaklas ang aking kamay na pilit na hinihila s'ya para makatakas sa ano mang pag-usapan namin.
Nangungusap naman akong nakatingin sa kan'ya. “Please, umuwi na tayo.” Sinubukan ko ulit na hilahin s'ya pero 'di s'ya nagpatinag.
Mabilis n'ya akong hinawakan sa pisngi at pilit na pinapaharap sa 'kin. Nakita ko ang kan'yang matang naguguluhan, konting kurap na lang n'ya ay babagsak ang tinatago n'yang luha.
“Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa 'kin kung ano ba talaga ang problema natin!” Medyo may kalakasan ang kan'yang boses at para 'bang hiniyaw n'ya ang nakabara sa dibdib. “May ginawa ba ako? May kasalanan ba akong ginawa?”
Umiling ako at 'di na rin naiwasang 'di maluha. Ang sakit pala tignan kapag harap-harapan ko s'yang nakikitang lumuluha. Hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili.
Pinagdikit n'ya ang aming noo at mas lalo n'ya akong hinapit papalapit sa kan'ya. “Naguguluhan ako, Love. Please, hindi na maganda ang kutob ko rito.” Naramdaman ko ang pagpatak ng luha n'ya sa aking pisngi. “Hmm... Mahal ako ni Emersyn, wala lang s'ya sa mood.”
Kahit gusto kong ilabas ang ilang luha ko sa aking mga mata ay pilit ko itong inurong pabalik. Ayaw ko rito maiyak. Gusto ko lang naman umuwi kami para ro'n pag-usapan ang gumugulo sa isipan ko. Masyado ng marami ang estudyanteng nakatingin sa 'min.
Hinawakan ko ang kan'yang pisngi at marahan na pinihatid ang ilang luha n'ya. Ako na rin mismo ang bumaklas sa kan'yang salamin para mas maayos kong maialis ang kan'yang basang mata.
“Sabi ko sa 'yo ro'n lang tayo sa apartment mo mag-usap, eh.” Ngumiti ulit ako para hindi na s'ya mabahala pa sa ano 'mang inisip n'ya. “Sige na, gusto ko na ring mahiga at kumain.” Hinawakan ko pa ang aking tiyan.
Parang bigla naman s'yang natauhan at may pumasok sa kan'yang isipan. Mabilis n'yang pinahid ang kan'yang luha at saka ako niyakap ulit bago kumawala.
“S-Sige ro'n tayo sa apartment natin mag-usap.” Napatango-tango pa s'ya sa kawalan. “Hindi galit si Emersyn sa 'kin. Gutom lang s'ya at inaantok.”
May ilan pa s'yang binubulong pero ilan lang ang narinig ko bago namin napagpasyahang umalis na sa university at makauwi. Bigla lang s'yang nataranta pagkatapos n'yang matauhan at inalalayan pa akong umupo sa motor.
“D-Dito lang ako sa likuran, Love.” Pinamulahan ako ng pisngi nang sabihin n'yang do'n ako sa unahan umupo at s'ya raw sa likuran ko. At saka tinawag ko na s'yang love para 'wag na s'yang mag-isip ng kung ano.
May lumabas na matamis na ngiti sa kan'yang labi. “Sige na, please. Gusto kong malaman na ligtas ka.”
Wala na akong nagawa kundi sundin man kung ano ang kan'yang gusto. Bigla ko kasing nakita ang kan'yang eye bags at alam kong ako ang dahilan ng iyon.
Nakaupo na ako ngayon sa unahan ng motor at s'ya naman nasa likuran ko. Lumingon muna ako sa kan'ya at ibinalik ang kan'yang salamin sa kan'yang mata.
Ngumiti ulit s'ya na parang hindi umiyak kanina. “Salamat.”
Habang nasa byahe kami ay bigla lamang s'yang nagtanong.
“Anong gusto mo, may salamin ako o wala?”
“Ba't mo natanong? Syempre mas maganda kapag naka-salamin ka.” Ba't naman napunta sa ganito ang usapan?
Napaupo ako ng maayos nang ipatong n'ya ang kan'yang baba sa 'king balikat habang mahina lang na pinaandar ang kan'yang motor.
“Para sa 'kin parang badoy akong tignan, eh.” Nahimigan ko ang pait sa kan'yang boses. “Parang pinaglumaan ang suot ko.”
Napangiti na lang ako at mabilis s'yang hinalikan sa labi at humarap na rin. “Kahit sino ka pa, ikaw pa rin ang Love ko.”
BINABASA MO ANG
The Psycho Nerd (Nerd Boys Series #2)
Romance(COMPLETED) (NERD BOYS SERIES #2) Emersyn Solace Dela Vego is a student who supports herself financially while she pursues her education as she is childless. She was unaware of whether her parent was still living or had passed away because she had n...