Dedicated to:
stellamariz2005EMERSYN SOLACE
“Kumusta ka, Syn? Ilang araw na kitang 'di nakita.” Bungad sa 'kin ni Aimy nang makalapit ako sa kan'ya.
Nandito ako ngayon sa bar at balak ko na ngang pumasok ulit sa tarbaho. Ilang araw na akong 'di nakapasok at paniguradong wala akong sagod nito.
“May sasabihin sana ako ” Lumapit pa ako lalo sa kan'ya.
Umandar naman ang pagiging chismosa n'ya kaya naman kaagad n'yang inilapit ang kan'yang taenga sa 'king bibig. “Ano 'yon? Sabihin mo!”
Napahagikgik naman ako sa kan'yang inasta. “Buntis ako.”
Inilayo n'ya ang kan'yang taenga sa 'kin at nanlalaking mata akong tinignan. “Ang totoo, Syn?!” Niyugyog pa n'ya ang balikat ko.
Pinigilan ko naman s'ya. “Totoo, kaka-check up nga lang namin.”
Hindi alam ni Russ na nandito ako. Nakalimutan kong hingiin ang number n'ya. Hindi ko alam kung may cellphone ba s'ya gayong 'di ko naman nakikita ito sa ilang buwan naming pagsasama. Malabo naman na wala s'yang cellphone, eh ang dami ba namang gadgets sa organization nila!
Sinama n'ya ako roon noong nakaraang araw at sa una pa lang ay kinakabahan na ko sa maaaring malaman. Tanggap ko naman na gano'n ang kan'yang gawain, wala s'yang magawa, eh.
No'ng nalaman namin na buntis nga talaga ako no'ng nando'n pa kami sa hospital ay umiyak ulit ako sa kan'yang harapan. Tudo naman s'yang alo sa 'kin at panay hingi ng tawad. Hindi naman ako umiiyak dahil sa nagsisi ako. Hindi ko lang talaga inaasahan at masyado lang mabilis ang pangyayari.
Kinuwento ko kay Aimy ang lahat-lahat. Simula no'ng una naming paghihiwalay ni Asher hanggang sa naging kami ni Russ. Gulat na gulat at halatang naguguluhan si Aimy sa pangyayari.
“Ang bilis, Emersyn, ah!” Mahina n'ya akong tinampal sa balikat at nakangisi pa ng nakakaloka. “Hindi mo man lang sinabi kaagad sa 'kin. Ito tuloy ako, hagard na hagard.”
Natawa ako ng mahina. “Sorry, balak ko naman talagang sabihin pero nagkataon na may problema rin ako.”
Sunod-sunod ang problema ko at kasabay na nga 'yong kila Place at Sabrina. Tinawagan pa ako kanina ni Tita ko na umuwi ng probinsya kahit saglit lang dahil may sasabihin ito.
Medyo malayo ang probinsya kaya nga sabi ko kung pwede sa cellphone na lang n'ya sabihin ang gusto n'ya pero mapilit s'ya at pinagsisigawan ako mula sa cellphone. Wala akong nagawa kundi umuwi ngayong Sabado, sakto dahil wala kaming klase sa Lunes, holiday kasi.
Matapos ang kuwentuhan namin ay bumalik ako sa aking tarbaho, mahirap na baka masesante pa ako wala sa oras. Mabilis lang talaga ang oras hanggang sa dumating ang oras ng out ko.
Niligpit ko ang mga gamit ko sa locker. Nagpalit na rin ako ng damit. “Uwi na ako, Aimy, ah? Hindi pa naman ako nagpaalam kay Russ.” Nagmamadali kong inayos ang buhok ko.
Nagthumbs-up sa 'kin si Aimy. “Bilisan mo, Syn. Buntis ka pa naman. Sana hindi ka na lang nagtarbaho, eh.”
“Kailangan, eh.” Lumingon ako sa kan'ya. “Sige na alis na talaga ako.”
'Di na ako lumingon pa at dire-diretso lamang ang lakad ko papuntang parking lot ng bar. May nagma-make out pa sa labas at wala yatang planong pumasok sa loob at do'n ipagpatuloy. Napailing na lamang ako.
Ilang hakbang ang ginawad ko pero hindi pa man ako nakakaalis nang makita sa 'di kalayuan si Russ. Bigla tuloy ako nilamon ng guilt at pagkabahala.
BINABASA MO ANG
The Psycho Nerd (Nerd Boys Series #2)
Romance(COMPLETED) (NERD BOYS SERIES #2) Emersyn Solace Dela Vego is a student who supports herself financially while she pursues her education as she is childless. She was unaware of whether her parent was still living or had passed away because she had n...