EMERSYN SOLACE'Di talaga nawala ang ngisi n'ya sa labi hanggang ngayon na nasa groceries na kami. 'Pang ilang ulit na n'ya ako tinatanong kung mahal ko ba s'ya o wala ba s'yang dumi sa mukha. Baka raw ay ma-turn off ako sa suot-suot n'yang salamin.
Simula nang maging boyfriend ko na s'ya ay halos 'di na s'ya makaalis sa apartment ko. Buti na lang ay umuuwi s'ya sa kapag matutulog na. Parang kinikiliti tuloy ang tiyan ko sa isipang nirerespeto n'ya ako, alam na n'ya kaagad ang mga bagay na ayaw ko at gusto.
“Mahal kita, mahal mo rin ba ako?” malambing n'yang tanong ulit. 'Di ko na alam kung 'pang ilang ulit n'ya ito tinanong sa 'kin.
“Paulit-ulit ka na lang, Russ,” reklamo kong ani rito.
Kumawala ako sa pagkakahawak muna nito sa 'king bewang at lumipat ng pwesto banda sa snacks area.
Naramdaman ko ulit ang presensiya n'ya sa likuran ko. Akmang haharap na ako rito nang pinulupot n'ya ang kan'yang matigas na braso sa 'kin beywang ulit saka inilagay ang kan'yang baba sa 'king balikat.
Gumalaw-galaw ako sa kinatatayuan ko. “O-Oyy, nasa groceries tayo, Russ...”
Mas hinigpitan pa nga n'ya ang pagkakayakap sa 'kin. “Sino may pake?” Alam kong nakangisi na ito.
Napalabi tuloy ako. “Baka may makakita sa 'tin dito, Russ. Bumitaw ka muna.” Taranta naman ako nang makitang nakatingin ang ilang tao sa 'min.
Napasiksik na lamang ako sa malapad na dibdib ni Russ at tinangala s'ya. “Halikana! May nakatingin kaya sa 'tin, nakakahiya!”
Tumaas ang isang kilay n'ya sa sinabi ko. “Boyfriend mo ako, girlfriend kita kaya ano ang nakakahiya roon?”
Pinisil ko ang braso n'ya na nakahawak sa tiyan ko. “PDA tayo, Russ! Halikana para maka-CR na ako,” nagmamadali kong singhal dito ng mahina.
“Okay, Love,” malambing na sang-ayon n'ya na ikinatingin ko rito.
Nagtaka naman ang mukha n'ya nang makitang nabigla ako. “What? May mali ba sa sinabi ko?”
Mas masarap pala sa pakiramdam na tinatawag 'kang Love.
Umiling ako rito at nagsimula na nga akong maglakad na ikinasunod n'ya. Hindi pa rin n'ya inaalis ang kan'yang braso sa beywang ko kaya hinayaan ko na lang. Mukhang tinatago n'ya ako sa mga grupo ng lalaking sumulpot sa 'min.
“Dukutin ko mata nila, eh,” rinig kong bulong ni Russ. Napailing lamang ako sa pagiging childish nito.
Inilapag ko ang pinamili ko sa counter. Pinisil ko ulit ang braso ni Russ nang maramdamang hinihimas-himas niya ang tiyan ko. Adik yata 'to.
Nahihiya tuloy ako sa babaeng cashier pero mukhang normal naman sa kan'ya ang mga ganitong eksena.
“Bakit mo hinihimas tiyan ko? Adik ka ba?” tanong ko sa kan'ya.
Napatawa s'ya ng mahina banda sa taenga ko dahilan para manindig ang balahibo ko nang tumama ang kan'yang hininga sa akong taenga. “'Di magtatagal, lalagyan ko ito ng laman.” Hinimas n'ya ulit ang tiyan ko na ikinapalo ko ulit. “Magkakaroon tayo ng masayang pamilya. Sampung ang magiging anak natin.”
Sampu?! Jusko, kinikilabutan tuloy sa sinabi n'ya. Ang bata ko pa nga, eh. Sa tingin ko ay 3 years ang agwat namin.
“Sigurado ka 'bang ako ang magiging end game mo?” bigla kong tanong sa kan'ya na ikinatigil naman nito.
Akala ko tuloy hindi s'ya sigurado na magiging end game n'ya ako pero nabigla lamang ako nang magsalita ito.
“Syempre sigurado na ako sa 'yo. Ikaw ba ay sigurado rin sa 'kin?” tanong n'ya na mukhang inis pa. Ayan na naman s'ya.
Magsasalita sana ako nang inunahan n'ya kaagad ako. “Of course, sigurado ka sa 'kin. Sakin pa rin ang bagsak mo. Malalagot kung sino ang makakapaghiwalay sa 'tin.”
Instead na mangilabot ako sa sinabi n'ya ay kinilig ako. Normal pa ba ito? Mukhang binabantaan n'ya kasi ako kung 'di ko s'ya magiging end game ay lagot ako.
“Tapos na po kayo, Ma'am? Sir?”
Kaagad akong napaharap ng tingin sa cashier na babae. Mukhang naiinis na ito. Hala! Kanina pa pala kami rito nakapila.
“May kasunod pa po kayo kaya sana naman ay do'n na kayo sa ilabas mag-usap,” magalang nitong sambit at tinuro pa ang mga nakapilang tao sa likuran banda ni Russ.
Magbabayad na sana ako nang inunahan kaagad ako ni Russ. Magrereklamo na sana ako nang hinila na n'ya ako sa beywang papaalis roon habang bitbit na n'ya ang groceries.
“Babayaran na lang kita, Russ.”
Umiling s'ya habang 'di nakatingin sa 'kin. “'Wag na, Love. Ako ang lalaki kaya ako ang magbabayad sa pinamili natin.”
Medyo nahihiya pa ako sa tawag n'ya sa 'kin. Hindi sa nahihiya ako dahil naging boyfriend ko s'ya kundi dahil sa hindi ko masambit sa kan'ya ang salitang 'Love'.
Wala na akong nagawa kundi hayaan na lamang s'ya. Sa susunod naman ay ako na ang magbabayad.
Nakarating kami sa harapan ng kan'yang motor. Medyo takot ako sa motor n'ya dahil bukod sa mataas ang kinauupuan nito ay baka mahulog ako.
Isinabit n'ya ang mga pinamili namin sa hawakan ng kamay sa kaliwa. 'Di naman siguro iyan mahuhulog dahil mahigpit ang pagkakatali.
Humarap s'ya sa 'kin na may ngisi na sa labi. “Love?” tawag n'ya ulit dahilan para mapatulala ako sa kan'yang mata.
Noong 'di ko pa s'ya masyadong kilala ay nakikita ko pa sa mata n'ya ang kadiliman pero ngayon nakikita ko na ang liwanag at saya rito.
Bahagyang napatalon ako nang hawakan n'ya ako sa kamay. “Gusto mo 'yong tawagan natin na 'Love'?” bakas sa kan'yang boses ang pagkasabik sa itutugon ko.
Napangiti lamang ako at tumango. “Salamat,” tanging nasambit ko sa kan'ya.
Natatawa naman s'yang nakangiti sa 'kin. “Paraan saan? Dahil tinawag kitang love?”
Umiling ako. “Hindi 'yon. Ano... Salamat dahil mahal mo ako.”
Biglang sumeryuso ang kan'yang mukha na ikinabahala ko. Magsasalita na sana ako nang inunahan kaagad n'ya ako.
“Where's my I love you too? Dapat 'yon ang sabihin mo sa 'kin.”
Muntik na tuloy ako maatakihan sa puso. Seryoso naman kasi ang mukha n'ya! 'Yon pala ay gusto n'yang marinig sa 'kin ang 'I Love You Too'.
Napahawak ako sa dibdib. “Nabahala tuloy ako kung bakit bigla sumeryoso ang mukha mo.”
Napangisi s'ya at masuyong niyakap ako. “Pasensya ka na kung bigla-bigla lang nagbabago ang mood ko. I did promise to you that I won't hurt you no matter what.”
Hindi na ako nakapagsagot nang maramdaman ko na maiihi na ako. Napakalas kaagad ako sa yakap at napahawak sa tiyan ko na ikinataranta naman n'ya.
“Anong masakit?” taranta n'yang tanong at hinawakan ako sa tiyan.
Tinampal ko ulit ang kamay nito nakahawak sa 'kin. “Iihi lamang ako sa comfort room. Alam mo ba kung saan dito banda?”
Napahinto tuloy s'ya mula sa pagkakataranta at napatingin sa mukha ko. “Iihi ka lang? Walang masakit sa tiyan mo?”
“Oo kaya ihatid mo muna ako sa CR,” mabilis kong saad sa kan'ya at hinila ito.
BINABASA MO ANG
The Psycho Nerd (Nerd Boys Series #2)
Romantizm(COMPLETED) (NERD BOYS SERIES #2) Emersyn Solace Dela Vego is a student who supports herself financially while she pursues her education as she is childless. She was unaware of whether her parent was still living or had passed away because she had n...