CHAPTER 16

1.9K 92 7
                                    


EMERSYN SOLACE

“Masarap ba? S-Sorry, hindi na kasi ako nakakapagpractice simula nang maging busy ako sa trabaho,” nakangiwi kong paliwanag sa kan'ya habang pinagmamasdan s'yang kumakain sa sa harapan ko na parang ilang taon nang 'di nakakain.

Nag-aalangan pa ako sa una kung ipapatikim ko pa ba sa kan'ya ang niluto ko na sa tingin ko ay mapait ang lasa. Ayaw naman n'ya ibalik sa 'kin ang sinigang kaya hinayaan ko na lamang s'ya.

Higop s'ya ng higop ng sabaw ng sinigang at saka inangat ang tingin nito sa 'kin. “Masarap,” tugon n'ya.

'Di naman ako naniwala sa kan'yang sinagot. Kumuha ako ng sabaw sa bowl at saka tinikman ito. Halos mangasim ang dila ko dahil sa pait. Ito ba ang sinasabi n'yang masarap?

Maasim ang mukha kong ibinalik ang kutsara sa bowl. “Maasim kaya!”

Umiling s'ya habang kumakain ng gulay. Akala ko hindi s'ya kumakain ng gulay. Si Asher kasi ayaw no'n kumain.

“Nagustuhan ko ang luto mo, Love.” Inilapag n'ya ang kan'yang kutsara sa ibabaw ng pinggan at ngitian ako. “Ipagluto mo ulit ako, ah?”

Napangiwi na lamang ako. “Oo pero hindi na gan'yan kaasim. Baka magkasakit ka sa bituka, ah?” paalala ko pa sa kan'ya.

“Hindi 'yan. Wait,” katuwiran n'ya bago tumayo sa pagkakaupo.

Napasunod lamang ang tingin ko sa kan'ya nang tumungo ito sa kusina n'ya. Nagtataka naman ako kung anong gagawin n'ya kaya sumunod ako rito.

Pagkarating ko pa lamang sa kusina ay kaagad ko s'yang nakita na may kinakalikot ito sa drawer. Tumungo ako papalapit sa kan'ya.

“Anong iyan?” takang tanong ko at sinilip ang hawak-hawak n'yang bote na naglalamang gamot.

Napabaling ang tingin n'ya sa 'kin. “Gamot ko para sa pampatulog mamaya,” sagot n'ya.

'Di ba s'ya makatulog? Epekto ba ito ng kan'yang sakit?

“Edi, araw-araw 'kang umiinom n'yan? Wala na 'bang ibang paraan para makatulog ka na hindi umiinom ng gan'yan?” tanong ko pa ulit at tinuro ang gamot n'ya.

Hindi kaya ma-overdose s'ya sa gamot n'ya? Sana naman hindi.

Napatitig s'ya ng matagal sa 'kin na ikinaiwas ko ng tingin. Bakit kasi hiling n'yang tumitig ng gan'yan?

“Hindi ko alam...”

Napabagsak naman ang balikat ko sa sinagot n'ya. Ako nahihirapan sa sitwasyon n'ya. Feeling ko kung 'di s'ya maayos ay gano'n din ako.

Napaisip ako. “Try mong matalog mamaya na hindi umiinom ng gamot. Babantayan kita,” biglang sambit ko na ikinalaki ng kan'yang mata.

“B-Babantayan mo ako?” tanong n'ya na ikinatango ko.

Umiwas s'ya ng tingin sa 'kin at binulsa ang boteng hawak n'ya. “Sa tingin mo makakatulog ako sa isipang nakatitig ka sa 'kin?”

Umupo ako sa upuan na malapit lamang sa 'kin. “Eh, ano ang gagawin ko para makatulog ka?” tanong ko at tiningala s'ya.

Lumapit s'ya sa 'kin saka tinukod ang kan'yang kamay sa lamesa banda sa harapan ko lamang.

“Let's sleep together.”

Napabuka ng konti ang bibig ko sa sinabi n'ya. Sleep together? Hindi pa ako nakakatabi sa lalaki kung matulog sa gabi. Ang tanong kaya ko ba? Hindi pa ako sanay...

The Psycho Nerd (Nerd Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon