CHAPTER 20

2.1K 81 9
                                    


EMERSYN SOLACE

'Di na namin namalayang nakahiga na kami sa sahig habang patuloy pa rin n'ya akong hinahalikan na tila sabik na sabik.

Lahat ng inis, galit at pagkaselos ko ay nawala. Hindi lang dahil sa paliwanag n'ya kundi dahil sa nakakalasing na halik na binibigay n'ya sa 'kin.

Napasinghap ako ng mahawakan na n'ya ang sensitibong parte sa ilalim ng katawan ko. Gusto kong sabihin na baka may makakita sa 'min pero imbes na suwayin s'ya ay ungol ang lumabas mula sa bibig ko.

“O-Ohhh...”

Dahil sa narinig n'ya ang ungol ko ay mas lalo pa n'yang pinag-igihan ang paggalaw ng kan'yang labi sa 'kin.

'Di ako masyado makapag-isip dahil sa sarap at halinghing lamang ang nararamdaman at lumalabas sa 'kin. Naisigaw ko ang kan'yang pangalan nang bumaba ang kan'yang halik mula sa leeg hanggang sa ilalim ko.

Wala sa sariling napasabunot ako sa kan'yang malambot na buhok at do'n kumuha ng pwersa dahil sa nakakabaliw na sensasyon na ngayon ko sa kan'ya ko lamang naramdaman.

Ramdam ko ang paglabas-masok ng kan'yang dila sa kweba ko habang ako naman ay pawis na pawis dahil sa panggigigil ko sa kan'ya. 'Di ko makontrol ang sarili ko dahil mismo ang katawan ko ay may gusto nito.

Mahabang ungol ang inilabas ko nang maramdaman ko ang paglabas ng katas sa ilalim ko. Bagsak ang likod ko sa sahig at napahabol ng hininga. Pakiramdam ko ay pagod na ako sa ginawa n'ya.

Rinig ko ang tunog ng kan'yang paghubad ng sinturon at zipper dahilan para mapamulat ako.

Akmang tatayo na sana ako para pigilan s'ya na baka may makakita sa 'min nang tinulak n'ya ako ng mahina at dinaganan ako sa itaas.

“M-Mamaya na, Russ baka may makakita sa 'tin—”

Natahimik ako nang sinungaban n'ya ako ng mabilis na halik at napalayo rin ng konti at tinitigan ako sa mata na may bahid na ng pagnanasa.

“Akong bahala, Love. Walang makakita sa 'tin dito. Please, miss na miss na kita...” Akmang hahalikan na n'ya ako nang umiwas ako.

Napatawa ako ng mahina at pinilit s'yang tumayo na pero ayaw n'ya talaga. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan sa malungkot n'yang mata pero nahahalata ko naman na hindi na n'ya mapigilan ang sarili n'ya.

“Ilang oras lang naman tayo naghiwalay, ah,” 'di makapaniwala kong saad sa kan'ya.

Nagreklamo naman ito bago siniksik ang kan'yang mukha sa leeg ko at sininghot ito na ikinataas ng balahibo ko. Medyo may kiliti pa naman ako sa leeg minsan.

“Kahit na! Miss na kita, Love... Please, mamamatay yata ako sa isipang ayaw mo na sa 'kin.”

Hinampas ko s'ya ng mahina sa braso at napatawa rito. Agad nanlaki ang mata ko nang  maramdaman ang bagay na tumutusok sa ilalim ko.

Alam kong sa ano iyon dahil hindi naman ako masyadong inosente sa bagay at saka ramdam ko iyon.

Ibinaling ko ang tingin sa kan'yang nakakaawang mukha. Sinisinghot n'ya lamang ang aking leeg at hinahalik-halikan ito. Alam kong tinitigasan na s'ya at higit pa rito ang gusto n'yang mangyari. Naawa naman tuloy ako.

Napatingin ako sa bawat sulok ng lumang classroom na pinasukan namin at pinakiramdaman kong may tao ba na papalapit o ano. Nagpapasalamat naman ako na wala namang bakas na tao sa paligid at tanging kami lamang nandito.

Napabuga ako ng hininga at tinapik ang kan'yang pisngi. “I-Isa lang, ah? Alis na tayo pagkatapos— a-ahh!”

'Di n'ya ako pinatapos sa pagsasalita nang binigla ako sa pagpasok ng kan'ya sa 'king loob. Medyo masakit pa rin kahit pangalawang beses na mangyari ito sa pagitan namin.

The Psycho Nerd (Nerd Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon