Detention
"Jia, we're here."
Napalingon ako kay Lachlan nang sabihin niya iyon. Huminto ang sasakyan niya sa isang sikat na restaurant. Hindi ko alam kung bakit imbes na kaba ang maramdaman ko ay pagsisisi dahil disappointed na naman sa akin si Denber.
"Jia..." kaagad akong napatingin kay Lachlan nang tawagin niya ako, nanatili pa rin kami sa loob ng kotse. Nagamot na ni Lachlan ang mga sugat ko, at dahil simpleng sugat lang naman ito, hindi na ako nag-abala pa na magpalit dahil binilihan naman ako ni Lachlan ng cardigan pang-patong doon.
"I'm sorry. Let's go then?" I asked and forced myself to smile. He heaved a heavy sigh before nodding. Kaagad siyang bumaba, bababa na rin sana ako nang bigla niya akong pinagbuksan. Ngumiti siya sa akin.
"Smile, Jia. Mas gumaganda ka kapag nakangiti." he encouraged me to smile so I did, besides, I should deal with my feelings later. Inabot ko ang nakalahad niyang kamay upang alalayan akong makababa. Kaagad naman niyang inabot sa valet ang susi ng kotse niya upang maipark.
"Just act as if we're together." aniya habang hawak-hawak ang baywang ko papunta sa loob. Dito ko lang naramdaman na sobrang bilis na pala ng tibok ng puso ko. Lugar pa lamang ay intimidating na, paano pa kaya kapag nakita ko na si Dad Hudson? Ilang linggo na kaming hindi nagkita pero nanatiling bangungot iyon para sa akin.
Kahit kailan hindi ko malilimutan ang mga ginawa niya sa akin, tatatak iyon sa isipan ko hanggang sa huling hininga ko.
Nang matagpuan ng mga mata ko ang lokasyon ng taong kinatatakutan ko, kusang kumapit ang aking kamay sa kamay ni Lachlan dahilan para mapalingon siya sa akin.
"Calm, Jia. Nandito lang ako." aniya sa marahan na boses. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Dad Hudson ay kita ko kung paano niya suyurin ang kaniyang mga mata sa amin ni Lachlan. Mag-isa lang siya, may kasamang tatlong bodyguard na nakasuot ng black suit, nasa likuran niya ang mga ito.
Dahan dahan kaming nakarating doon hanggang kailangang bumitaw ni Lachlan sa akin para makipag-man-hug kay Dad. Sa pagkakataon na iyon hinabol ko ang pagkapit sa akin ni Lachlan dahil pakiramdam ko ay mapapahamak ako kapag wala akong kasama.
"Good evening, Tito. Sorry, we're late. Hinintay ko lang si Jia na matapos sa last class niya." palusot ni Lachlan bago lumapit kaagad sa akin dahil siguro ramdam niya rin ang takot ko. Kaagad niyang hinawakan ang nanlalamig kong kamay.
Nagkatinginan kami ni Dad Hudson. Seryoso at deretso lamang ang kaniyang mga mata, walang bakas na ano mang emosyon ngunit may bahid nang pagdududa roon.
"You may take a seat," aniya sa amin ni Lachlan bago siya umupo. Pinaghila naman ako ni Lachlan ng upuan bago kami umupong dalawa.
Maya maya ay pinag-order kami ng pagkain bago nagsimulang magtanong-tanong si Dad Hudson. "So kailan niyo plano? Anong date?" he asked us.
Napatingin ako sa kaniya dahil do'n. Iyong kasal ba ang sinasabi niya? Hindi pa kami nakakapagsimulang kumain ay iyon na ang tinatanong niya. Ngunit hindi man lang niya ako nilingon.
"After her graduation, Tito." sagot naman ni Lachan, dahilan para mapatingin ako sa kaniya. I saw the determination on his eyes. I gulped, unable to speak my thoughts.
"Magtatapos ka rin naman diba, Lachlan? Kapag tapos na ang graduation niyong dalawa, maaari na tayong mag-hire ng wedding planner." suggestion ni Dad Hudson. Napayuko ako.
"We will, Tito. For now may you please let us prioritize our studies. It's for our future, Tito." sabi ni Lachlan.
Hindi ko na alam ang sinabi pa ni Dad Hudson dahil wala na akong ganang pakinggan ang lahat. I felt defeated. Bakit nga ba pinaglalaruan ako ng tadhana?
BINABASA MO ANG
Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]
Romance[Vesalden Series#3] First Love. A man that is covered in books, chooses dreams and study more than love. A woman that is sarcasm in everything, a woman who doesn't believe in love and a party goer. Eizce Denber is a suspicious man. Jia couldn't l...