Death Threats
Last day ko na rito sa kompanya ng Smith Corporation.
Bukas na ang finals at next week na ang graduation. Marami kaming intern dito na kasama ko sa Smith Corporation, pero halos wala akong ka-close sa kanila. Ginawa ko nang mabuti ang naiwang kakaunting trabaho, hindi alintana ang tinginan sa paligid.
Buti na lamang at nakapaghanda ako ng maisusuot mamayang gabi, para sa pagkikita muli namin ng mga magulang ni Denber. Nag-usap kami kanina na baka hindi siya makasabay sa akin ng lunch, dahil may gagawin siya sa Tagaytay ngayon, tungkol yata sa kompanya nila, at hindi sa internship niya.
Nagtatampo ako, pero inintindi ko pa rin, lalo na't sabi niya susunduin niya ako mamaya at babawi. Kahit iniisip ko kung mapapagod siya, siya na rin mismo ang tumanggi at nagpumilit na susunduin ako.
Kasalukuyan akong nasa loob ng opisina ni Mr. Smith, dahil aniya'y may sasabihin siya. Ngunit sumaglit muna siya sa isang conference meeting kaya naghintay na lang ako rito sa loob.
Ang gaang pagmasadan ang kabuuan ng syudad. Hindi man sing presko sa probinsya na sinasabi nila, nasanay naman ako rito sa syudad.
Tumayo ako mula sa itim na leather na sofa. Napataas ang isang kilay ko nang may makitang lima na litrato sa isang maliit ngunit mahaba na cabinet ni Mr. Smith.
Ang unang litrato ay siya, ngunit halata na ilang taon nang lumipas ang pagkakakuha. Sa pangalawang litrato naman ay si... Vorge? Sa pangatlo...kamukha rin nila, mula sa buhok, kulay ng mga mata, pangangatawan at tindig. Sa pang-apat ay ganoon din, ngunit halatang mas magaan ang awra nito, nakangiti kasi sa litrato habang iyong naunang tatlo ay hindi.
Titingnan ko na sana ang pang-lima dahil mukha iyon nang isang batang babae na...kamukha ko? Hindi natuloy ang pagsisiyasat ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, at pagdating ni Mr. Smith. Gulat ako nang mapatingin sa kaniya.
Siya naman ay tila gulat pa nang makita akong narito na, ngunit lumingon siya sa likuran ko, kung nasaan naroon ang litrato na tinitingnan ko. He smiled a bit, before walking near at me. Kinabahan kaagad ako dahil kung ano-ano na naman ang nakakalikot ko.
"This is your last day here, right, Ms. Asmin?" magaan sa boses na tanong niya. Itinaob niya ang picture na sinisiyasat ko bago inayos ang necktie at umupo sa kaniyang swivel chair. Umupo naman na ako sa upuang nasa harap ng mesa niya, kinakabahan pa rin.
"Vorge found a lead. They said its quite dangerous because, that island is private and surrounded by men."
"Where is that Island?" I asked, nervously.
He heave a sigh. "Part of Cebu."
Ang buong pinag-usapan ay tungkol lamang sa lead, doon sa Cebu. Isa iyong maliit na isla, ngunit malayo sa pangkaraniwang isla na makikita roon.
Kaunti na lang, Mommy, Ate Morgan, at Cath. Makakalaya na rin tayo.
Nang lunch ay kaagad akong nagpasiya, na sa isang simpleng restaurant lang ako kakain. Kaya ang bagsak ko ay sa fast food court, doon sa Mall. Kukunin ko na rin kasi iyong dress na nakita ko via online.
Habang kumakain sa Mcdo, hindi naman gaanong marami ang tao. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mr. Vorge, at Mr. Smith papasok dito mismo sa Mcdo! May anim na butler silang dala ngunit nanatili sa labas.
They look so out of place, some people was busy ogling at these two men. They are fully dressed in all black suit with black cap. In-entertain naman na noong isang crew sila at nag-order na sa counter. Nang makapagsabi ng order ay napatingin sila kunwari sa paligid bago ako nakita. Nagulat ako nang dumiretso sila pareho sa table ko.
BINABASA MO ANG
Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]
Romansa[Vesalden Series#3] First Love. A man that is covered in books, chooses dreams and study more than love. A woman that is sarcasm in everything, a woman who doesn't believe in love and a party goer. Eizce Denber is a suspicious man. Jia couldn't l...