Rumors
Every one desires to live long, but no one would be old. Achieving life is not the equivalent of avoiding death.
While I thought that I was learning how to live, I have been learning how to die. I had been losing myself since beginning. Death is a fearful thing. Death is a mystery, and burial is a secret.
We aren't capable to stop someone's death.
Kahit sobrang sakit, kailangan mong tanggapin, na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakasama mo ang taong iyon.
"Mommy... Mommy!" malakas na sigaw ko habang umiiyak.
Lumuhod ako sa puntod niya. Hindi na ako makahinga sa bigat ng nararamdaman, sa pagod, sa pamimilit sa katawan, at sa sakit ng nararamdaman.
"A-Asmin, umuwi na tayo anak." boses ni Papa ang narinig ko.
"I won't leave here! Ni hindi ko man lang naabutan ang lamay niya! Bakit hindi niyo ako ginising! Sana pinilit niyo ako!" umiiyak na sigaw ko, sabay lingon kay Papa, Kuya Vrey, Kuya Vorge, Kuya Viston, at Kuya Vilex. May hawak silang itim na payong, umuulan pero wala akong pake.
"We can't force you, comatose ka ng dalawang buwan." mahinang sabi ni Kuya Vrey. Kita ko sa mga mata ng kapatid ko na namumula iyon, tanda ng sakit na nararamdaman din. Aminin ko man o hindi, alam kong naghinagpis din sila sa pagkawala ni Mommy.
Nanghihina akong umiling, humahagulgol. "P-Pinilit niyo sana ako. I hoped you forced me! Ni hindi ko man lang natanaw si Mommy bago siya binaon sa lupa! Papa..." daing ko kay Papa na kita ang luha sa mga mata niya.
"Si Mommy... Si Mommy Pa, bakit siya pa 'yong binawian ng buhay?" umiiyak na sabi ko, hindi ako maalis sa tabi ng puntod ni Mommy.
Humakbang palapit sa akin si Papa. Umupo at tiningnan ako nang malamlam. He smiled painfully. Hinaplos niya ang pisngi ko.
"Your mom will be mad at me, paniguradong sisikmurahan niya ako kapag nakita kang umiiyak." bihasa siya sa pagsalita ng wikang Filipino, kahit hindi halata sa hitsura niya.
"Ang Mommy ko..." patuloy kong iyak. Basa na ako ng ulan at pilit akong sinisilungan ni Papa at ng mga kapatid ko, pero hindi ako paawat.
"I-Ilang taon akong nagkimkim ng galit sa kaniya... Ilang taon at halos buong buhay ko, namuhay ako ng may pagkamuhi sa kaniya ni hindi ko man lang inalam ang rason. Bilang lang ang magandang usapan namin, karamihan ay nasusumbatan ko siya. Napakawalang kwenta kong anak. I am nothing but a useless child."
"Asmin!" sigaw nilang lahat. Ngunit matigas ang ulo ko. Hinawi ko sila nang akmang kukunin na nila ako, dumapa na ako para yakapin ang puntod ni Mommy.
"L-Leave! Si Mommy, susunod ako kay Mommy!" nawawala na ako sa wisyo ko. Hindi na ako makahinga ng maayos, ang alam ko lang ay gusto kong makausap ang Mommy ko.
"What are you talking about?! It's not funny!" sagot ni Kuya Vrey sa sabi ko. Umiiyak akong humilig sa puntod ni Mommy.
"Mommy..." patuloy ako sa pag-iyak. Hindi na mawala ang sakit ng nararamdaman ko.
"Vrey, get your sister. Her wounds might open!" nag-aalalang utos ni Papa.
At ganoon nga ang ginawa ni Kuya Vrey. Halos buhatin na niya ako, wala siyang pake kahit putikan na ang damit ko, basa na rin siya dahil binaba niya ang payong.
"Hindi ko iiwan si Mommy! Bitawan mo 'ko!" pagpupumiglas ko sa Kuya ko, pero sa halip, niyakap niya ako nang mahigpit habang buhat na parang bata.
BINABASA MO ANG
Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]
Roman d'amour[Vesalden Series#3] First Love. A man that is covered in books, chooses dreams and study more than love. A woman that is sarcasm in everything, a woman who doesn't believe in love and a party goer. Eizce Denber is a suspicious man. Jia couldn't l...