Chapter 7

145 8 2
                                    

Sisters

"Thank you,"

Mahinang bulong ko sa kaniya. Marahan lamang ang paraan nang pagkakatitig niya sa akin. Nasa loob kami ng kotse niya, nakapagbihis na rin ako dahil binilhan niya ako kanina nang magbyahe kami.

Hindi ko tuloy mahanap ang aking mukha dahil wala na akong maihaharap sa kaniya.

"Are you hungry? We can stop and eat in a restaurant near us," aniya bago may kinuha sa backseat. Jacket iyon, nagulat pa ako nang lapitan niya ako para maipulupot iyon mula likuran ko.

"H-Hindi na, sa bahay na lang ako." sabi ko sa kaniya at nag-iwas nang tingin nang bumalik siya sa tamang pwesto niya. Umuulan pa nang malakas ngunit hindi iyon alintana sa amin. Kaso nga lang malamig, salamat sa jacket niyang amoy ko pa ang bango mula sa kaniya.

"Maglalayas ka ba?" mahinang tanong niya sa akin na ikinayuko ko. Kanina niya pa iyan sinisingit na tanungin sa akin ngunit hindi pa rin ako makapagsalita.

"Jia tinatanong kita." mariin niyang tanong sa akin. Bakit ba parang nagagalit pa siya sa akin? Ang sweet naman niya bilang classmate kung ganoon. Psh.

"Oo." mahinang sagot ko ngunit ang paningin ko ay nasa labas ng windshield. Malabo na nga ang salamin dahil sa patak ng mga ulan ngunit nakakaliyo naman ito, nakakaengganyo kasi sa paningin.

"Why? Is there something wrong in your home?" mahinahon niyang tanong. Napatiim-bagang ako.

"Kung napipilitan ka lang na patirahin ako dahil naaawa ka sa akin, stop this Denber. I can manage myself. Don't act like you care," madiin na sabi ko at sinalubong ang madilim niyang mga mata.

I saw how aggressive he clenched his jaw. His lips twisted but before he can say something, he sighed heavily first and hardly closed his eyes before opening it and meeting mine.

"It's not like that. I'm just worried. Paano kapag nagalit ang mga magulang mo?" he asked na halos ikatawa ko.

"I don't feel them as my parents, Denber." I said sarcastically.

"Jia, your mouth. Magulang mo pa rin sila." pangangaral niya sa akin ngunit tumawa lamang ako at sinipat siya.

"Pero iyon ang nararamdaman ko Denber!" asik ko sa kaniya na ikinatahimik niya. Nag-iwas kaagad ako nang tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang mariing titig niya sa akin.

Walang makakaintindi sa akin dahil wala sila sa puwesto ko. They will never know my pain because they don't feel what I feel.

Even if there's a sight that you are having a complete family, you can never say your lucky. Complete but unhappy? It's just like a broken family, it will always have its own deficit, scarcity and still incomplete.

Iyan minsan ang akala ng ibang tao. Porket kompleto ang pamilya niyo kinaiingitan na nila kayo. Yes, thankful kasi kompleto, pero kapag hindi naman masaya? Ano'ng pinagkaiba do'n?

"Ihahatid kita, kausapin mo muna sila nang sa gano'n ay matulungan kita kapag pumayag sila." aniya. Kinuyom ko ang mga kamao ko.

"Maglalayas nga ako, Denber. Hindi mo ba iyon maintindihan? Anong klaseng paglalayas kung sasabihin ko naman?" sarkastikong sabi ko sa kaniya.

"I am just saying this Jia because they can sue us for this. Hindi ko sinasabi ito dahil nag-aalala ako sa pakanan ko ngunit ayoko lang na pagsabihan ka nila ng iba. Dahil kahit anong gawin mo, kapag ganito ang kalalabasan, mananatiling ikaw ang mali dahil ikaw ang naglayas." pangaral niya sa akin kaya pagak akong tumawa bago hinarap siya.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon