Cruel
Inayos ko ang pagkakahiga ni Xzcymon sa couch, pinaligiran ko siya ng maliliit na pillows sa tabi niya para hindi siya mahulog.
Pagkatapos, ay ilang na nagpunta ako sa swivel chair ko, at hinarap ang malamig na bultong nakaupo sa harapan ng mesa ko. Nakatingin lang siya sa akin na parang problema niya ako. Hindi ko mapinta.
"So, what brings you here?" I firmly said. He bit his lower lip, before putting a brown envelope in my table.
"That's the summary of the plan for the upcoming project. This is my proposal, if you agree to it, attend my meeting tomorrow in our building." he said in flat tone, and with no emotions at all.
Sa halip na pagtuunan ng pansin ang malamig niyang tingin, kinuha ko ang brown envelope at binasa iyon. At dahil gusto ko naman ang mga nakalagay na description, pinirmahan ko na lang.
"You could've order someone to come here, Mr. Smith. Nakakahiya naman sa 'yo at ikaw pa talaga ang nagpunta para sa maliit na dokumentong ito." pormal na sabi ko, bago ibalik sa kaniya ang envelope. Nang magtama ang tingin namin ay ganoon pa rin, hindi nagbago, malamig pa rin ang tingin niya. His lip rose up.
"My secretary is busy, she attended an important meeting in Vigan." he stated. Halos umirap ako.
"I didn't say, your secretary Mr. Smith. At malay ko ba sa meeting na dinaluhan niya, hindi ko naman tinatanong." hindi ko alam kung lumabas na sarkastiko ang sinabi ko, pero parang ganoon na nga. Dahil kita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya, tila nanunudyo pa ito kaya halos gulpihin ko na siya sa isip ko.
"Did I offend you, Mrs. Tuanza? I'm sorry about that." he said sarcastically. Nang matapos ay tumayo na ito. "I have to go, watch your son closely. Baka mahulog." sabi niya, bago tuluyang naglaho sa paningin ko. Napakunot-noo na lang ako at umirap. Bago ako lumapit kay Zcymon at binantayan ito.
Bakit ba tila naging sarkastiko siya sa akin? May kasalanan ako? Tumawa ako sa isip, is he that bitter because he thought I have a son? Or is he jealous?
Nang magtanghali ay kumain muna kami ni Xzcymon, bago dumating ang Mama at Papa niya. Sabay-sabay kaming nagpunta sa Airlines para ihatid sila Kuya Vrey at Kuya Viston sa aming private airplane. Hindi ko alam, bakit nagiging mabigat sa akin na umalis si Kuya Vrey. Siguro dahil spoiled na rin ako na puro siya ang sumasalo sa mga trabaho ko sa opisina kapag hindi ko iyon nagawa. Lalo na ngayon, acting CEO ako dahil wala siya. Pasan ko na naman ang bigat kapag nagkaroon ng problema rito.
"Bakit ka nakasimangot?" tumatawang tanong ni Kuya Vrey sa akin. Nakasuot siya ng brown sweaters, at white slacks, ipinares niya ito sa dark brown leather shoes, sa kamay niya ay bitbit niya ang brown long topcoat. Umastig ang tingin niya dahil sa kasimplehan niya. Si Kuya Viston naman ay nakasuot ng all black, nagpa-cool sa sarili niya ang kaniyang black leather jacket, parang masamang tao lang dahil may hikaw ito sa tainga, at puro chain ang sumasabit sa black pants niya.
"Kailan kayo babalik?" I asked. Nalulungkot pa rin sa ideya na malalayo sila ni Kuya Viston sa akin. He shrugged. "I don't know. We'll still call you though. Babalik din kami, sa ngayon ay marami pa kasi akong aasikasuhin." aniya. Nag-usap pa kami bahagya roon ni Kuya Vrey, hanggang sa tinawag na niya si Kuya Viston para makaalis na sila.
"Don't worry dude, I'll bring you American girls! You'd be glad of course!" rinig kong sabi ni Kuya Viston kay Kuya Vilex na halos malukot na ang mukha. "Fuck you Viston." he only answered.
BINABASA MO ANG
Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]
Romance[Vesalden Series#3] First Love. A man that is covered in books, chooses dreams and study more than love. A woman that is sarcasm in everything, a woman who doesn't believe in love and a party goer. Eizce Denber is a suspicious man. Jia couldn't l...