Healed
I maneuvered my car as fast as I can.
Malamig ang gabi, ngunit hindi ko iyon alintana. I bit my lower lip, siguro nababaliw na ako. Tatlong taon na ang lumipas pero 'di ko pa siya kayang kalimutan.
Napatingin ako sa cellphone ko, kanina pa nagri-ring iyan. Kanina pa tumatawag ang mga Kuya ko, kay Kuya Vilex lang ako nagpaalam pero alam kong binibigyan niya lang ako ng oras, at baka mamaya'y hahanapin na nila ako.
I turned off my phone.
Kahit pilit kong hilahin ang sariling huwag siyang balitaan, nakikita ko pa rin ang sarili ko na nagbro-browse ng balita tungkol sa kaniya.
Nakakatawa lang, dahil 'yong taong pinagseselosan ko rin lang pala ang babagsakan niya. Masaya na 'yong tao, dapat huwag ko nang guluhin. Ako ang nang-iwan e, ako ang may kasalanan.
Kaya wala akong karapatan na magreklamo kung may iba na siya.
Maraming tao sa loob ng club. Ang iingay, at kung wild man ang mga tao sa Pilipinas, mas lalo na rito. Nakita ko pang nagme-make out 'yong iba, sa labas pa lang.
Maraming napapatingin sa akin pagkaloob ko, pero hindi ko sila pinansin. Sa isang tao lang ako interesado, wala nang iba.
I am wearing my red tube flowy short dress, my hair is in a clean high bun, that makes me look fiercer. Nagsuot ako ng black stilettos, at naglagay na rin ng makeup.
Pagpasok ko sa loob, dumiretso kaagad ako sa counter. Maingay dahil sobrang lakas ng musikang umaalingawngaw sa bawat sulok ng club, marami na ang nagsasayawan sa dance floor. Pero nandito ako para uminom lang.
Kung dati, noong college pa ako, noong bago ko pa makilala si Denber, puro kalandian ang ginagawa ko, ngayon hindi na. Simula nang makilala ko ang lalakeng iyon, hindi na ako naging interesado sa kung sino.
Ginayuma yata ako ng lalakeng iyon.
Napailing ako, iinom ako para makalimutan siya, pero hindi pa ako nakatutungga siya na agad ang naaalala ko.
"Three glasses of hard drink, please." utos ko sa bartender. Napalinga-linga ako sa paligid habang naghihintay.
Puro tawanan ng tao ang maririnig. I smiled bitterly on myself.
Hindi naman lahat ng tao na nagpupunta sa bar ay mga adik, siguro napapagod din sila sa mga problemang nararanasan nila sa buhay. Sabihin man ng iba na hindi alak ang solusyon, para sa iba, ito ang ginagamit para makawala muna sa pahina ng mabigat na pinagdadaanan.
"Here, miss." sabi no'ng bartender sa akin. Madikit ang tingin niya sa akin, or I should say, on my cleavage. Inismiran ko lang siya, manyak pala ang isang 'to.
Nilagok ko nang deretso ang tatlong drinks. Halos magbaga ang lalamunan ko dahil doon. Napaubo pa ako, pero hindi iyon ang inisip ko.
"Two more, please." utos ko pa. Sumunod naman iyon, pero kita ko ang pagpasada ng mga mata niya sa dibdib ko. Pagak akong tumawa, nang ibigay niya sa akin ang alak, nagkatitigan kami.
"Alam mo? Ang sarap mong ipatanggal. Kaya ka siguro nagtrabaho rito para mabiyayahan ng busog ang mata mo." sabi ko sa kaniya, but he grin. "Uh, what did you say?"
Tumawa ulit ako. "Ang sabi ko, putangina mo. Manyak kang hinayupak ka." sabi ko sa kaniya sabay tayo. Ipinakita ko pa sa kaniya kung paano ko itaas ang tube na dress ko, upang matakpan ang sinisilip niya.
BINABASA MO ANG
Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]
Romansa[Vesalden Series#3] First Love. A man that is covered in books, chooses dreams and study more than love. A woman that is sarcasm in everything, a woman who doesn't believe in love and a party goer. Eizce Denber is a suspicious man. Jia couldn't l...