Chapter 8

144 8 2
                                    

Worried

Nagising ako dahil sa pagka-uhaw.

Napadaing kaagad ako dahil sa pamilyar na pananakit ng katawan ko. Kailan nga ba ako gumising nang walang dinadamdam na sakit?

I adjusted my sight to the light above me. Ang puting kisame ang sumunod na nakita ko. Nang maalala ang nangyari ay kaagad akong napatingin sa paligid ko.

I am lying on a wide bed, malawak ang silid na kinaroroonan ko, maganda ang interior designs at yari sa mamahaling materyal. Ang kulay ng kwarto ay puti, ang bawat sulok at disenyo naman ay kulay abo at kulay-kape. Ang bawat sulok naman ng kisame ay may mamahaling dim lights, ang pinaka-ilaw naman ay malaking bilog sa gitna.

Sa gilid ng kama ay may magkabilaang bedside table na babasagin at may round lamp. May vanity table rin pero walang laman, sa gilid ay may study table na wala ring kalaman laman, may malaking bookshelf na iilang libro lang ang laman, may babasaging vintage round table at cotton single sofa na dalawa, may coffee table rin malapit sa bintana, kita rin ang daan papuntang bathroom, mayroon itong shower room, Jacuzzi tub, may sink at cabinets para sa toiletries, at sa isang pinto ay walk-in closet. Halos lahat ng materyal na ginamit ay mamahalin at gawang matitibay.

Kahit masakit ang katawan ko ay nagawa ko pa rin ang maglikot dahil minsan kong pinagnasaan ang masolo ang ganitong bahay. Ngunit ayos na, pero nang maalala na siguro ito ang guest room sa penthouse ni Denber ay napasinghap ako.

Gusto kong lumabas ngunit napansin ko ang aking suot.

"Goodness!" singhap ko nang makitang isang malaking white shirt ang gamit ko, nang maramdaman ang maiksing tela sa aking mga hita ay inangat ko ang shirt at kita ko na tanging cycling shorts lamang ang suot ko. Buti na lamang at ramdam ko na mayroon akong underwear.

Ngunit nang aking silipin iyon. I almost shout 'the hell' because how did I change? Or worst, did Denber changed my clothes? I almost blush at the thought he had seen me naked. Naman! Fudge.

Aalis na sana ako para hanapin siya at makausap nang makita ko ang sarili ko sa human sized mirror ang repleksyon ko. May mga bandage ako sa katawan. Sa sentido, sa gilid ng noo, sa leeg, pisngi, at puro galos sa braso at kamay. Kita ko pa na nakabenda ang aking isang paa dahil siguro na-sprain ito kanina at namaga.

Paano ko sasabihin ang mga ito kapag nagtanong si Denber? Masasagot ko kaya?

Huming ako nang malalim. He won't judge me right?

"Ah! Bahala na!" iling ko sa sarili ko dahil ramdam ko na rin ang gutom sa sarili ko. Lumabas ako sa kwarto at tiningnan ang pasilyo. It's really luxury. Halatang hindi ordinaryo ang ginamit na materyal, hindi ko nga alam kung pati semento ay mataas na uri pa ang gamit. Tatlo ang pinto sa pasilyo, akala ko ba dalawa lang?

Alam ko na agad na sa pinakadulong banda ang kwarto ni Denber, sa harapan ko ay ang hindi ko alam. Baka naman hindi kwarto ito, baka extra lamang or study room. Sa gilid naman ng kwarto ni Denber ay mayroong hagdan, ito na siguro iyong pangatlong palapag na may swimming pool. Sinundan ko ang pasilyo palabas hanggang sa makarating ako sa may hagdanan.

Sumilip ako sa ibaba. Malawak, ang living area pa lamang na natatanaw ko ay malawak na. Hindi pa bukas ang chandelier kaya alam kong siguro ay tanghali na. Ngunit nang mapatingin ako sa wall clock na ginto ang kulay ay halos lumuwa ang mga nata ko. It's already two-forty seven PM!

Fudge, inenjoy ko na yata ang maging sleeping beauty.

Dahil sa gutom, hinila ako ng mga paa ko tungo sa kitchen. Ipapaliwanag ko na lang kay Denber na gutom ako. Ngunit nang makarating ako doon ay halos magtago ako sa gilid ng semento.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon