Max's POV
"Okay, class dismiss." pagkaalis na pagkaalis ni Mrs. Ignacio umalis na rin ako ng room namen.
Dumerecho nako sa locker ko para mailagay ko na ang mga libro ko. Inilalagay ko na ang mga libro ko ng may tumabi sa akin na isang babae, maganda sya.
Pero..
pero bakit parang ngayon ko lang sya nakita? "miss!" tawag ko sakanya. Itatanong ko lang kasi kung transfer sya. "ah, yes?" sagot naman nito, di sya lumilingon pinagpapatuloy nya lang yung ginagawa nya sa locker nya.
"pwede magtanong"-Ako
"pwede naman, ano ba yun?" sagot nito at sa wakas tumingin na sya sakin. "bago ka ba dito?" tanong ko sakanya. Habang sya naman sinasara na ang locker nya.
Tumingin sya sakin na para bang hindi na-gets yung tanong ko.
"ah, I mean, transfer ka ba?" paglilinaw ko sa tanong ko. Then yun, nawala na yung parang nagtatanong na expression sa muka nya.
"ah! hindi naman dito nako nag-aaral since my first year of college, lumipat lang ako ng unit ng locker kaya siguro ngayon mo lang ako nakita." mahabang paliwanag nito.
"ah! ganun pala yun." sabi ko at tuluyan ko na rin sinara yung locker ko.
"mmh. may kaylangan ka pa ba?" biglang tanong nito. "ah, wala naman. Salamat!" sabi ko at tumalikod na sya at lumayo.
Nagulat ako, di man lang nagpaalam. Okay lang kasi di naman kami magkakilala pero sana...
Ugh! Yun yun e! Di pa kami magkakilala, di ko man lang natanong pangalan nya.
Napakamot nalang ako sa batok sa naisip ko.
"bakit wala?!" gulat na lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.
Wala kasing name card sa locker nya. Bakit kaya? Tss. Tomorrow is another day. Isip ko.
Pumunta ko ng cafeteria na ang tanging dala lang ay ang dslr camera ko, wallet, phone at yung bag kong wala namang laman. Kakain lang ako sandali at uuwi na din.
@school caf.
Kainis, kung kelan naman naka order na ko tsaka pa ko nawalan ng table.
Ugh! May nakita naman akong table malapit sa counter kaso nung papunta nako may biglang umupo, nakakahiya naman kung makikishare pa ko.
Nag iisa lang naman sya kaso babae parin yun, so dun nalang ako pumwesto sa table for standing kesa naman hindi ko makain yung binili ko.
"wanna seat?" narinig kong sinabi nung babaeng umagaw ng pwesto ko.
Pero nung tinignan ko sya di naman nakatingin sakin so I think hindi sya yung nagsalita.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng magsalita sya ulet.
"ayaw mo ba?"
Paglingon ko nagulat ako, thinking na ang babaeng nag aalok sakin na umupo ay yung babaeng kausap ko kanina sa locker.
Small World..
Nakatingin lang ako sakanya nang itaas nya ang isang kilay nya na para bang sinasabing ("ano tinitingin tingin mo?") kaya naman napakurap ako.
"ah, pwede ba?" -ako
"tss. Thinking na ayoko pero pinapaupo kita, sa tingin mo ba nababaliw nako kung papaupuin kita pero hindi pwede?" inis na sabi nito.
Pero ang weird, papaupuin nya ko tapos nagsusungit sya, anong problema nito?
Nakakailang naman kung umupo ako tapos ganito sya kasungit sakin, wag nalang nga.
"ayaw mo ata e." sabi na naman nya.
Naku naman tong babaeng to, ang sungit. Sge na nga uupo nako, tutal ngalay na din naman yung paa ko, so umupo nako.
"Salamat." sabi ko. "Okay!" maikling sagot nito.
Tahimik lang kaming kumakain, siguro mga 10 minutes na rin nababalot ng katahimikan ang table namen.
Gusto kong basagin ang katahimikang yon pero di ko alam kung anong sasabihin ko.
"napansin ko may camera kang dala, multimedia ba ang course mo?" pagbasag nya sa katahimikan namen.
Ang awkward, magkasama kami sa iisang table pero di kami magkakilala.
"ah, oo multimedia student ako. Graduating na." sagot ko. Pero tumango-tango lang sya.
Mga ilang sandali pang katahimikan.
Ako naman ang babasag.
"wag mo sanang masamain yung itatanong ko?"-ako
tumingin lang sya sakin.
"mmh. Na curious lang ako kaya itatanong ko to." paliwanag ko.
Baka kasi isipin na kalalaki kong tao ang chismoso ko. Nakatingin lang ulit sya sakin.
"Engage kana ba?" deretsong tanong ko. Nanlaki yung mata nya nang marinig ang mga salitang yun. Kahit ako nagulat, dere-deretso naman kasi itong bibig ko.
Huminga muna sya ng malalim bago sumagot.
"Talaga bang tsismoso ka? o sadyang observant ka lang?"
what? tsismoso? observant tanggap ko pero ang word na tsismoso, NO WAY!
T___T
"napansin ko lang kasi yung singsing sa gitnang daliri mo."-ako
"Dapat..." sagot nya.
Ngayon, may makikita ka nang expression sa muka ng babaeng to, kanina kasi blangko. Ngayon naman, Lungkot!
As in sobrang lungkot..
Dapat?
Dapat?
Dapat ano?
Dapat ikakasal sya?
Hindi ko maintindihan.
Bakit sya malungkot?
Kanina lang ang sungit-sungit nya, tapos ngayon ang lungkot nya.
"Dapat ano?" di ko na mapigilan ang sarili ko, kaya naitanong ko.
Kahit ayoko magtanong, naguguluhan ako. Nakakaawa ang babaeng to. Ayokong makita syang ganito. Kahit bago pa lang kami magkakilala, ganto na yung nararamdaman ko sakanya.
Actually, hindi ko pa nga sya kilala e.
Basta...
BINABASA MO ANG
Promise of a Lifetime.
RomanceHamirap kapag hindi ikaw ang first Love. Lalo na kung kayo, pero alam mong hindi pa sya fully moved-on sa taong minahal nya bago ka nya mahalin. Mahirap makipagsabayan sa taong alam mong may puwang pa sa puso ng taong mahal mo. Eto ba ang makakasira...