Understanding!

11 0 0
                                    

Author's Note: Sorry guys kung mai-ikli lang yung parts na nagagawa ko. Bago pa lang kasi ako dito sa wattpad. First Story ko po to. Sana magustuhan nyo. :))

*******

Max's POV

"I'll drive you home!" sabi ko kay Cindy pagkatapos kong hilutin yung binti nya. Baka mamaya pag pinabayaan ko to mamanhid ulit di pa maka uwi ng ligtas. Kaya nag prisinta nako.

"Thankyou, pero ayoko pa umuwi e. Sige una nako." sabi nito at akmang lalabas na ng kotse ko nang harangin ko. Nandun parin kasi ako sa side nya.

"Pero bakit?" inosenteng tanong ko.

"Gusto ko lang muna mapag isa." malumanay na tugon nito. Nanatili syang nakatungo na parang ang lungkot-lungkot ng mukha.

Siguro dahil to dun sa lalaking dapat papakasalan nya.

"Is this about the guy?" mahinahon kong tanong.

Hindi na ito sumagot at tumingin nalang sa malayo.

"Okay. Hindi kita iuuwi but let me just bring you somewhere." -ako

Tumango lang ito at umayos na sa pagkakaupo.

Sumakay na rin ako at nagsimula ng mag drive.

Dadalhin ko sya kung saan ako tumatambay pag ganitong may problema din ako. Dadalhin ko sya kung saan ko nilabas lahat ng galit at sakit last week nung niloko ako ni Atasha.

At ng ihinto ko ang sasakyan sa isang mataas na lugar na kita ang buong syudad binigyan nya ako ng questioning look.

Na-gets ko naman agad yung tingin na yun kaya naman ipinaliwanag ko kung nasaan kami.

"Dito ako pumupunta pag may problema ako. Ikaw pa lang ang unang babaeng sinama ko dito. I want to share this to you. I know na hindi man matatanggal ng lugar na ito ang lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman mo but I promise this will help you release your emotions." paliwanag ko sakanya.

Tumango lang ulit ito.

Bumaba nako at pinagbuksan sya. Inakay ko sya papunta sa dulo kung saan tanaw na tanaw ang napaka ingay na syudad.

Nakita kong namumuo na yung luha sa gilid ng mga mata nya. I know sooner or later bubuhos na ang mga luhang yun.

"Why don't you shout?" tanong ko dito.

Sigaw lang kasi ang nagpapagaan ng loob ko whenever I experience this Shit.

Ilang sandaling pananahimik lang.

"F*ck!!! I HATE YOU CARL! I DO HATE YOU! WHY DID YOU DO THIS TO ME? MINAHAL NAMAN KITA DIBA? KULANG BA? HINDI BA SAPAT KAYA NAGMAHAL KA NG IBA? BAKIY SYA PA? BAKIT ANG DATI KO PANG BESTFRIEND?"

Nagulantang ako sa mga sinabi nya. Nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman nya. I'd already experience this, this kind of girl doesn't deserve that bull shit thing.

Hindi ko pa nga talaga sya kilala. Pero ayokong nakakakita ng ganitong babae. Kaya ba sya masungit that day. Sungit at tapang ba ang pinangtatakip nya sa sakit na nararamdaman nya?

Hindi nya dapat to nararanasan.

"1 year na lang. Bakit hindi mo ko hinintay? Nagpromise ka. Pero bakit mo ko iniwan? Sabi mo ako lang sapat na. So all this years pinaniwala mo ko sa mga kasinungalingan mo?"

Napaluhod nalang ito sa pagod kasisigaw. At ayun, tuluyan na ngang bumuhos ang luhang kanina pa nya pinipilit huwag bumuhos. Pero kahit ang mga mata nya ay di na nakayanan pa ang sakit.

Promise of a Lifetime.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon